Chapter Eleven

24.4K 788 94
                                    

Chapter Eleven

Sa gitna kami umupo ni Eisley dahil doon naka-reserve yung upuan nila Mommy Sexy at Tita Berna. Ang cool ng bus dahil may karaoke pa at disco ball. Batang bata ang mga lola niyo!

Hindi naman talaga lahat ng kasama namin, senior citizens. Ang pinakabata, bukod sa amin, ay 35 years old. Yung sumunod, 40 pataas na hanggang 79 years old. Most of us are girls. Out of 50 elders, 7 lang ang lalaki. Si Eisley lang ang bata. The rest, asawa na ng mga lola.

Bago umalis yung bus, nagdasal muna kami. Habang umaandar naman, nagrorosary sila. Hindi ako makatulog dahil naka-mic yung nagli-lead, habang yung katabi ko, hindi pa man umaalis, tulog na.

He can literally sleep everywhere. Maingay man o tahimik, comfortable man yung place o hindi. Kung sleepyhead ako, mas sleepyhead siya. Hindi naman nakakapagtaka dahil ang dami niyang ginagawa. Lagi tuloy pagod, so if may chance siyang matulog, he sleeps immediately.

I, on the other hand, want to sleep, but can't.

Una, hindi pa ako nakaka-move on sa nangyari kahapon. Hindi ko mawala sa isip ko yung mga tingin niya, habang sinasabing hindi niya gusto si Sile.

Pangalawa, he finally admitted that we're friends. I don't care if napilitan lang siya para lang hindi kami mapagkamalan na in a relationship, pero geez. Hindi pa ako natutulog masyado, pero pakiramdam ko, nananaginip na ako.

Pangatlo, how am I supposed to sleep when he's leaning against my shoulder? Ito ang hirap sa love, eh. Katabi ko na nga, iniisip ko pa. What do I do with myself?

Umayos ka, self.

Malayo-layo rin ang mga pinuntahan namin. Nag church hopping kami. Syempre, hindi mawawala ang food trip although may baon naman kami. Buti na lang, hindi na bata ang mga kasama namin dahil hindi nawawalan ng gulay. Ibig sabihin, may kakainin si Eisley. Kumpleto nga ng pagkain dahil may isda rin at pork kaya may kakainin din ako.

Sabi nilang lahat, sobrang maasikaso ko raw kay Eisley. Hindi ko napapansin na ako ang naglalagay ng ulam at kanin sa plato niya pati na rin tubig sa baso niya. Hindi rin naman niya napapansin. Parang normal na lang sa kanya na inaalagaan siya. Ako naman, normal na sa'kin na gusto ko siyang alagaan.

Kahit nasa simbahan na kami, hindi ko siya iniiwan. Wala naman kaming problema sa pag-aalalay sa iba dahil may mga kasama silang tumutulong sa kanilang maglakad.

Sa bus naman, ang sisigla nilang lahat. Hindi nga nawalan ng kumakanta sa videoke. May mga English songs katulad na lang ng Crying in the Rain, Dancing Queen, at Top of the World. Marami rin kumanta ng Visayan songs. Hindi ko man naintindihan, pero nag enjoy naman ako.

Tawang tawa rin ako noong kinanta nila yung Kiliti, Bulaklak, Otso-Otso, at Jumbo Hotdog. Nakikisabay lahat sa pagkanta pwera na lang sa katabi ko na hindi ko alam kung ayaw niya lang makisabay o hindi niya lang talaga alam yung mga kanta.

"Why are you suddenly not pushing me away?" tanong ko. "You even introduced me as your friend."

"Talo naman ako sa'yo, 'di ba? Kahit anong gawin ko, babalik at babalik ka pa rin. Useless lang na palayuin kita." May point naman siya kahit na parang ang iniimply niya, kaya lang siya pumayag na magkaibigan kami ay dahil kahit anong gawin niya, pinipilit ko pa rin sarili ko sa kanya.

"Question?"

Mukha siyang kinabahan. Kailangan talaga binibigla yung lalaking 'to, eh. I should have asked right away. Whenever I ask for permission if pwede ako magtanong, he gets scared.

"I know you hate questions, but I really want to know. Hindi ka naman kasi umiinom. You don't even go with anyone. Why were you there that night? Did you really want to go for the sake of your office mates or..."

Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon