VI

3.2K 174 11
                                    

AN: shinhyorimxzxAnonymousxzx and SophiaSalonga14, ito na yung update :>

Luna above!!

Dedicated to imanthonette31

¤¤¤

Luna

Nakauwi na kami sa Manila. As expected, may sarili na kaming bahay.


"Sa Sunday ang pabless ng bahay na 'to but anyways, apat na araw nalang naman at Sunday na rin." Sabi ni Mama.

"Aaaand we bought this place at a very surprising price! Despite the size and class of this house, hindi lalagpas ng 3M ang presyo. Wedding gift namin sa inyo 'to ni Kumare!" Tuwang-tuwang sabi ni Mommy.

Kapag nagsama talaga 'tong dalawang 'to oh. Tsk.

"Thank you po." Nakangiting sabi nung plastik na bakla.

"Oh siya, ituloy niyo ang honeymoon niyo sa bahay na 'to!" Sabi ni Mommy.

"Ingat mga anak ah." Bilin ni Mama at tuluya na kaming iniwan dalawa.

Pinagmasdan ko ang paligid. Super laki. Hanggang third floor. Bali hanggang 4th floor kasi may attic.

"Bongga ng bahay natin keroppi oh." Rinig kong sabi nung baklita.

Keroppi??

"Keroppi ka diyan??" Protesta ko.

"Ikaw. Kasi echusera kang froglet!" Sagot niya.

"Wow ah? Kung froglet ako, ano ka? Duckling? Ugly duckling!"

"No, no, no, no. I'm Hello Kitty!" Baklang baklang sabi niya at nagsasayaw.

Baliw talaga oh.

Pero ang gwapo pa rin huhu.

"Pssst!" Sitsit ko. Lumingon naman siya.

"Ituloy daw ang honeymoon 'di ba?" Smirk ko.

"O—Oy, ano 'yang binabalak mo?" Paatras na sabi niya.

"Honeymoon." Lalo ko pang nilawakan yung mga ngiti sa labi ko.

"Hindi pa ako readyyy!!!" Sigaw niya at tumakbo paakyat.

Hinabol ko naman siya.

Nang macorner ko siya, nasa loob kami ng isang kwarto, nasa ibabaw siya ng kama nakatayo.

"Uy, uy! Tama na, please! 'Di pa talaga ako ready! Omygosh!" Pagmamakaawa niya.

Nakakatawa talaga 'tong baklang 'to! Paiyak na oh! HAHAHAHAHA!!!

Sumampa naman ako sa kama at dinaganan ko siya. Napahiga siya sa kama habang nasa ibabaw niya ako.

Narinig ko namang napalunok siya.

Teka, paano ba gumawa ng baby?

"Paano magsisimula?" Tanong ko.

"Hindi mo alam?" Tanong niya.

"Hindi eh." Sagot ko. Napangisi naman siya.

Isang iglap at nagpalit kami ng pwesto. Siya na ang nasa ibabaw ko at nakahiga ako sa kama.




"Hindi mo alam 'di ba? Then I'll show it you, Keroppi." Wink niya with his oh so sexy voice pero—

SHIT! SHOW ME? I WAS JUST KIDDING!!!

"Oy! Joke lang!" Sabi ko at nagpumiglas sa kaniya.

Diniinan naman niya yung pagkahawak niya sa akin.

Inilapit niya yung mukha niya sa akin, enough for me to feel him breathe.

"We'll start here." Tingin niya sa labi ko.

"Then neck..." Tingin niya sa leeg ko.

Wala na akong masabi. Wala na akong magawa. Nabato na ako sa posisyon na 'to.

Seryoso ba siya?!

"Shall we start then?" He asked with a very husky voice.

Naramdaman ko namang ako na ang napalunok.

Dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sa akin. Napapikit nalang ako.

Tae kasi, Luna! Anong pinaggagawa mo ah!? May pa chuchu ka pang nalalaman, tinotoo tuloy!

Naramdaman kong super lapit na nung labi niya sa labi ko na nagtama na yung mga ilong namin.

Shit. This is it. My first kiss!


Any second now . . . .

Any second . . . .














"BWAHAHAHAHAHA!!!"

Napadilat naman ako ng mga mata ko at nakita kong nababaliw na katatawa yung bading.

"Anong nakakatawa ha!?" Inis na tanong ko.

"You!" Tawa niya. "You're so funny! Your face was priceless!" Tawang-tawang sabi niya.

"You should have seen your face!!!" Tawa pa rin siya ng tawa.

Aba't sumusobra na 'tong baklitang 'to ah!

Inangat ko na ang manggas ng damit ko nang mabubog na 'tong baklitang 'to.

Natigilan ako nang biglang bumalabag nang sobrang lakas yung pinto na nakapagpatigil sa kaniya tumawa at nagpatigil sa akin maglakad.

Hangin?

O

Multo??

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon