Chapter Five

28.8K 1K 217
                                    

Chapter Five

Elders are so easy to love and hate. Naalala ko dati, na-assign ako sa isang geriatric institution. 2 weeks ang duty ko sa isang home for the aged. Pagdating ko doon, sinalubong agad ako ng mga lolo't lola. Sobrang sweet nila sa akin.

Days passed by, mas nakilala ko sila at mas naawa ako sa sitwasyon nila. Sa room lang nila sila naliligo at nasa isang room lang din sila. I really didn't know na ganun ang setup sa isang home care. Nakaaawa. Maraming donations, pero hindi nabibigay sa kanila. Yung iba naman, expired na.

Marami ngang umiiyak pag nagkikwento ang mga lolo't lola dahil karamihan sa kanila, hindi na binibisita ng mga pamilya nila kaya yung mga bumibisita sa kanila na hindi naman nila kaano-ano katulad ko, sa amin sila kumukuha ng temporary affection.

Nakakalungkot talaga kaya nga kahit tapos na ang duty ko, pag may time ako, binibisita ko sila. Before akong pumuntang Cebu, nag-iyakan pa kami dahil iiwan ko na raw sila. Sabi ko naman, hindi ko sila kakalimutan bisitahin pag nagpunta akong Manila.

I miss them and I miss my grandparents so much. Ang main cause siguro kung bakit malapit ako sa matatanda ay dahil sa lolo't lola ko. Lolo and Lola's girl kasi ako.

Pag busy sila Mommy at Daddy dati, dinadala nila ako sa grandparents ko with my nanny. According to them, I'm a good entertainer.

"Ama?" I force myself not to cry, but I keep on sobbing. Nasa labas ako ng bahay nila Lola Donata. Tinawagan ko si Ama. Ama is a Chinese term for Lola.

"Shobe? Why are you crying?"

"Wala lang. Miss ko lang kayo." I sob.

"Okay ka lang ba diyan? May problema ka ba? Miss na miss ka na rin namin ng Angkong mo. Kailan mo ba kami bibisitahin? Hindi ka pa ba uuwi dito? Kamusta ka na?"

I smile. "Next month na ako makakauwi, Ama. Sobrang busy kasi. How are you and Angkong? Are you guys eating well?" Angkong naman is a chinese term for Lolo.

"Ay, oo. Kakadalaw lang sa amin ng mga kambal. Susunod, ikaw na ang magbibigay sa amin ng apo. Kamusta ka na ba diyan? Baka mamaya, ang payat payat mo na. Pag nag punta diyan ahia mo, magpapadala ako ng maraming maraming pagkain."

See? Paano akong hindi masspoil kung ganito sila?

"I love you, Ama."

She says she loves me even more, then I tell her I need to go.

Two weeks after Lola Donata's birthday, she passed away. Kaya nandito ako sa bahay nila kasi nandito yung wake. Twice lang akong nakapunta, first and last day, dahil laging madaling araw natatapos duty ko.

Last night na ngayon ng wake at last time ko na rin siyang makikita. Hindi kasi ako pinayagan umabsent bukas para sa libing. Hindi ko naman daw kasi lola yung namatay. How mean.

I look around, checking if somebody's around. Nasa labas ko ng bahay nila at lahat ng tao, nasa loob. Since walang tao, nilabas ko na lahat ng emotions ko. Umiyak ako ng umiyak.

I cry, because I won't see Lola Donata anymore. I cry, because I only had few memories with her, but I enjoyed every moment with her. Those little memories are so precious that they make me miss her more and wish she lived a little longer, but what can I do? People come and go.

I cry, because I miss my grandparents. Miss ko na rin yung seniors sa home care and I feel bad for them. Dapat ineenjoy nila mga buhay nila at nagpapahinga na lang sila. Why do they have to suffer? I cry, because I miss my family. I want to hug and kiss them right now.

Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon