I

6.2K 215 14
                                    

AN: Zayden on the media(?) chuchu above (hehe 'di ko alam tawag diyan eh sorry na XD)

Dedicated to krylllr! :>

¤¤¤

OMG, OMG, OMG! Hindi na ako mapakali!

Mapapangasawa ko na ang oh so yummy Zayden Christian Orion McCallister!

"Easy lang." sabi ni Caden na best man. Nakasuot na siya ng tuxedo at ayos na ayos na rin ang buhok niya.

"I know, I know." sabi ko pero deep inside ay hindi na talaga ako mapakali. I still can't believe it. Ang crush na crush kong child-star noon, mapapangasawa ko na ngayon!

"Punta na ako roon ah, baka magsimula na eh." paalam ni Caden at lumabas na.

Wala na akong kasama, yes! Puwede na akong kiligin!

Grabeeeeee! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Ako?! Isa lamang hamak na si Luna na ang silbi lang sa pamilya ay ipakasal sa kung sino ay sinusuwerte at si Zayden Christian Orion McCallister pa ang mapapangasawa?!

Tae, am I dreaming?

Pero hindi! Hindi puwedeng maging panaginip 'to! Hindi ako papayag!

Biglang may nagbukas ng pinto at nakita ko sina Mommy at Daddy.

"My baby..." Lapit ni Mommy sa akin atsaka umiyak.

Grabe ah, naunahan pa ako?

"Honey, h'wag kang umiyak. Baka magmukha kang tinintahan ng pusit mamaya." sabi ni Daddy. Oh 'di ba, 'yun ang pino-point out ko kaya ayoko munang mag-iiyak-iyak.

Atsaka bakit naman ako iiyak, 'di ba? Mapapangasawa ko ang hottest man alive! Dapat nga mag pa-party pa ako eh!

"Anak, be a good girl ah. Give us beautiful grandchildren—"

"Anak, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Daddy nang mahulog ako sa kinauupuan ko.

Obvious ba? Natumba sa upuan oh, masakit sa pwet ah! Grabe naman kasi! Sino bang hindi mabibigla? Wala pa ngang kasal, apo agad ang iniisip?! Tinulungan nila ako makatayo.

"Dad naman, h'wag naman apo agad iniisip niyo. Ni hindi ko pa nga nakaka-usap 'yun. Atsaka hindi pa nasasakal—este—nakakasal oh."

"Hays, I don't care basta I want grandchildren ASAP. Okay?"

Ano ako, breeder? Psh.

"Kung kaya, anak, octoplets na agad—"

"Anak, bakit ba kanina ka pa natutumba?" tanong ni Mommy na tinutulungan ako tumayo.

"Eh kayo po kaya, araw ng kasal ko ngayon tapos humihiling na agad kayo ng walong apo!? Anong tingin niyo sa akin, baboy?" Tayo ko mula sa pagkakahulog na naman dahil sa gulat sa pinagsasabi nila.

"Easy lang, anak... ang puso mo." sabi ni Daddy.

Kung 'di ka naman talaga high blood-in kapag ganito ang mga magulang mo eh congratulations! Ikaw na ang may pinakamahabang pasensiya sa buong universe! *round of applause*

"Ready na po, nag-aabang na ang groom." sabi ng isang lalaking kakapasok lang.

Tumayo naman na kami. Pagkalabas ay sumakay kami sa kotse at wala pang tatlumpung segundo ay huminto na rin.

Eh paano ba naman kasi, katabi lang nung simbahan 'yung pinag-ayusan sa akin, 'di ba. Pfft.

Lumabas na kami sa kotse at bumukas na ang pintuan ng simbahan.

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon