XIX

2.4K 156 0
                                    

AN: Freya Lambert above! :> enjoy kayo sa mukha niya HAHAHAH i love you guys XD sorry po natagalan mag update :< medyo busy po pasukan na sa monday kaiyak <|3 hi sa mga may pasok na din sa monday! 👋 so anyways, here it is! Enjoy reading and drop your comments 💖

¤¤¤

Luna

Oh no, andito yung Freya! Andito yung Freya! Siya 'yun! I'm sure siya 'yun! Siya yung model na perfect body na gagang nang-iwan sa asawa ko kaya naging bakla yung hello kitty na 'yon kaya kakalbuhin ko talaga 'tong babaeng 'to!!!

"It's been a while."

Tumahimik ang lahat.

Nakatitig ako kay Zayden. Sa mga mata niya.

Bakit kitang-kita pa rin ang sakit sa mga mata niya? Bakit ako affected? Bakit gusto kong tumayo para sa kaniya? Bakit gusto ko siyang ilayo sa babaeng 'yan? Bakit gusto ko siyang ipaglaban sa babaeng 'yan?

Pero wala akong karapatan. Hindi niya ako kaano-ano. Hindi kami, asawa lang niya ako, nagkasundo lang kami—wait, ASAWA NIYA AKO!

I will protect him from that witch!

"Zay—"

"ZAYDEEEEEEEEN!!!!" Takbo ko sa kaniya pero napatid ako sa haba ng gown ko at—

*dug-dug*

The time stopped.

First.




First kiss ko 'to and it feels so right.


Magkalapat ang mga labi namin habang nakahawak siya sa bewang ko dahil nasalo niya ako sa muntikan ko nang pagkadapa.

Bumalik ang lahat sa realidad pero ganun pa rin kami. Nagwawala na ang mga tao pero ganun parin kami.

Magkadikit ang mga labi.

Nakita kong pumikit siya at ginalaw niya ang mga labi niya—

"How dare you?!—"

Agad kong nakuha ang braso niya at pinalanding ang palad ko sa pisngi niya.

You deserve that, bitch.

She gasped in disgrace as she touched her cheek where my palm landed.


"How dare you slap me?!" Bawi niya ng braso niya.

"How dare you attempt to slap me! Pakelam mo ba kung hinalikan ko ang asawa ko? Selos ka? Bakit? Kasi Ex ka? Hoy bruha! Ex ka lang at wala kang pakialam kahit ikama ko pa 'yan dahil ASAWA KO SI ZAYDEN CHRISTIAN ORION MCCALLISTER AND I HAVE ALL THE RIGHTS TO KISS MY HUSBAND INFRONT OF JEALOUS PEOPLE!" Hila ko kay Zayden at East palabas at sumakay na kami sa sasakyan.


"Uuwi na po, Ma'am?" Tanong ng driver.

"Yes, kuya." Sagot ko sa kaniya at pinaandar na niya ang sasakyan.

"Uy. Ano, ayos ba?" Siko ko kay Zayden.

"Mimi, you're cho kool! Dat shinafak mu!" Sabi ni East na tuwang-tuwa.

"Next time na 'yun, baby kapag nag second offense na siya." Sagot ko.

"Ey pano Mimi pad thurd ofensh?" Tanong ni East na napahawak pa sa baba.

"Kakalbuhin ko na siya, fourth offense, babaliin ko na ang buto niya, fifth, ihuhulog ko siya mula sa top floor, sixth, bubuhusan ko na siya ng asido, imaginin mo nalang kung anong pwedeng mangyari sa further offenses." Sabi ko at tuwang-tuwang napapalakpak pa si East. Mukhang nag-enjoy sa usapang torture.

Tiningnan ko naman si Zayden na naka stuck-up pa rin na nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat pa rin.

"Uy," Siko ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sakin na nanlalaki pa rin ang mga mata.

Oh well, I can't blame him, ex niya 'yun.

¤¤¤


Paglabas ko ng bathroom, nakahilata na si East sa kama at tulo na ang laway samantalang nakaupo si Zayden na ang lalim-lalim ng iniisip.

"That was my first kiss"


Napalingon naman ako sa kaniya. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya. Hindi na yata 'to babalik sa dati.


"Seryoso??" Gulat na tanong ko. Alam kong magaling siyang magpeke ng halik dahil 'yon ang ginawa niya nung kasal namin pero woah! Unbelievable.


Tumango siya.


Wow, I didn't expect na pareho pa pala kaming first kiss ang isa't isa.

Tumabi na ako kay East, kasi alam niyo na, nasa gitna namin si East tapos sa left ni East si Zayden so bali ako sa right, sa right ni Zayden! Dejoke lang siyempre, sa right kasi ni East.

"Parehas tayo." Sabi ko.


"Obvious naman. Walang magtatangkang humalik sa'yo, 'no." Sagot niya na para bang napakapangit ko na wala talagang magtatangkang humalik sa akin.

Aba't— nang-iinsulto na naman ba 'tong lalaking 'to?

"At bakit naman ha?" Crossed arms ko.

"Kasi asawa kita."

Asdfghjkl hanuraw amfufu hoooo~~ Kikiligin na ba 'ko? (oo tinatanong ko pa kahit kinikilig naman na 'ko XD)

"Stop grinning. It's creepy, geez." Irap niya.


Anak ng—! Inirapan na ako at linabag pa ang house rule number one! Pero sige, kinikilig pa ako roon sa "kasi asawa kita" eh, pagbigyan natin.


"I–I know you only did what you did earlier to protect me or well... ewan ko talaga kung paano mo nalaman at kung ano talagang intention mo kanina. Conclusion ko lang 'to at para na rin magpasalamat at ipaalam sa'yo na nailigtas mo 'ko roon even if you risked your first kiss. Thank you." Sincere na sabi niya.


Gusto kong tingnan ang mukha niya ngayon. Feeling ko nakangiti siya eh pero hindi ko na siya makita. Pareho na kasi kaming nakahiga.

"You're always welcome, Zayden." I said and this time, alam kong ngumiti na talaga siya.

Pero hindi kasi intentional ang kiss na 'yon. Napatid ako sa gown ko eh sakto namang landing ng labi ko eh yung kaniya. Alam niyo na, hokage pati labi ko eh.


Pero I'm happy that I helped him kahit pa well, tama siya sinugal o naisugal ko ang first kiss ko para sa kaniya.

Kaya lang,

It breaks my heart because...


I can feel that he's still into her.

¤¤¤


PlayfulEros' Note:

Uh-oh, Freya is back! Ano kayang mangayari sa mag-asawa? Did she came back for nothing or... did she came back for a purpose? :> comment your thoughts!

- Alien

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon