XXXIII

2.3K 131 0
                                    

Luna

"Keroppi!!"

Pumunta naman na ako roon kay Zayden.

May dala na naman siyang bulaklak.

It's been months at mag se-seven months na si baby Zerion!! He's a boy :>

Yup, it's been months and everything has changed–in a good way. Everyday, mas lalo lang akong naiinlove kay Zayden.

He really did what he said. Nililigawan niya ako. Walang araw na wala siyang dinalang kung anu-ano. Bukod sa flowers, may iba pa siyang dinadala araw-araw. Usapan namin, (na siya lang naman talaga pumayag) hindi na siya mag tatrabaho kapag mag eight months na si Baby hanggang pag one year old ni Baby para mabantayan niya kami.

Galing siya sa shooting pero grabe lang at nagawa pa ring mag-uwi ng bulaklak.

Kinuha ko naman sa kaniya yung bulaklak at pinalitan na yung lumang bulaklak na nasa vase.

"Hindi ka nagsasawang magdala nito?" Sabi ko habang inaayos yung mga bulaklak.

Niyakap naman niya ako mula sa likod.

"Hindi. Para mapalitan ng bago yung luma." Sabi niya at hinalikan ako sa tutok ng ulo ko.

"Eh bakit hindi ka nalang magdala ng fake nang hindi mabulok?" Pasok ko nung bagong bulaklak sa vase.

Pinaharap naman niya ako sa kaniya.

"Parang relationship 'yan. Kaya laging maayos kasi pareho tayong nag e-effort. Bumibili ako, inaayos mo. Kaysa naman sa fake, hindi nga nabubulok, plastic na, peke pa. Eh kapag tunay, kahit nakakapagod ang mag effort, at least totoo."

Hinampas ko naman siya nang pabiro. "Daming alam." Tawa ko.

Kinuha naman niya yung kamay na pinanghampas ko sa kaniya at hinalikan. "Siyempre, nagpapakitang gilas sayo." Wink niya at lumuhod.

"Hi, Baby!" hawak niya sa malaki ko nang baby bump.

"OMG Zayden, sumipa siya!" Sabi ko nang maramdaman kong sumipa siya.

Sumipa naman siya ulit at nakita kong tuwang-tuwa si Zayden dahil napakiramdaman niya.

"Isa pa, baby!" Tuwang-tuwang sabi ni Zayden at sumipa nga si Zerion.

Tuwang-tuwa naman si Zayden habang hawak yung tiyan ko. "Nagpapakitang gilas din si Baby kay Daddy." Sabi niya na tuwang-tuwa.

Tumayo naman na siya.

"Naka-leave na ako for hmm... 1 year and 6 months."

"Ano??" Tanong ko.

"Nakaleave na ako para maalagaan ko kayo ni Baby."

"Pero usapan pag eight months pa." Sabi ko.

"Binago ko. Bakit, angal ka?"

"Oo, angal ako kasi usapan ay usapan."

Lumapit naman siya sa akin.

"Usapan ay usapan?" Lapit niya ng labi niya sa tenga ko.

"Okay then, let's make a deal. Pag eight months na si Baby ako mag le-leave pero..."

"Kuya na agad si Zerion pagka one year old niya." Bulong niya.

"ANO!?"

"See, hindi ka payag then naka leave na ako." Sabi niya.

Inirapan ko nalang siya at tinanggal na yung neck tie niya.

"I love you, Luna."

"I love you too." Sabi ko at hinalikan niya yung noo ko.

¤¤¤

AN: Hi guys! So I'm back in the game, yeeess!!! Tatapusin ko na talaga mga on-going kong naging hiatus jusko feeling ko may utang ako eh so ito na nga, tapos ko na isulat ang Marrying Christian Gay and tapos ko na rin iedit. May mga nabago pong onti pero onting-onti lang talaga. Ayoko na pahabain 'to so enjoy reading and please keep supporting this story!

Kamsahamnida ♥~~

Ps. Mag aadvertise lang po ako HAHAHA pakibasa po bago kong story na Sena yung lang po! XD

Pps. Connected po ang mga story kong Marrying Christian Gay, Sena, Playful Eros (hindi pa napupublish), Across (hindi pa napupublish) at ang Farrell Boys Series (na hindi pa rin napupublish). Pero onting connection lang naman.

Thank you again and enjoy reading! ♥~~

- Alien

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon