IV

3.5K 189 8
                                    

AN: Dahil request mo wimkhie02, ito na :> Enjoy reading, guys! Sa magpapadedicate and pamention, I'm open to all! :) Just pm me or drop a comment! Dedicated to kitteppeii!

¤¤¤

Luna


"Dalian mo na maligo, susunod ako." Sabi nung bakla at pinapasok ako ng banyo.

"H'wag kang lalabas basta-basta ah!" Pahabol pa niya nang makapasok na ako.

Teka, shit. 'Yung towel ko nga pala!

Binuksan ko ang pinto ng banyo atsaka lumabas para kumuha ng towel.

"WAAAAAAAAAAAAH!!!"

Omyghad! Yung ano! Yung... yung... yung ibon!!!

"PIKIT!!!" Suot niya ng brief.

"Yung . . . . yung . . . . YUNG IBON MO!"

"Sinabi kasing pumikit at nagbibihis ako eh!" Sigaw niya sa akin na nakatalikod na.

Pinikit ko nga ang mga mata ko.

"Ayan na nga nakapikit na eh!" Sagot ko.

"Tss. Kung kailan tapos na?" Narinig kong sabi niya kaya minulat ko na ang mga mata ko.

"Anong nakita mo?" Nanliliit na mga matang tanong niya.

Naalala ko naman. Ang cute nung ibon niya. Bwahahaha!

"Akin nalang 'yun." Mapang-asar na sabi ko sabay wink.

"Oy! Ano ngang nakita mo?" Hinabol niya ako at nagtatakbo naman ako.

"Akin na nga lang 'yun, bleh!" Pang-aasar ko pa at patuloy pa ring nagtatakbo paikot-ikot.

"Huli ka." Capture niya sa akin na kinagulat ko.

Na out of balance ako kaya natumba ako sa kaniya.

Omyghad.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

His oh so hot and handsome face.

Napalingon kami pareho nang biglang bumukas ang pinto.

"WHAT THE FVCK!?"

Tumayo naman agad ako at ganun din siya.

"C-Caden.." Sabi ko. OMG. What should I say?

"Uh.. okay, sorry nang-iistorbo ako ng honeymoon pero nasa baba sila Tita. Sinundan kayo eh, dinner na raw muna." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

This is it! Sasabihin ko nang ayokong maging asawa 'tong baklang 'to!

Oo! Sasabihin kong bakla siya sa harap ng maraming tao. Wala akong pake kung mawasak ang mga puso ng fans niya kagaya ng pagkawasak ng puso ko.

Walang puso 'tong baklang 'to! Winasak niya ang puso ko. Siya ang unang-unang pinagbigyan ko pero wala pang isang araw, sinira na niya! Wala siyang awa!

"Uy."

Napatingin naman ako sa kaniya.

Inirapan ko lang siya at lalabas na sana nang hilahin niya ako.

"Napaka bipolar mo." Rinig kong saad niya.

"Wala kang pake." Sagot ko.

"Wala nga." Sagot naman niya kaya mas lalo akong nainis. Napaka talaga ng baklang 'to!

Aalis na sana ako nang pigilan na naman niya ako.

"Teka nga muna, alam ko 'yang binabalak mo. At makikiusap ako sa'yo, PLEASE h'wag."

Puno ng sincerity ang boses niya. Ibang-iba sa gay voice niya.

"Let's make a deal." Napalingon ako sa kaniya sa narinig ko.

"Ano namang deal 'yan?" Tanong ko.

"We will act like a real married couple for—"

"Puwede ba? Hindi ako artista kagaya mo kaya hindi ako magaling umarte." Talikod ko sa kaniya pero pinaharap lang niya ulit ako.

"Just act normal. Just act like we're really inlove with each other and after that, okay na." He said. His eyes are sincere as his word. Napabuntong-hininga ako.

"H'wag mo akong idamay diyan sa plano mong manloko ah? Marami na akong napapanood na ganiyan sa TV at nababasang ganiyan sa Wattpad at wala akong balak gayahin." Sagot ko.

"Geez, just think what your parents would feel? After those happy moments they had because their only daughter finally got married? Gusto mo nalang bang wasakin ang puso nila nang ganun-ganun na lang?" Pangungunsensiya niya sa akin.

Bigla ko namang naalala si mommy.

Wala pa sa simbahan, umiiyak na siya. Humingi na nga ng walong apo?! Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

Sobra ngang malulungkot si mommy. Kahit si daddy. Matagal na nila akong gustong ipakasal kung kani-kanino pero hindi ako pumapayag dahil mukhang mga impakto yung mga nirereto nilang anak ng mga kaibigan nila.

"See? Ganun din ang mararamdaman ng parents ko kapag nagpadalos-dalos tayo kaya ayokong mangyari 'yun. Yung totoong ako, sasabihin ko 'yun sa kanila sa tamang oras, at hindi pa ngayon 'yun."

"So anong gustong mong mangyari?" Tanong ko, nakacrossed-arms.

"We'll pretend as if we're deeply inlove with each in front of everyone for six months. Six months only, that's all I'm asking you. After that, on process na ang annulment at pwede ka na magpakasal ulit kung kanino mo gusto."

"Six months?" Tanong ko.

"Yes. Six months."

Six months won't hurt, right?

"Okay, deal."

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon