XXI

2.4K 144 1
                                    

AN: Zayden above! Eafu rin naman si fafa Zayden 'di ba? :>

¤¤¤

Zayden


Inayos ko na ang mga gamit ko at nang makauwi na pero napahinto ako nang makakita ng kapirasong papel.

Teka—note?

"I need your help. Meet me at the elevator."

Ang ganda ng penmanship and somehow... ang familiar?

Dahil likas akong matulungin at 7pm palang naman, sige.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa elevator. Nagulat ako nang makakita ng sticky note rito na may same penmanship ng nakita ko kaninang note.

"I'm sorry, I need to do something, can you meet at the lounge? 8pm."

What the heck!?

Kinuha ko na 'yong note na 'yun at bumalik sa floor ko kanina.

May coffee sa ibabaw ng desk ko.

"For doing so, and while waiting. Lounge at 8pm okay? ;)"


Teka... babae 'to. Admirer ko? Re-rape-in ako?

"Sir, may meeting daw mamayang 9 para sa bago mong film." Pasok ng isang staff.

"9?? Eh uuwi na 'ko." Sagot ko.

"Sir, sabi ni Direk eh." Kamot niya ng ulo at umalis na rin.

Kapag minamalas ka nga naman oh.

Ininom ko na 'yung kape at naghintay.

Nang mag 8pm, bumaba ako sa lounge.

"I'll be at the meeting at 9."

Anak ng pusa! Niloloko ba 'ko nito??


May magazine at kinuha ko 'yon. Siguro para hindi ako mainip, tch.

Umakyat na ulit ako at naghintay sa confe hall kung saan magaganap ang meeting na wrong timing.

¤¤¤


10:53pm

Anak ng froglet!


Mag e-eleven na!?


Tumayo naman ako at lumabas sa walang katao taong hall.

Napakamot ako ng ulo.


Hindi man lang ako ginising??

"Kuya, nasaan si Direk?" Tanong ko sa dumaang janitor.

"Ah, Sir kaninang alas quatro pa umalis si Direk." Sagot niya.

"Ano?? Akala ko ba may meeting??"

"Meeting? Wala, Sir! Birthday po ng anak ni Direk ngayon kaya paniguradong hindi na babalik 'yon."


Tinanguan ko nalang siya at bumalik sa office ko.

"I guess the medicine worked." Said a voice in a very seductive way.

*gulp*

I can feel my hand balled into fist. Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. So may pampatulog 'yung kape? Eh pinsan talaga yata ni Satanas 'tong hinayupak kong ex eh.

Oo, si Freya.

Yung ex kong binigay ko ang lahat, nagpakatanga, hinabol ko hanggang States, nagmukha pa akong tanga sa mga tao roon sa pagluhod sa harap niya para lang balikan niya ako.

Oo, ginawa ko 'yun sa harap ng sobrang daming tao kahit nakataya pa ang pangalan ko. Pero ito ngang may sa-demonyitang bruhang 'to, nireject pa rin ako. Napala ko? Kaliwa't kanang sampal mula sa manager ko no'n. Oo sa States lumuhod ako sa harap ng maraming tao para bumalik siya. Kahit kilalang-kilala ako roon, wala akong pake noon kasi ang iniisip ko lang no'n, bumalik siya sa akin at maging masaya kami ulit.

Pero grabe 'yang puso ng babaeng 'yan. Matigas pa sa pustiso ng lolo't lola ko. Matigas pa sa diamond ni Rose. Matigas pa sa iceberg na nagpalubog sa Titanic. Malamig pa sa dagat kung saan lumubog ang Titanic.

"What do you want?" Nasabi ko rin sa wakas and I tried to act normal. Inayos ko ang mga gamit ko.

Nakaupo siya sa desk ko. May mga kailangan pa sana akong nauupuan niya pero hinayaan ko na 'yon.

"I need you, Zayden."

Tch.

I need you mukha mo, lul. Hindi mo na ako malolokong gaga ka.

Lumabas na ako sa office nang hilahin niya ako at isandal sa pader. Sobrang lapit ng mukha niya at alam kong any time susunggaban na niya ako kaya mariin ko siyang tinulak palayo.

"Zayden!!!"

Narinig ko ang pagpunit ng tela pero wala akong pake. Mamaya ano pang makita ko doon.

"Zayden, look at me!"

"Nah, you're not worthy looking at." I said, waving goodbye without looking back.

"Phew." Pasok ko sa kotse ko at nag-drive pauwi.

Napataas ang kilay ko nang makitang may mag-jowa 'di kalayuan sa bahay namin. Dis oras ng gabi may naglalampungan doon sa park, langya.

Ampalaya ako kaya bitter ako! Binusinahan ko. HAHAHAHAHA!!! Magambala kayo sa bitterness ko, mga froglets! MWUAHAHAHAHA!!!

But to my surprise, I saw the cop.



With my wife.

Nyemes! Ano 'to!? Lumayo ako sa tukso tapos ito dadatnan ko!?

Asawa ko, nakikipaglampungan sa kapitbahay ko!? Grabe namang buhay meron ako, aba!

Ay, oo nga pala. Contract marriage lang 'to. Wala akong karapatan magselos nang totoo kasi pang anim na buwan lang 'tong kasal na 'to.

Pero 'di ko talaga maintindihan. Bakit ang kirot sa puso?

¤¤¤

AN: Hi guys! So nasa chapter 34 na yata yung nasulat ko and matatapos ko na MCG 😭😭 thank you sa mga nag vo-vote and comment siyempre kahit sa mga silent readers 💖 pasukan na so I'm thinking if ipublish ko na ba yung mga parts or every weekend nalang po hehe :>

Thank you again!

- Alien

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon