Chapter Twenty Seven

22.5K 721 159
                                    

Chapter Twenty Seven

"Welcome to Effor Gallery Shop & Studio. Seize the day!"

That's how we greet our customers. Effor means to speak out in Latin. Naisip kasi namin na hindi lahat ng tao, kayang sabihin nararamdaman nila. Through our artworks and workshops, people can convey and express what they feel. They can speak freely and be whoever they want to be. 

Kanya-kanya kami ng drawings at lettering sa mga walls. We put encouraging quotes such as 'Carpe Diem' and 'Love what you do & do what you love'. There are also unanswerable questions and relatable phrases. May isang pader kaming hindi sinulatan dahil para 'yun sa mga customers. Nag lagay kami ng glass wall na pwede nilang sulatan. By the end of the month, lilinisin namin para new month of feelings naman.

Successful naman ang opening ng shop. Nag-resign na ako sa hospital dahil hindi ko na kayang pag sabayin ang pagiging nurse at pag-o-operate ng business namin ni Eisley.

Nag resign na rin si Eisley sa isa niyang work kaya araw-araw kaming magkasama ngayon. Sa sobrang busy namin, wala kaming time lumandi. Anong date? Anong couple? Fak, we're so stressed.

Dahil nag-aaral pa lahat ng employees namin bukod sa aming dalawa ni Eisley at sa couple na sila Kat at Albert, kami mostly ang bantay sa shop. Hindi naman hindrance kila Kat at Albert na deaf at mute sila. In fact, may mga customers na sila ang pinupuntahan. Sikat kasi sila sa social media as an inspiring special couple.

Sa second floor, kung saan naka-display ang mga paintings ako naka-assign. Kasama ko si Kat. Sila Eisley, Albert, at Sile naman sa baba. Walang work si Sile kaya kinuha na rin namin siya. Kahit nga mababa yung sweldo, okay lang sa kanya.

Yung location namin, malapit sa school, church, at restaurants kaya ang dami talagang tao tuwing uwian lalo na pag weekend. Pag may pasok naman, walang masyadong tao.

Dahil may classes pa sila sila Ryuji, Nessel, at Nyle, rare lang sila mag bantay sa shop, but they help out a lot. Sila kasi ang nag-aasikaso sa promotions, big clients, and contacting people who can help us. Sila rin ang umaayos sa workshops, exhibits, at events.

Kami ni Eisley, all-around. Kung ano yung ginagawa nilang lahat, ginagawa rin namin. Ramdam na ramdam namin yung pressure. Masaya naman kaso nakakapagod talaga. Pag-uwi namin sa bahay, magpe-paint pa kami. Pag may naisip kaming bagong idea, much better.

Hindi na namin nailabas si Mommy Sexy. Good thing, bumalik na si tita Berna sa Pilipinas. Nagsstay siya ngayon sa bahay nila Eisley at tumutulong sa pagpapatakbo ng restaurant. Kakauwi lang din ni Rhys for vacation. Ang saya dahil willing daw siyang tumulong sa amin.

Pinagpa-planuhan na rin namin ang pagbisita sa home care at pasayahin sila gamit yung mga ginawa namin. Kahit walang time, gagawa kami ng paraan. It won't happen soon, but it will. Pag stable na yung business.

Pinatapos muna namin yung graduation month bago kami nag team building. Fortunately, nagkaroon kami ng araw na halos lahat kami, available. Saktong 10 kami. 11 sana kaso sobrang busy pa si Aunt Teri.

Pagkatapos ng ilang activities, nag pahinga na kami. Apat ang rooms namin. Kasama ko sa room sila Kat at Nessel. Ayaw nila akong tigilan hangga't hindi ako sumasama sa kanila kaya nga sila Sile at Bev lang ang magkasama sa isang kwarto. Nasa iisang kwarto rin sila Eisley, Evan, at Rhys tapos sa kabila, sila Nyle, Albert, at Ryuji.

"Kuya Eisley, favor?" Nessel asks sweetly.

Wala ng parents si Nessel at mahina na rin grandparents niya. Wala naman daw pakielam relatives niya sa kanya. She was abused by her father when she was young. Nag-stay siya sa Home for Girls dahil mas safe siya doon.

Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon