XXVII

2.6K 152 1
                                    

Luna

"Keroppi! Towel!"

Anak ng palakang gwapo talaga 'tong baklang 'to oh!

Kumuha naman ako ng towel at kinatok na siya.

Ay wait—wala siyang towel, 'di ba? Omg does it mean—

"Amin na—hindi mo pa nga ako nakikita, namumula ka na diyan?"

Shit.

Oh no.

Kasalanan ba 'tong nakikita ko?


Tae naman! Bakla ba talaga 'tong lalaking 'to? I mean, look at that abs! May bakla bang kayang magmaintain ng ganyang katawan? Oh my gulay.

"Busog ka na?" He smirked.

Binato ko naman sa mukha niya yung towel.

"P—Paano ako mabubusog eh hindi naman pagkain 'yan! Che!"

"Pakipot ka pa eh." Mapang-asar na sabi niya at pumasok na sa banyo.


Pagkalabas naman niya ng banyo naka bathrobe siya.

Tingnan mo 'tong baklang 'to, may bathrobe naman pala, nagpakuha pa ng towel??

"Binabalak mo na naman bang tanggalan ako ng saplot?"

"H-Hoy! Wala akong iniisip na ganun ah!"

"Sus." Higa niya sa kama.

Tumabi naman ako sakanya.

"Paano mo nasabing mahal mo 'ko?"

Bigla namang namula yung buong mukha niya, ha! 'Yan pala weakness mo ah!

"A—Ah, ano... wala akong sinabing ganun ah! S—Sabi ko, ano... sabi ko I like you!"

"Tingnan mo 'to—"

"Saan?" Agad na sabat niya.

"Baliw! Patapusin mo kasi ako! Sabi mo I love you kanina eh!"

"Wala akong sinabi! Sabi ko, I like you." Giit niya.

Psh, pambihira talaga 'tong baklang 'to eh.

"Like lang muna, 'to naman. H'wag ka masyado excited, ayaw mo nun? Crush ka ni Zayden Christian Orion McCallister?"

"Che! Buti pa si Christian Grey—"

"Gusto mo ganun?" Agad na singit niya kaya natigilan ako.

Shit biglang nag iba yung aura niya. Parang... naging dark? Don't tell me...

Wait—bakla nga siya, 'di ba?

"Che! Christian Gay!" Asar ko sa kaniya na dahilan para matawa siya.

"Asan mo naman napulot 'yan ha?"

"Wala. Matalino ako eh, hindi ko kailangan ng sources." Sagot ko.

"Wow. O siya, bumangon ka nga riyan."

"Bakit naman?" Tanong ko.

Ano na namang naisip ng baklitang 'to?
= ̄ω ̄=

"Magce-celebrate tayo dahil crush na kita!"

"Yay!"

¤¤¤

"Pambihira ka talagang bakla ka! Hindi ko naman alam na alcohol way mo ng pagcecelebrate!" Sigaw ko kay Zayden bading na pulang-pula na dahil sa alak.

"Ganun talaga! HAHAHAHA teka Luna umiikot yung mundo." Sagot niya at kumapit sa sofa.

"HAHAHAHA tanga! Talagang umiikot yung mundo, bobo! HAHAHHA ganyan ka pala malasing, nabobobo HAHAHAHA!" Sigaw ko sa kaniya.

"Baliw! Hindi ako lasheng! Baka ikaw? Gegewang gewang ka na nga oh!"

"Sa paningin mo lang 'yan! HAHAHAHA paano ako gegewang eh nakaupo lang ako? Baliw ka talaga eh! HAHAHAHA"

"Ewan ko sayo. Shaket na ulo ko, tulog na tayo."

Tumayo naman siya at binuhat ako.

"Oy! Kaya ko maglakad!" Hampas ko nang mahina sa kaniya dahil baka malaglag pa ako. Nahihilo na 'tong baklang 'to eh!

"H'wag ka na maglakad, bubuhatin naman kita eh!"

Nakarating kami sa kwarto at parehong bumagsak sa kama.

"Ganda mo pala talaga HAHAHAHA" Sabi nung baliw na bakla. O, lasing daw ako? Ano pang tawag mo sa kaniya? HAHAHAHAHA

¤¤¤

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon