III

3.9K 192 5
                                    

AN: Officer Seth above!~ 

Dedicated to wimkhie02! :>

¤¤¤

Luna

"Kalokaret itong babaeng 'to. Uy, gising!"

Bakla? Sino 'yun?

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang hot na hot kong asawa.

Teka—bakla nga pala siya huhu.

"Walang hiya ka!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya.

"Aba't ano naman ang ginawa ko sa'yo ah?" Pagtataray niya sa akin.

"Bakit ka bakla!? Bakit ka—"

"Tumahimik ka nga, kaloka ka naman eh!" Takip niya sa bibig ko.

"Walang akong pake! Tinuhog mo ang puso ko ng barbeque stick sa sobrang sakit ng ginawa mo! Alam mo ba 'yun!? Siyempre hindi kasi nga bakla ka!"

"Ay bongga! Tanong mo, sagot mo, baliw lang 'te? Atsaka ano connect ng pagiging juding ko sa hindi pag-alam sa nararamdaman mo? Kaloka talaga itey." Hawi pa niya sa buhok niya. Hay, ang gwapo.

Napailing-iling ako. No! Bakla siya, bakla!

"Argh! Nakakainis ka!" Sabi ko at binayagan siya.

"OUCHY!" Daing niya at napahiga sa sahig.

Wala na akong pakialam sa kaniya! Uuwi na ako sa amin!

Lumabas ako ng kwarto at ng hotel. Nakakainis talaga! Okay lang naman kung bakla siya eh! Pero bakit pa siya pumayag magpakasal sa babae? Ano, balak niya akong lokohin, ganun? Huh! Hindi niya ako maloloko!

Napahinto ako sandali. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nasa lugar kami kung saan malayo sa city ko. Ni hindi ko nga kung saan 'to eh, hay.

"Aray!" Daing ko nang may bumangga sa akin.

"Miss, tingin-tingin din kasi sa dinadaanan—"

"IKAW?" We both shouted.

Yung lalaking nagbitbit ng laylay ng gown ko! Yung walang h'yang lalaking ang yabang-yabang akala mo gwapo!?

"Sinusundan mo ba 'ko, miss?"

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko sinabi niya. Ibang klase rin talaga ang gaspang ng mukha ng lalaking 'to, ano?

"Ang KAPAL din naman talaga niyang mukha mo. Ano feeling mo, gwapo ka?!" Pagtataray ko.

"Ikaw na nagsabi." Mayabang na sabi niya na nakangisi pa.

Nakakaa-inis talagang lalaki 'to!

"Hoy! FYI, hindi ka gwapo!" Inform ko sa kaniya. Mukhang nabubuhay sa non-existent fantasy world niya eh.

"Sana humaba 'yang ilong mo kakasabi mo ng hindi totoo." Saad niya at naglean pa talaga papunta sa akin para ilapit ang pangit niyang mukha.

"Eh, hindi ka naman talaga gwapo!"

"Eh bakit lumabas mismo sa bibig mo?" Lapit pa niya ng mukha niya sa mukha ko.

"Nagtatanong kasi ako 'di ba? Napaka feeler mo kasi." Sagot ko at humakbang palayo sa kaniya. Bahala na siya, wala akong panahon sa kaniya.

"Kung hindi, edi sana hindi pumasok 'yung ideang 'yun sa utak mo. Isip ah, miss." Sabi niya at nag wink.

"Ang yabang mo talaga!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Aalis na sana siya pero bigla ulit siyang lumingon sa akin.

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon