Chapter Thirty
Gabi-gabi akong pumupunta sa bahay nila Eisley. Simula noong sinabi ko sa kanyang hindi ko na siya babalikan, hindi pa kami nagkikita o nag-uusap. Hindi pa siya lumilitaw. One week ang pinakamatagal na nawala siya. Ngayon, mag-iisang buwan na.
Ni hindi nga siya nakapunta sa birthday ni Sile. They were all looking for him. Ako 'tong girlfriend, pero wala man lang akong alam kung nasaan si Eisley. I got really drunk that night.
Buti, pinatulog ako ni aunt Teri sa kanila. Natatakot yung mga kaibigan ko na pag inuwi nila ako sa bahay namin, barilin sila nila ahia at papa kasi hinayaan nila akong malasing nang sobra.
When I woke up the following day, aunt Teri brought me coffee and medicine. Talking to her was a breath of fresh air. She understands me more than anyone, because she had been through worse.
"Are we soul sisters?" She laughed. "Ganyan-ganyan din ako sa'yo dati. Ako ang mas naghahabol. Ako ang hindi sumusuko." She cupped my face. "You know what, dear? No matter what they say... Sabihin man nilang hindi mo deserve si Eisley o doon ka sa lalaking hindi ka sasaktan, ikaw lang ang nakakaalam kung anong gusto mo. May sarili kang isip. Minsan, pag in-love tayo, nakakabulag; ang hirap mag-decide. Madalas, nagtatalo ang isip at puso natin. Kaya nga ang dapat na tinatanong natin sa sarili natin ay, 'Is he worth your time? Is he worth the risk?'" She pauses for a moment, then asks, "Is he, Tyrese?"
Dahil sa mga sinabi niya, napaisip talaga ako. Paano ba malalaman kung worth it ang isang tao? How do you know if that someone's worth your tears and pain? When he makes you happy? How ironic. How do I know if Eisley worth the wait? I don't know.
Hindi naman ako ganito dati. Dati, hinihintay ko si Eisley kahit alam kong walang kapalit. Ngayon, iba na kasi ang sitwasyon. Kami na. Hanggang kailan ba ako maghihintay? Tuwing nagkakaproblema siya, tinutulak niya akong palayo at ako naman si Ms. Patient, hintay nang hintay.
"How do you know if he's worth it?" I asked her.
"If your love is greater than the pain. If he loves you and you know he'll come back to you. I don't know, Tyrese. I'm not sure. Maybe... maybe, you just know. Minsan, ma-re-realize mo na lang na ayaw mo na, na sobra na, na punung-puno ka na at hindi mo na kaya. Minsan, sa huli mo na lang din malalaman. After taking risks... after all your sacrifices... saka mo lang malalaman kung mapapasabi ka ng, "Tangina, wala siyang kwenta. Sinayang ko oras ko sa kanya.' o kaya naman, "Pucha, he's worth it! No fcking regrets!"
"So, tatapusin ko 'to? Hanggang huli?"
"If your love for him is still greater than the pain, why not? Kung hindi ka pa kinakain ng sakit, bakit hindi? Pero hihintayin mo pa bang lamunin ka ng sakit? Sabi nga nila, 'Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?' But you have to know where to stop. Everyone has limitations, including you."
"Pero hindi naman ako niloloko ni Eisley, 'di ba? Why should I stop? Hindi siya mambabae. Wala rin siyang bisyo. Hindi niya ako sinasaktan physically and verbally." I sighed. "I just feel... unimportant; non-significant; invisible."
"I'm sure you know why he's acting that way. Give him more time, but no human should be treated like that."
I nodded, agreeing with her. Tama naman talaga si aunt Teri. Hindi ko masisisi si Eisley kung ganun siya dahil nanay niya ang nawala sa kanya. Mommy Sexy was Eisley's life. Still, I also have my limitations.
Ngayon, ako lang ang mag-isa sa bahay nila Eisley dahil may inayos sa Cebu si tita Berna. Walang pinagbago ang hobby room. Yung ayos, ganun na ganun pa rin. Yung charcoal painting ko nila Eisley at Mommy Sexy, naka-disaplay pa rin sa pader nila.
BINABASA MO ANG
Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)
Romance"When you fall in love with an atypical guy who does not love you back and you try to move on, but no matter how much try, you just can't, will you do everything to make him love you back or will you do everything to forget him? I don't ever want to...