VIII

2.9K 191 39
                                    

AN: Cza_pikapi13, shinhyorim and xzxAnonymousxzx, here's the update! hope you enjoy it! :>

Zayden McCallister above!!

Dedicated to lady_melon!

¤¤¤

Luna

Sunog na mukha.

May hawak na palakol.

Sobrang nakakatakot siya.

"Wrong room." Ngisi ni Zayden at sunud-sunod na pumutok ang baril.

Tuhod. Balikat. Paa. Binti. At braso.

Dali-dali niya akong binuhat at tinalunan ang lalaking may sunog na mukha. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng bahay.

"Shit." Sabi niya nang makitang may isa pang lalaki na sunog ang mukha.

Pero bigla itong tumakbo at sumakay sa isang kotse at pinaharurot sa daan.

"What the fvck? Does he have balls?" Kunot-noong saad ni Zayden.

Binaba naman na niya ako.

Biglang nawala ang takot ko nang makita ko yung pagtakbo nung lalaki. So, hindi siya parang si Jason or something? Yung mga taong sinasapian and shits?

Napalingon kami ni Zayden nang makarinig ng sirena ng pulis at may dumating na mga pulis.

"Ibaba mo ang baril mo! Kamay sa taas!" Tutok nila ng baril sa amin.

"Woah, woah. Kami ang biktima dito!" sabi ni Zayden.

"Ibaba ang baril!" Sigaw pa rin nung police.

May dumating na kotseng itim pero may sirena sa taas.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng lalaking galing sa itim na sasakyan.

"Seth!" Tawag ko nang makitang si Seth ang lalaking galing sa itim na sasakyan.

"Luna? Mr. McCallister?" Sabi niya nang makita kami at lumapit sa amin.

"Ibaba niyo 'yang mga baril niyo!" Utos ni Seth sa mga police at tinanggal naman na ng mga police ang pagtutok nila sa amin.

"May lalaking sunog ang mukha at may dalang palakol ang nakapasok sa bahay namin." Sabi ko sa kaniya.

"Sunog ang mukha?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Nasa loob pa ba siya?"

"Oo. Binaril ko siya pero buhay pa 'yun. Siguro." Sagot ni Zayden.

"Narinig niyo ang sinabi ni Mr. McCallister! Pasok!" Utos ni Seth at sumunod naman yung mga police.

"Seth, pwede bang pahiram ng cellphone?" Tanong ko.

"Ito oh." Abot niya sa akin ng cellphone niya at tinawagan ko si Mommy.

Hindi nagtagal at may dumating na ambulance at sila Mommy. Kasama si Phoenix.

"Okay ka lang ba?" Yakap niya sa akin kaya yumakap ako pabalik.

"What happened?" Tanong ng daddy ni Zayden.

"May umatake sa amin na lalaking may dalang palakol. Luckily, I have my gun with me." Sagot ni Zayden.

"Are you okay? Did you protect Luna?" Tanong ni Papa.

"Of course, she's my wife." Sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Pwe! Ang plastik pero shet kakilig yung kiss huhu.

"I trusted the right guy." Nakangiting saad ni Daddy.

"Oh, ito na yung siraulo oh!" Sigaw nung police.

"B-Bakit wala na yung sunog sa mukha niya?" Tanong ko.

"Sunog sa mukha?" Tanong ni Mama.

"Ah, 'yon? Latex!" Sagot nung police at pinakita yung parang plastic na may burned effects and shits.

Dadalhin daw muna siya sa ospital at pagkatapos i-interogate-in na kaya kailangan naming pumunta bukas.

"Sa bahay nalang muna namin kayo matulog, doon nalang muna kayo sa kwarto ni Luna." Sabi ni Mommy at dahil no choice kami, doon na kami. Hindi naman sila papayag na magkahiwalay kami.

Sumama kami kanila Mommy sa sasakyan at nakarating rin sa bahay.


Pagkarating namin sa kwarto ko ay nilibot ni Zayden ang tingin niya sa paligid.

"Kwarto mo talaga 'to?" Tanong niya.

"Oo nga." Sagot ko.

"Parang kwarto sa isang kaharian eh, prinsesa ka ba?" Pang-aasar niya habang hinahawakan ang bedsheet.

Hinampas ko naman ang braso niya na tinawanan lang niya. Pang-asar eh.

"Pero bakit kaya tayo inatake nung kanina?" Higa ko sa kama. Humiga naman siya sa tabi ko.

"Alam mo kasi, Keroppi... marami akong kalaban. Lahat sila gagawin lahat para makita lang akong bumagsak. Kaya sorry ah? Pati ikaw nadadamay." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"Pero hangga't asawa kita, walang makakasakit sa'yo. Hindi ko sila hahayaang saktan ka. Magkamatayan muna kami bago nila madikit ang dulo ng daliri nila sa balat mo."

¤¤¤

Marrying Christian GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon