Chapter One
The most compelling love stories are the tragic ones. Titanic, Romeo and Juliet, Brokeback Mountain, The English Patient, and the like. Don't get me wrong. Hindi ako masochist and I don't ever want them to happen to me. I just really like watching them.
After hearing Eisley's painful lines, buong linggo akong nanonood ng tragic movies just so my parents wouldn't notice I was crying over a guy; a guy who knew I loved him and despised me for it. My sister-in-law knew about it, but she never told anyone.
Akala ko nga sisigawan niya ako, pero umupo siya sa tabi ko at sinabing, "It's in high school when most people experience their first love and heart break. Normal lang 'yan. At least, you get to learn; learn to cope with life's shts and learn to heal. Sa susunod na masaktan ka, alam mo na ang gagawin mo. Kung gusto ka niya, lalapitan ka niya. Kung hindi, tama na. Walang gamot sa pagiging tanga."
I did what she said. Buong senior year, hindi ko pinapansin si Eisley. I tried to move on. I really did. Pero hanggang mag college ako, siya pa rin. Dahil magaling akong stalker, nalaman ko kung saan siya nag-aral ng college. Pag wala kasi siya sa bahay nila, nagpupunta ako sa kanila. Sa first floor kasi ng bahay nila, nagtayo sila ng restaurant.
"Hi, Mommy Sexy!" Nag beso ako sa mommy ni Eisley kahit ayaw niya dahil mabaho raw siya. Years ago, at age 34, she had her right leg amputated just above her knee due to PAD also known as Peripheral Arterial Disease. 48 na siya, pero maganda pa rin siya. She looked younger than her age.
Kung wala naman daw ang anak niya, hindi rin siya makaka-survive. Silang dalawa na lang kasi ang magkasama kaya pagkatapos na pagkatapos ng last class ni Eisley, uuwi na agad at tutulong sa restaurant nila.
Wala raw siyang binabayarang kahit ano dahil scholar naman anak niya at may allowance pa. Yung bills nila, si Eisley rin ang nagbabayad dahil marami siyang part-time jobs. Yung kita sa restaurant, para rin sa pag-upgrade ng restaurant at sa ibang investments.
Kung gaano raw ka-malas buhay ni Mommy Sexy, ganoon naman siya ka-swerte sa anak niya. Eisley only buys what he needs. Ni wala nga siyang mamahaling damit.
Isang beses, binilan daw niya si Eisley ng mamahaling sapatos, pero ang sabi ni Eisley sa kanya, "Ma, hindi ko kailangan nito. Dapat hindi ka na nag-abala." Ayaw niya kasi ng pinagagastusan siya.
Syempre, disappointed si Mommy Sexy kasi akala niya, matutuwa yung anak niya. Sometimes, she would wish Eisley would think about himself before her and be more sociable. She wanted him to be more like a normal person. A normal kid. A normal student.
But Eisley's different. Yes, until now.
"Kamusta ka na?" tanong ni Mommy Sexy sa'kin. "Ang ganda mo pa rin. Bakit hindi ka na lang kaya mag artista?"
Simula noong third year high school, magkakilala na kami ni Mommy Sexy. Actually, sa kanya ko nga nalaman na yung mga notebooks na binibili ko, sariling gawa ni Eisley. He loves arts and crafts like me.
Dati pa lang, magkatext na kami ni Mommy Sexy, pero hindi naman alam ni Eisley dahil sabi ko kay Mommy Sexy, magagalit 'yun pag nalaman niyang nagkikita kami. Ako kasi ang tiga-balita niya sa anak niya dati dahil wala naman kaibigan sa school anak niya.
"Kung pwede nga lang, Mommy Sexy, pero wala naman akong talent. Hindi ako nag-mana sa parents ko." Tumawa ako. "Lakas ng loob lang meron ako."
Sabi kasi ni Achi Zeah, asawa ni Ahia, okay lang walang talent. Basta makapal ang mukha mo, madiskarte ka, at wala kang pakielam sa iisipin ng iba, aangat ka.
Pero syempre, may limitasyon lahat ng bagay. Dapat alam mo kung anong tama at mali. Ewan ko ba. Wala ata akong limitasyon pag dating kay Eisley. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)
Romance"When you fall in love with an atypical guy who does not love you back and you try to move on, but no matter how much try, you just can't, will you do everything to make him love you back or will you do everything to forget him? I don't ever want to...