Chapter Three
I have a vague personality. I'm an ambivert; an extroverted introvert. I make decisions by thinking and feeling. I'm consistently inconsistent and I'm always on both sides. I'm always in between.
I love going out, but I prefer hanging out with a few people. I actually don't mind being alone. Minsan siguro, oo, pero hindi naman ako nafufrustrate. Whenever I feel lonely, nandiyan naman sila Mommy at Achi para pakinggan ako.
I like talking and there are plenty of thoughts that are running in my mind, but at times, I just don't feel like talking. Kaya siguro wala akong sobrang ka-close na kasing age ko dahil hindi naman ako nageeffort. Kay Eisley lang naman kasi ako ma-effort. No joke.
People say I'm kind, but they're scared of me. They say I'm cool, but they also tell me I'm a nerd. They say I'm brave, but people love taking care of me. They think I can't handle myself. Siguro kasi ako yung bunso at ako lang ang babae.
They tell me I'm friendly, but I don't have any close friends. My best friends are my family. I'm a deep person, but I'm very easy to please.
Parehas kami ng brother ko na magulo. Hindi naman nakakapagtaka dahil magkaibang-magkaiba personality ng parents namin. Kaya noong nag combine yung genes nila pati na rin yung paraan kung paano kami pinalaki, ang gulo ng kinalabasan.
Despite being different, I do love myself. I am very grateful for who I am and what I have.
"Tyrese, bakit si Eisley pa? Kung ako lang, gustung gusto kita maging anak, pero bakit yung anak ko pa?" tanong sa'kin ni Mommy Sexy.
Nasa Fo Guang Shan Chu Un Temple kami ngayon. Yung kaibigan niya muna ang pinagbantay niya ng restaurant nila. Maganda kasi yung site at peaceful kaya gusto ko siyang dalin dito.
Mukhang hindi naman kasi siya nililibot ng anak niya. Marami pa naman kaming pwedeng puntahan ni Eisley sa Saturday at Sunday. Hindi porkit hindi ko siya kasama, hindi na ako mageexplore.
"Mommy Sexy, hindi ko rin alam," sabi ko. "Pero bakit naman hindi? Ikaw na po ang may sabi. Mabait siya at responsible. Matalino rin at masipag. What's not to like?"
Bukod raw kasi sa kanya, ako lang ang nakaka-tiyaga kay Eisley kahit hindi ko naiintindihan. That my friends is what you call perseverance. Ako yung taong ayaw ng challenge, pag napasubo na ako, hindi ko susukuan.
Sabi ni Mommy Sexy, she prays that I won't give up on her son. Hindi niya alam, ilang beses na akong sumusuko, pero lagi naman akong bumabalik. Lagi kaming pinagkikita. Hindi naman talaga si Eisley ang pinunta ko dito sa Cebu, pero bakit hindi ko pa sulitin, 'di ba? I still believe we are destined. If I can't make him like me, I can at least make him talk to me.
I want him to have a friend. I want to be his friend. Kahit noong highschool kami, never niyang pinakitang nahihirapan siya, pero never ko rin nakitang masaya siya. People think he's emotionless, but I don't think he is. He just keeps everything to himself.
For once, I want him to enjoy and let him see another side of life.
So, when Saturday comes, I wake up and prepare early. He gave his number after the shoot last Sunday kaya pwede ko na siya ma-contact. Tinext ko lang siya ng 'get ready' tapos umalis na ako sa condo.
Around quarter to 6 AM, I arrive at their restaurant. Sabi ni Mommy Sexy, ni-ready na niya yung mga kailangan dalin ni Eisley pati yung isusuot niya. Ang gagawin na lang niya, magbihis.
Hindi kasi alam ni Eisley kung saan kami pupunta. Tinanong nga niya sa'kin kagabi kung saan at bakit ang aga, pero hindi ko sinagot. Instead, si Mommy Sexy ang tinext ko. Mas matino kasi siyang kausap.
BINABASA MO ANG
Have I Told You (PUBLISHED BY POP FICTION)
Romance"When you fall in love with an atypical guy who does not love you back and you try to move on, but no matter how much try, you just can't, will you do everything to make him love you back or will you do everything to forget him? I don't ever want to...