Chapter Seven

20.6K 988 130
                                    

Chapter Seven

Ang hirap maging newbie sa trabaho. Sabi nila, ganito raw talaga. Yung mga mas matagal kasi sa'kin sa hospital, nakikusap na kunin ko yung shift nila. Ang dami nilang dahilan katulad ng may sakit sila, may sakit anak nila, may sakit mga magulang nila, namatay aso nila, at kung anu-ano pang dahilan.

Hindi naman ako maka-hindi kasi nga, bago pa lang ako. Kaya imbis na 8 hours lang ako, nagiging 22 hours. Wala pa akong tulog. Paglabas ko, bumabagyo pa.

Binuksan ko yung internet ko at nag book ng taxi using an application. After kong mag book, tumawag agad sa'kin yung driver.

"Nak? Nak!" halata yung panic at worry sa boses niya.

Tiningnan ko yung phone ko. Si Mommy Sexy pala!

"Mommy Sexy? Bakit po?"

"Saan ka?" tanong niya. "Wala kasi si Eisley. Tumawag siya sa'kin kanina, malapit na raw ma-low bat. Hindi siya umuwi kagabi, eh. Nasa malayong lugar, pero pauwi na ata siya. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon. Sila Berna naman, hindi sumasagot. Baka kung ano na rin nangyari sa mga 'yun."

"May problema po ba?" nagpapanic na rin tuloy ako. Kinakabahan ako.

"Pumasok na yung tubig sa bahay. Hindi ko maiwan yung mga gamit dito sa baba. Kaya ko naman pumanik, pero-"

Nakita ko na yung taxi na binook ko at pumasok agad sa loob. "Mommy Sexy, pumanik na po kayo. Nasa taxi na ako. Papunta na ako." Bumaba ako sa taxi at pinaiba yung location. Dadagdagan ko na lang kasi kailangan na kailangan na talaga.

Hindi pa naman ganun ka-taas yung baha, pero ang lakas pa rin ng ulan at mukhang hindi siya hihinto. Nakakatakot. Closed na ang restaurant nila Mommy Sexy, pero pumasok pa rin ako.

Nagpatulong ako kay kuya driver na itaas yung mga gamit nila Mommy Sexy. Nagpatulong na rin ako sa ibang mga tao. Ang bilis ng pagtaas ng baha kaya lalo namin binilisan kumilos.

Sabi ko kay Mommy Sexy, sa amin muna sila matulog kaya iimpake na lang niya yung mga gamit nila ni Eisley. Kaya after namin mag-akyat ng mga gamit, na-impake na ni Mommy Sexy lahat ng kailangan nila.

Una namin inakyat yung mga paintings at crafts pati na yung mga materials. H'wag na raw namin masyado intindihin yung furniture.

Buti na lang, mabait yung driver at yung mga taong tumulong sa amin. Binayaran ko silang lahat dahil nakakapagod naman talaga yung ginawa namin. Basang basa kami at pawis na pawis din.

Pagsakay namin sa taxi, nagmadali na agad si manong dahil mahirap na. Baka hindi kami makaalis at lumubog pa yung taxi niya.

"Wait, Mommy Sexy. Hindi natin nadala yung wheelchair at crutches mo. Binuhat kasi siya ni manong sa taxi. Sa kakamadali, nakalimutan na namin yung pinaka-importante sa lahat.

"Kuya, mauna na po kayo. Hintayin niyo na lang po ako. Hindi naman po bahain dito, 'di ba?" Mababa kasi yung street nila kaya 'yun din ang pinaka-mabilis bahain. Hindi pa naman kami nakakalayo kaya pwede ko pang lakarin.

"H'wag na, 'nak."

Umiling ako. "Hindi po. Yung susi niyo, nasaan?"

"Nasa bag ko," sabi niya. "H'wag na anak. Okay na." Kinuha ko yung bag niya at hinanap yung susi. "Hintayin niyo po ako dito." Tumakbo na ako. Marami ng tao sa labas at nagkakagulo. Hindi na malaman kung anong gagawin.

Hanggang tuhod na yung baha kaya pagbalik ko sa taxi, basang basa na ako. Nakakahiya nga kay manong, pero sabi niya, na-experience na nila kasi dati bahain kaya alam niya yung pakiramdam. The feeling of helplessness.

Dahil diyan, 1,000 pesos yung binayad ko sa kanya. Feeling ko nga, kulang pa 'yun sa lahat ng natulong niya. Naabala pa namin siya at sayang din yung oras niya. Ang dami pa naman passenger ngayon.

Pagdating namin sa unit, hindi na muna namin inayos yung gamit nila. Parehas kaming hindi mapakali dahil hindi namin alam kung paano macocontact si Eisley.

