XXII

2.5K 162 4
                                    

AN: Fafa Zayden above!! HAHAHAHA wafu talaga huhu

¤¤¤

Luna


Hindi ko maintindihan 'tong baklang 'to!

Binusinahan kami kanina ni Seth tapos naunang umalis tapos ngayon nag-iinarte sa 'di ko alam na kadahilanan!

"Ano bang problema mo?" Tanong ko. Paano ba naman, kanina pa ako hindi pinapansin.

"Wala."

"Ano ngang problema mo sa akin?" Tumabi ako sa kaniya.

"Tch. Umalis ka nga riyan." Taboy niya sa akin at tinalikuran ako.

"Uy, ano bang ginawa ko? Bakit ka galit?" Pangungulit ko sa kaniya.

"Wala nga. Ang kulit mo naman!"

Hinarap ko yung mukha niya sa akin.

"Hindi ka mag-iinarte kung walang problema. Now tell me, what's the problem?"

Bigla naman siyang namula.

Ano, kinikilig na siya ngayon kapag hinahawakan ko siya? Crush na rin niya akoooo!

"Y–Yung tshirt m-mo..." Talikod niya sa akin.

Napatingin naman ako sa damit ko—pakshet!

Agad naman akong tumayo nang maayos.

Kasi 'di ba, naka-upo siya sa kama at nakatayo ako so kailangan ko medyo yumuko para maging kapantay yung mukha niya kaya ano—argh! Basta alam niyo na 'yun!

"Wala akong nakita." Sabi niya na nakatalikod pa rin.

Binatukan ko naman siya. "Walang nakita eh nangamatis nga 'yang mukha mo ha!?"

"Wala akong nakita! Hindi ko tiningnan 'yan, 'no. Kahit siguro pinakamanyak sa buong mundo hindi gaganahan tingnan 'yang cup A mong ano."

Ha!? Cup A!? Aba, bwisit 'tong lalaking 'to ah!

"For your information, hindi 'to. Cup A—"

"Baby bra?" Agad na putol niya sa akin.

Anak ng—! Hinampas ko siya ng frying pan sa ulo. Siraulong baklang 'to! Palibhasa wala siyang boobs!

"Aray!" Daing niya. "Saan ka nakakuha ng frying pan??" Himas niya sa ulo niya.

Saan nga ba ako nakakuha ng frying pan? Hay nako! Hayaan mo siya! Importante nakapag higanti ako.

"None of your business."

"Tch." Pagsusungit na naman niya at tinalikuran ako.

"Ano ba kasing problema?" Tanong ko.

Eh nahampas ko na siya ng frying pan hindi pa rin sinasabi eh.

"Wala."

"Isa, Zayden ah." Banta ko.

"Dalawa." He said plainly na para bang wala siya kagana-ganang kausapin ako.

Anak ng kabayo 'tong lalaking 'to!!

"Ano nga kasing problema!?" Inis nang sabi ko.

"Ikaw! Ikaw yung problema! Napakalandi mo! May asawa ka na nakikipaglandian ka pa sa iba!"

With that he left the room.

Left me dumbfounded.



Malandi ako.

Shit. Ang sakit lang nun.

Pero teka—ano bang pake niya? Eh contract marriage lang naman 'to at nagpapanggap lang kami 'di ba? Ano bang pakialam niya kung lumandi ako eh eventually lalandi naman talaga ako sa iba pagkatapos ng bisa ng kasal na 'to.

And in my defense, I never flirted with anyone. Not while I'm in this marriage. I will never do that.

Kung 'yung tinutukoy niya ay yung magkasama kami ni Seth... well, I only did that because of him, Zayden. Inadvice-an lang ako ni Seth tungkol sa nararamdam ko kay Zayden. Si Zayden lang naman lagi. It's always been him. It's always been Zayden.

¤¤¤

Zayden

"Oh." Lapag ni Caden ng gamot at baso ng tubig sa harap ko.

Inunom ko naman 'yon para mawala 'tong hang over ko.

Oo sa bahay ako ni Caden natulog at nag-inuman kami magdamag. H'wag kayo mag-alala hindi ko siya ni rape o pinagnasaan, duh? Hindi kami talo—este hindi ko siya type.

"Hays, buhay may asawa." Pang-aasar niya.

"Kaya ikaw Caden, h'wag ka na mag asawa. Sinasabi ko sa'yo, ang sakit sa ulo." Sabi ko.

"Sa ulo nga lang ba?" Ngisi niya.

"Saan pa ba?" Kunot-noong tanong ko.

"Akala ko masakit din sa puso eh." Pang-aasar ng loko.

"Hoy! 'Di ko mahal 'yun, kadiri."

"Hindi nga ba? Eh bakit ka nagkakaganyan?" Lalong lumawak ang smirk ng mokong.

"Nakakainis lang! Ikaw ba naman! Pinigilan ko yung urge roon kay Freya tapos dadatnan ko siya may kalampungan!? Eh, taeners talaga."

"Bakit mo naman pipigilan yung urge mo kay Freya para kay Luna kung wala ka talagang feelings para sa asawa mo?"


With that, I thought for a moment.

Bakit nga ba?


After a debate with Caden, pumunta ako ng studio at nagsabing magleave ako ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.

Buti nalang talaga at hindi ko nakita si Freya.

Napag isip-isipan ko na wala akong right magselos kasi wait what!? Hindi nagselos, I mean, ano ba... basta ganun! Kasi, hindi nga naman kami for real, contract marriage lang 'to at eventually, maghahanap din naman siya ng talagang mamahalin niya pagkatapos ng lahat ng 'to.

So, I think a peace offering will do?

Dumaan muna ako ng flower shop bago tuluyang umuwi. I bought Gardenia flowers for Luna. Ewan ko pero I find this flower perfect for her. Besides, ang bango nito at siguro naman kapag naamoy niya 'to papatawarin na niya ako although masama nga ang nasabi ko sa kaniya kahapon. Magso-sorry naman ako nang sincere at ayaw ko namang for the rest of the contract kay Caden ako matutulog 'no.

Pinarada ko ang sasakyan medyo malayo sa amin.

Gusto ko siyang isurprise.

Naglakad na ako papunta sa bahay nang makita ko siya sa may playground.



Magkayakap ni Seth.



Nanghina ang buong katawan ko sa nakikita ko.

Bakit ako nasasaktan nang ganito?

Bakit ang sakit-sakit sa puso tingnan ng eksenang 'to??

Nabitiwan ko ang bouquet at tumakbo pabalik sa sasakyan ko.

I can't take this anymore.

¤¤¤

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon