Chapter Thirty Four

17.2K 641 91
                                    

Chapter Thirty Four

May mga bagay talagang kahit anong gawin, hindi kayang i-daan sa pagiging persistent. May mga bagay na hindi pwedeng i-pilit dahil pag mas lalong pinipilit, mas lalo ring sumasakit. Katulad na lang naming dalawa ni Eisley. Una pa lang naman, alam kong hindi kami pantay. My love for him's on another level. Eisley doesn't love me that much.

I feel like sht right now. Hindi man lang niya ako hinabol. Hindi man lang siya nag-explain. Hindi man lang niya ako sinubukang kausapin. Dapat talaga, i-posas ko na yung sarili ko para siguradong hindi ko na siya hahabulin. Para sure na sure nang hindi ko siya babalikan. 

Ilang araw akong hindi lumabas ng kwarto at emotional dahil sa break-up naming dalawa. Iyak lang ako nang iyak. Kain nang kain. Tulog nang tulog. He sucks my optimism dry. 

And hey, no one gets to ruin the positive Tyrese.

But, he crashed me. He ruined me.  

Ilang beses na akong kinausap nila mama, pero ayokong malaman nila yung nangyari sa amin ni Eisley. Kahit na anong mangyari, ayokong masira si Eisley sa kanila. Kahit alam kong may idea na sila, it's better to keep my mouth shut. My mom and achi are my still my best friends, but I just can't bring myself to tell them what really happened.

Ang nakakaalam lang, sila Nyle at Bev.

Lagi akong dinadalaw ni Bev sa bahay. Minsan, sa bahay naman siya natutulog. Napupuntahan niya ako anytime niya gusto dahil tambay naman ako. Wala akong ginagawa sa buhay ko. Kung may gusto man akong bilhin, marami naman akong ipon. Single rin ako kaya puro pagkain lang talaga ang ginagastos ko. 

"Girl, hindi kaya buntis ka? Nagsusuka ka, nahihilo, masungit, emotional, at hindi lang 'yun, tumataba ka na rin. Nako, manay. Sinasabi ko sa'yo! Ang takaw-takaw mo pa. Oh, tingnan mo. Hindi pa tumitigil yung bibig mo sa kakakain."

I roll my eyes. "Kaya nga ako tumataba kasi kain ako nang kain. Stress eating 'to, okay?" Pang limang chips ko na kasi 'to. After nito, may nakaabang pang toblerone at ferrero rocher sa tabi ko. Iba pa yung heavy breakfast at lunch namin. "Wala pa naman akong trabaho. I'm on a break. I need a break. I deserve this break." Naglalaro ako ng video game ngayon kaya may excuse rin ako kung bakit ako nahihilo. Lagi kasi akong nakatutok sa TV, laptop, at phone ko.

Sometimes, I still paint, pero mas lalo ko lang siyang naaalala kaya I restrict myself from doing artsy stuff. It's not healthy. I think of him pag related sa arts and crafts ang topic o activity, so h'wag na lang. Toxic masyado.

"I know, girl. Kailangan mo talaga ng break from everythuuung. Masyado kang stressed, but! Na-uh, don't change the topic." She shakes her head. "Bibilan kita ng pregnancy kit. Obvious naman na may nangyari na sa inyo."

I groan. "I don't want to get pregnant."

"Don't you love it?!" sobrang sarcastic niya. "Eh di sana di mo ginawa. Duh!" 

"Malay ko bang mang-iiwan siya? He told me he wanted to grow old with me. The following day, he was gone. I can't get pregnant, Bev. I really can't." Naiiyak na naman ako. Oh God. I'm not this emotional. This is not me. I don't know who I am anymore.

I go out of the house and drive to Nyle's house, leaving Bev there. May ginagawa pa naman siyang presentation. I tell her I'll be back ASAP. 

Tinawagan ko si Nyle at sinabing lumabas siya. Wala pang isang minuto, nasa loob na siya ng sasakyan ko. Lagi talaga siyang 'to the rescue'. Although sandali pa lang kaming magkakilala, I know I can trust him. He's one of the few people I truly trust. 

"Where are we going?" Nyle asks. "Nag-aaral ako nang mabuti tapos mang-iistorbo ka. Ano na naman problema mo?"

"Somewhere... I don't know... I don't know anymore." Inuntog ko yung ulo ko sa steering wheel.  

Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon