Chapter Thirty Five
Pag gising ko, nakahiga na ako sa hospital bed. Nakapalibot na sa akin buong pamilya ko pati na rin sila Bev at Nyle. Alam kong alam na nila. Alam kong walang magagawa ang sorry, pero sorry pa rin ako nang sorry. Nangyari na, eh. Wala na. Hindi ko iningatan ang sarili ko.
My mom cries, telling me they already knew.
"Kailan pa?"
"Matagal na. Ikaw lang naman hinihintay namin."
Sa sobrang busy kong mahalin si Eisley, nakalimutan ko nang mag tira para sa sarili ko. Mali na binigay ko ang lahat sa kanya. Akala ko, hindi niya ako iiwan, pero hindi ba't 'yun din naman ang sinasabi ng mga lalaki sa mga babaeng ngayon ay single moms.
They promised they would love and protect them, but after the sex and all the good parts, they would leave. However, I still want to believe Eisley's not like that. Hindi ko alam kung anong problema niya, pero sigurado akong meron.
He was crying before he left me. He wouldn't kiss me back like he missed me if he did not love me. Besides, eyes don't lie. I saw his eyes. They were real; genuine.
Still, hindi pa rin magbabago ang isip ko. Simula high school, siya na ang iniisip ko. Panahon na para isipin ko ang sarili ko at pati na rin ang baby ko.
"Every baby's a blessing, anak," my mother tells me. I know they're disappointed and they just don't want to show it.
"It's about time we let you grow by yourself, Tyrese." My dad kisses my forehead. "Just... always remember to ask for our help if you need any. We'll take care of the child."
Hindi na nila tinanong kung sino ang tatay dahil sa buong buhay ko, isang lalaki lang naman ang minahal ko. Tinanong nila kung nasaan si Eisley, pero wala akong masagot. I don't answer, so they know I don't want to talk about it. About him.
"Did he hurt you?" ahia asks when our parents left.
I shake my head. I choose to remain silent.
"He broke up with you."
I shake my head again. "I'm the one who broke up with him."
Tumango lang siya. "Alam ba niya?"
"Hindi pa."
"Kailan mo balak sabihin?"
I shrug. "When I'm ready."
Sa lahat, si achi lang ang kakaiba ang sinabi, "Hindi ka nakakatuwa. Ba't ganyan ka mag buntis? Parang walang pinag-iba. Hindi ka ba obsessed sa tatay ng batang dinadala mo?"
"Fortunately, no."
"Ang unfair talaga ng buhay. Tsk." Umiling-iling siya. "Buti ka pa!"
Somehow, I feel so much better. I love my family.
Pag walang ginagawa sila mama at papa, sa akin agad sila pumupunta. They also call and text me all the time. Iba pa yung usapan namin sa whatsapp kasama sila ahia at achi.
Hindi ko naman kailangan bantayan. I'm perfectly fine, pero sabi ng doctor, maselan daw yung pagbubuntis ko kaya kailangan mag-ingat. Dahil paranoid pamilya ko, hindi nila ako pinapabayaang mag-isa. Lalo na't sobrang impulsive ko. Baka kung ano raw ang gawin ko at tumakas pa ako.
Pag wala silang lahat, ang madalas kong kasama, sila Nyle at Bev. Nakadalaw na rin sila Evan at Sile pati na si aunt Teri. Hindi pa alam nila tita Berna, Rhys, at pati na yung mga employees sa Effor dahil ayoko pa munang makarating kay Eisley. Gusto kong ako ang mag sabi sa kanya.
"I let him go, auntie," I told aunt Teri when she visited me.
"I understand, dear."
"The pain's now so much greater than my love for him."
BINABASA MO ANG
Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)
Romance"When you fall in love with an atypical guy who does not love you back and you try to move on, but no matter how much try, you just can't, will you do everything to make him love you back or will you do everything to forget him? I don't ever want to...