Binuksan ko yung TV para maki-balita, habang si Mommy Sexy, tinatawagan pa rin si Eisley kahit alam niyang battery empty ito. Nanginginig na siya na naiiyak dahil sa kaba. Di kasi marunong mag swimming si Eisley. Nagpapanic din ako, pero ayokong makadagdag sa stress at panic ni Mommy Sexy. I want her to calm down.

Naniniwala akong ligtas si Eisley at ngayon, feeling ko nag-aalala na rin siya sa mommy niya. Nag break down siya noong narinig niyang apat na ang patay at walo na ang nawawala. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag contact sa anak niya.

My phone vibrates. Unknown number! Malakas ang kutob ko na si Eisley 'to. Baka hindi niya matawagan si Mommy Sexy kaya ako ang tinawagan niya. Pero paano? Kabisado niya number ko?

Ah, oo nga pala. Mabilis lang siyang maka-memorize. Isang tingin pa lang niya, kabisado na niya agad. He's extremely good at recalling stuff especially numbers. Parehas ata sila ni Achi Zeah na may photographic memory.

I answer the phone. "Tyrese." Is he crying?

"Eisley, nasaan ka?" I'm trying best to calm down para hindi na mag panic parehas si Mommy Sexy at Eisley.

"Rubber boat. Kasama mo ba si Mama?"

"Kasama ko siya. Nasa condo kami-" Hindi pa man ako tapos magsalita, binaba na niya yung tawag.

After 30 minutes, may nag doorbell na. Hay, thank God. Pagbukas ko ng pinto, basang basa si Eisley from head to toe! Namumula mata niya. Obviously, lumubog siya sa baha. Umiyak nga talaga siya.

Tumakbo agad siya para i-check kung nasa loob nga talaga si Mommy Sexy. Mukha ba akong nagbibiro?

Noong nakita na niya si Mommy Sexy, lumuhod siya sa harap nito at yinakap. Whoa, bilib ako kay Mommy Sexy. Nanginginig pa rin siya sa takot, pero kung hindi mo siya nakita kanina, hindi mo mahahalata.

Namumula pa rin mata niya, pero hindi na siya umiiyak. In fact, she's smiling. She's like telling her son not to worry anymore, 'cause she's perfectly fine kahit ang totoo, halos mahimatay na siya kanina.

"Ligtas ka," sabi ni Eisley. His tears are falling. "Akala ko kung ano na nangyari sa'yo. Wala ka sa bahay. Wala ka kila Tita Berna. Wala ka kahit saan."

"Sino ba kasing may sabing h'wag kang mag charge?"

"Sabi kasi sa balita, baha na sa'tin kaya tumakbo ako tapos nahulog yung phone ko." Ang clumsy niya talaga. Baka 'yun na yung karma niya for being mean to me. Ayoko naman maghiganti and I still like him, but he frustrates me so much.

He continues speaking, "Hindi ko na kinuha. Baha rin yung lugar na pinuntahan namin kaya na-stranded kami. Sumakay ako sa military truck para makatawid." Ang daldal niya bigla. Hindi ko na kinaya. Takot na takot siguro talaga siya. "Pagbalik ko sa atin, wala ka kaya pinuntahan ko sila Tita Berna. Baha rin sa kanila. Nag rubber boat ako, pero pagdating ko sa kanila, wala ka rin." Para siyang batang nagkikwento sa nanay niya. I find it so adorable.

Mommy Sexy gives him her motherly smile, touching his face. "Ano ka ba, 'nak. Papabayaan ba ako ni Tyrese?"

Tiningnan ako ni Eisley. Nasa may pinto pa rin ako dahil hindi ako makagalaw. Grabe kasi sila. Nakakadala ng emosyon. Sumisikip dibdib ko dahil sa sobrang pagmamahal nila sa isa't isa.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi sa'kin ni Eisley. Akala ko, magmo-move on na naman ako, eh. Pang ilan na ba 'to? Pero nandiyan na naman siya.

Dahan-dahan siyang lumapit siya sa'kin. Wala pa rin siyang expression. Galit ba siya o ano? Ano, ako na naman may kasalanan na binaha sila? Papalayuan na naman niya ako sa kanila?

Inunahan ko na siyang magsalita, "Pakinggan mo muna ako bago ka magalit," sabi ko sa kanya. "Hindi ako sumisipsip. Nag-aalala lang din talaga ak-"

Hindi ko natapos sasabihin ko dahil yinakap niya ako. "Thank you."

"Huh?"

Hinigpitanpa niya yung yakap niya sa'kin. "Thank you for saving my mom." 

Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon