XV

2.6K 158 7
                                    

AN: Luna above! ^_^ sabi ng bestfriend ko mas okay daw si Yoona eh kaya ayan change port HAHAHHA 

Sa mga gusto pala po padedicate, just comment below! ^_^

Dedicated to my bestfriend!

¤¤¤

Luna

Ang aga-aga wala na si baklitang Hello Kitty kong asawa at si East. Sinama raw niya si East sa shooting niya at magpahinga nalang daw ako sa bahay at 'wag nang pumunta sa self-defense training.

Kaya ito ako ngayon, nganga.

Pero may nagagawa naman ako, sa utak nga lang. Inaalala ko yung childhood days ko.

Naalala ko nun, nag e-experiment ako. Didikdikin ko yung dahon sa isang container, lalagyan ng pulbos, alcohol, minsan magic sarap tapos asin, asukal, curry powder, minsan nilalagyan ko rin ng vitamins namin ni Phoenix. Yung Celine? O kaya naman Growee at Cherifer na napaka-sinungaling. Eh hindi nga ako tumangkad eh tapos sabi tangkads agad, psh.

Tapos hahaluin ko 'yun o kaya minsan ibibilad ko sa araw para kunwari niluluto kasi hindi naman ako marunong magbukas ng kalan noon. Pagkatapos hahaluin ko ulit gamit yung stick na pinutol ko sa walis tingting tapos ipapainom ko sa kapatid kong si Phoenix. Minsan 'pag tumanggi siyang inumin, ihahalo ko sa miryenda niyang lugaw o kaya cerelac o champorado kasi sayang naman effort ko 'di ba?

Pero ngayon,

Narealize ko na kadiri pala 'yong pinapainom ko sa kapatid ko. Pero, tingin ko dahil doon din 'yun tumalino eh. Biruin mo ba naman, three years old siya tinutungga niya kung ano 'yung iaabot ko sa kaniya. Kapag pinainom ko sa kaniya, iinumin naman niya.

*dingdong!*


Ano ba 'yan, panira ng pag aalala ng childhood days eh.

Tumayo naman ako at binuksan na 'yung gate.

"Luna," Sabi ni Caden nang makita ako at pinapasok ko na siya sa loob.

"Kamusta kayo ni Zade?" Tanong niya at pinaupo ko na siya.

"Ayos lang." Sagot ko naman.

"Ano ba, alam kong paminta 'yun." Tawa niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

A–Ano raw?? Alam niya??

"Kailan mo pa alam?? Bakit hindi mo sinabi sa akin ah!?" Hampas ko sa kaniya.

"Easy lang! Pero dati pa. Eh kasi alam ko namang malalaman mo rin eventually." Sagot niya habang hinihimas yung hinampas ko.

"Pero Caden... kailan mo pa ba kaibigan si Zayden?"

"Simula..." Napatingin siya sa kisame na para bang nandoon ang sagot na hinahanap niya. "High school yata? Ah oo! Second year high school kami noon at transferee siya, tapos hanggang ngayon na nasa agency namin siya sa SKY."

"B–Bakit siya naging... "

Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Caden at medyo naging seryoso ang aura niya pero hindi nagtagal 'yon dahil bumalik rin ang mga ngiti sa labi niya.

Huminga muna siya nang malalim atsaka nagsalita.

"Iniwan siya ng first girlfriend niya." Simula niya na kinagulat ko kaya nakinig akong mabuti.

"Tatlong taon niyang niligawan 'yon at tinawid niya ang ilang daang bundok sa tatlong taon para lang makuha ang matamis na oo ng babaeng 'yon. Naging sila ng anim na taon tapos iniwan siya nung babae at ayun, sumapi siya sa samahan ng mga alam mo na." Kwento ni Caden.

"Noong maging magkaibigan kami ni Zayden noong high school, sila na nung babaeng 'yun at kapag tiningnan mo sila para bang mag-asawa na sila eh. Well, hindi sila PDA pero sobrang perfect nila tignan at makikita mo na pareho nilang mahal ang isa't-isa."

"Eh bakit sila naghiwalay?" Tanong ko. Sorry na, curious eh pero WTF?? Si Zayden Christian Orion McCallister, iniwan ng isang babae? Parang hindi naman kapani-paniwala 'yun.

"Umalis ng bansa 'yung babae. 'Yun lang ang alam ko." Sagot ni Caden.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan nun?" Tanong ko. Nang masearch sa Facebook at nang makita kung maganda ba.

Lakas ng loob niyang makipag break sa asawa ko eh hottest man alive po yata ang asawa ko sa buong universe. Mr. Universe 'yang asawa ko hindi nga lang napatol kay Pia Wurtzbach dahil pareho raw sila girl, anak ng tinapa.

"Luna," Sabi niya kaya agad akong napalingon sa kaniya. Luna?! Luna rin?!

"Ano!?"

Bigla naman siyang tumawa at umiling-iling.

"Joke lang, siyempre. Freya ang pangalan niya." Bawi niya.


"Freya Lambert."

¤¤¤

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon