Chapter Ten
Nagsingit na naman siya ng pera sa kung saan-saan kaya binalik ko agad 'yun kahapon. Nag-iwan ako ng note na ipambili na lang niya ng phone. Marami pa kasi siyang pag-iipunan. Pinag-iipunan pa niya yung buong buhay ni Mommy Sexy, 'di ba?
Sa pang-apat na araw na pag stay nila Eisley sa condo, iniwan na naman kami ni Mommy Sexy. Humupa na kasi yung baha kaya inaasikaso niya ngayon yung bahay nila. H'wag na raw kami sumama ni Eisley dahil tinutulungan naman siya ni Tita Berna at ng mga tauhan nito.
It's Tuesday, at ngayon na ang start ng leave ni Eisley. Buong araw kaming hindi nagkita kahapon dahil may work siya hanggang madaling araw. Bukas naman ng madaling araw hanggang sa Sunday, sasama kami sa field trip ng mga senior citizens.
"Hindi pa rin talaga tayo friends?" tanong ko, habang kumakain kami. "Nag share ka na sa'kin. Hindi pa rin ba 'yun sapat para maging friends tayo?"
He shakes his head.
"Okay."
Parehas kaming morning person kaya 6 AM pa lang, nasa living room na kami. Ang aga umalis ni Mommy Sexy, pero nakapaghanda pa siya ng breakfast namin.
I let Eisley wash the dishes again. Wala naman siyang nabasag, pero ang tagal niyang naghuhugas. Ingat na ingat lang.
"Are you sure, hindi pa rin tayo friends?" tanong ko ulit.
"Sure."
"Okay."
"Laro tayo ng Final Fantasy?"
"Sige."
Hindi pa rin kami magkaibigan ng lagay na 'to? Ang bilis na nga niyang pumayag pag nag-aaya ako.
"We're not yet friends?"
Umiling na naman siya. Ang labo talaga!
Ano ba ang definition ng kaibigan sa kanya?
After playing Final Fantasy, tinanong ko siya kung pwede niya ako samahan sa mall. Pumayag din naman siya agad. Ang totoo niyan, kaya ko siya inaya para makabili na siya ng phone niya.
Simula bukas, malalayo siya kay Mommy Sexy. Nandito naman ako, pero mas okay rin yung may sarili siyang gagamitin para ma-contact mom niya.
Pagdating namin sa mall, tinanong ko ulit siya, "Hindi pa rin tayo friends? Hindi rin naman tayo strangers. Ano tayo?"
"Hindi ko rin alam." Ang labo niya!
Pagkabili namin ng smartphone na hindi masyadong mahal, sinamahan niya akong mag grocery shopping. Ang practical niya talaga. Noong bumili kami ng phone, hindi raw niya kailangan ng latest model. Basta pwedeng mag internet, nakakatext, at nakakatawag, okay na sa kanya.
Sa grocery shopping naman, sinasabihan niya ako na ang gastos ko. Puro chips lang naman binili ko.
"Alagaan mo nga sarili mo. Puro unhealthy mga kinakain mo," sabi niya.
Nagtinginan kaming dalawa. Parehas kaming nagulat sa sinabi niya.
I smile, poking him. "Concerned ka?"
He shakes his head.
Rolling my eyes, I say, "Hindi pala, eh. Walang pakielaman. Hindi naman tayo friends."
Huminga siya nang malalim at nilayasan ako. Hinabol ko siya. "Ano? Ba't hindi ka makasagot? Kasi friends na tayo? Tanggap mo na rin, sa wakas?"
"Tyrese." Para siyang nakikiusap na h'wag ko na siyang pahirapan.
"Ano?"
He takes a deep breath. "Wala."
After namin mag mall, pinuntahan naman namin yung restaurant nila. Amoy baha. Nakita namin yung mga waiters at waitresses na tumutulong sa paglilinis. Binubrush nila yung wall at floor para luminis at bumango.
BINABASA MO ANG
Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)
Romance"When you fall in love with an atypical guy who does not love you back and you try to move on, but no matter how much try, you just can't, will you do everything to make him love you back or will you do everything to forget him? I don't ever want to...