Chapter Twenty Nine
It's been weeks since the funeral ceremony had been held. Ever since mommy sexy died, nothing is ever the same again. No, let me correct myself. Eisley and I are back to 'our usual selves'. I wait for him, he doesn't come back. I run after him, he runs away. I envelope him in my arms, he escapes.
He goes out a lot. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta, pero bigla na lang siyang nawawala. Hindi nga siya naka-sabay sa amin sa flight papuntang Manila, pero nag sabi naman siya na susunod siya. Sa ilang beses niyang umalis, 'yun lang ang time na nag paalam siya.
Minutes. Hours. A day. Two days. Patagal nang patagal. Ngayon, one week na siyang hindi bumabalik.
Hindi rin siya tumutulong sa business kaya nga halos hindi na ako natutulog sa pag-aasikaso ng shop. May mga workshops pa. Buti na lang, nandiyan sila Nyle. Sem break na nila ni Ryuji kaya lagi na silang nasa shop. Thank God, 2 months yung break nila. Baka nabaliw na ako kung wala sila.
"Hi, girl!" Bev greets. Hindi kami laging nagkikita, pero pag may time siya, tinatawagan niya ako o pupuntahan sa shop. Ngayon, tinawagan niya ako. She tells me anything and everything. "Kakatapos lang ng date ko."
"So I'm guessing, since maaga pa, the date didn't go well?"
"Don't you love it?! Ang galing-galing mo talaga girl. Pak!" She laughs. "Pero hindi kasi 'yun yung dahilan kung ba't ako tumawag, manay."
"Ah, so na-miss mo na naman ako?"
"Oo, manay! Labas naman tayo minsan. Try mong hindi maging busy. Sawa na akong tumambay sa shop niyo. Mag-pa-plan ako, okay? Nandiyan or wala yung boyfriend mo, kailangan mong sumama."
I smile. "May choice ba ako?"
"Syempre, wala. Kakasabi ko lang na bawal tumanggi, 'di ba? Love you, guuurl. Bye!"
Buti na lang din, nandiyan sila Bev at Sile para guluhin yung mundo. Nandiyan si aunt Teri para maging guidance counselor ko. At nandiyan si Nyle para i-nag ako. He keeps on nagging! Who does he think he is, my dad?!
"Matulog ka naman." Here here goes again.
Sanay naman na ako nagpupuyat. Nasanay ako dahil sa mga night shifts ko noong nurse ako. Kaming dalawa na lang ni Nyle ang nasa shop dahil closed na kami. Tinutulungan niya ako mag-inventory.
"Okay lang ako."
"Pagkatapos nito, pupunta ka na naman sa bahay ng mokong? Hihintayin mo hanggang 11:30 dahil 12 midnight ang curfew mo tapos uuwi ka't matutulog. The following day, ganun ulit. Paulit-ulit na lang. Hindi ka ba napapagod? Ang dami mong ginagawa. Iniwan niya sa'yo 'tong business niyo tapos lagi ka pa niyang pinaghihintay. You're goddam ridiculous."
"I know." I smirk. "Pero kasi pag inisip kong pagod na ako, lalo akong mapapagod. And please, Nyle, don't call my boyfriend 'mokong'. Seriously." I roll my eyes. "I don't like it when people call him such names."
"Dammit, Tyrese. You're exasperating." He grunts. "You make us worry about you."
"I'm fine, Nyle. Shut up na." I groan. "I'm an adult. I know what I'm doing!"
"You don't."
Iniwan ko siya sa baba at umakyat para i-check yung paintings. What a nagger. Huminto ako sa painting ni Eisley at tinitigan ito. He likes skies and milky ways.
I smile sadly as I stare at it. "Where are you, Eisley boy? One week na." I touch it gently. "Bumalik ka na." Nag-aalala ako. Ni hindi niya ako tini-text o tinatawagan man lang. Does he not miss me? Girlfriend pa rin ba niya ako? I let out a heavy sigh.
BINABASA MO ANG
Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)
Romantik"When you fall in love with an atypical guy who does not love you back and you try to move on, but no matter how much try, you just can't, will you do everything to make him love you back or will you do everything to forget him? I don't ever want to...