Chapter One

164 5 4
                                    

"Hoy, gumising ka na. Alis na tayo." Sabi ko kay Riri dahil kanina pa ako sa sala nila at hindi parin siya bumabangon upang puntahan ako, kaya't hindi na ako nag alinlangan pang puntahan siya sa kanyang silid. Nadatnan ko siya na nakatitig lamang sa kisame at pagkaraa'y tumingin sakin.

"Erin..." Kinabahan ako sa pagtawag niya saakin dahil seryoso ang mukha niya habang sinasabi ang pangalan ko.
"He broke up with me.."

"Let him leave! He's gay we knew it." Walang alinlangan kong sagot sakaniya.

"Inamin nya rin sakin yan, well, after I saw him kissing another guy, of course. Kaya okay lang. Anyway, san pala tayo pupunta?"

Kahit sinasabi niyang okay lang ay alam ko padin na nasasaktan sya sa nangyayari dahil dalawang taon ang relasyon nila ni Mark. I told her that he's gay because I saw him one time but she refused to see the truth. I sometimes wonder how a smart person can be stupid when love strikes.

"Resto. Napaka selfish nya para lokohin ka nang ganito katagal. You don't deserve this, Riri. Siguro ay nangyari lang ito dahil may dadating pang mas better. Mas deserving."

Hinagod ko ang likod niya upang ipabatid na narito lang ako sakanyang tabi upang damayan siya.

"I'm free, right? Erin." Ngumiti siya ng pilit. I hugged her because I know that this is what she needs right now.

***
Nang makarating kami sa resto, ay bigla nalang napunta saakin ang topic..

"Erin, napapansin ko lang. Lagi nalang ako yung nag ku-kwento ng lovelife. Bakit ba ayaw mo mag boyfriend?"

"Eh kasi nga, ayoko. Wala lang. Kita mo ikaw, wala naman napala sa pag bo-boyfriend." May pagka bitter na sabi ko.

"Hay! Wag mo ibalik sakin ang topic! You're 18 years old, pero ang lovelife mo? Zero."  Hindi ko na sya sinagot pa kaya nagpatuloy sya.

"Erin Young, simula ng maging magkaibigan tayo ako palang ang nagka lovelife. Aren't you tired of being single?"

"Riri, tumigil kana.." Seryoso kong sabi sakaniya. Uminom nalang ako ng paborito kong inumin mula sa resto na ito dahil wala na akong balak makinig sa mga sasabihin niya.

"Oh sige, Sa isang kondisyon." Nabigla ako sa sinabi niya kaya't tinignan ko siya na para bang nasisiraan na siya. Pero para matahimik na siya ay sasakyan ko nalang ang gusto niyang mangyari.

"Okay, ano yon?"

"Para sayo to kasi gusto kong magka lovelife kana sa lalong madaling panahon. Kaya dare tayo!" Excited na sabi niya.

"Fine." Pumayag na ako dahil alam ko naman na this is her way to forget about her ex. And who am I to turn her down?

"Great! Hmm, let's see." Umikot ang paningin niya sa resto. Maya maya pa ay kuminang ang mga mata nito sa nakita.

"Look, you see that guy?" Itinuro nya saakin ang nag iisang lalaki na nasa isang mesa di kalayuan saamin. Tinignan ko ito nang mabuti at hindi ako nagkamali the first time na nakita kong kumislap ang mga mata ni Riri. He's a catch. Maganda ang bulto ng katawan nito at matangkad. Hindi rin maikakaila na matangos ang mga ilong nito na bumabagay sa kanyang buong mukha. Ang gwapong mata nito ay nakatuon sa binabasa nitong libro at ang mga mata ko naman ay hindi ko na maialis sakanya. He's so handsome and he has an exceptional oozing sex appeal.

"Oo." Tumungo ang mga mata ko sakaniyang labi. Mapula ang mga ito at tila ba kaysarap halikan. God, why do I fantasize this man in the middle of the day! I don't even know him. He might even have a girlfriend for christ's sake.

"I think he needs some company." Nahimasmasan lang ako nang muling nag salita si Riri. Namula ako ng bahagya sa mga naiisip ko.

"Dapat maging boyfriend mo ang isang yan, Erin Young." Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Ni hindi ko nga alam kung titignan manlang ba ako ng lalaki.

"Wait." Aniya nang may biglang lumapit sa lalaki.

"Hi!" Hindi manlang nito pinansin ang pagbati sakaniya ng babae na lumapit sakaniya.

"Bakit ba kahit tingin ayaw mo magbigay? Ang tagal ko nang sinasabi sayo na gusto kita. But you didn't even give me a glance! Don't you think it's unfair?" Desperadong salita muli ng babae.

So he's a jerk after all.

"I can't even read a book here." Iritadong sagot ng lalaki. Ibinaling niya ang mga tingin sa binabasa nitong libro.

"I hate you Josh Ivan Scott! But atleast you looked at me! We have a progress between us." Maluha-luhang umalis ang babae sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa babae o ano.

"Uy, Erin, your turn. Goodluck sayo!" Tumayo si Riri at hinila ako papunta sa harap ng lalaki. Tinapik niya ang balikat ko at umalis. Pinandilatan ko siya ngunit ngumisi lang siya sakin. Wala na akong nagawa pa kundi tanggapin ang mga pangyayari.

"H-Hi. Ano 'yang binabasa mo?" Nahihiyang usal ko sakanya. Umangat ang mga tingin nya sakin at tila nagulat. Ngunit sandali lamang iyon at ibinalik narin nito ang mga mata sa binabasa nito. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa harapan niya dahil mas gwapo pala siya sa malapitan. Naaamoy ko rin ang bango niya na nakapanla-lambot ng tuhod. Nakaka intimidate itong lapitan dahil sa gwapong aura nito.

"I believe it's none of your business." Sarkatiskong sabi niya. Lalong nag init ang mga pisngi ko dahil sa sobrang hiya at pagka pahiya dito. Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang iyon at lalakasan ko na ang loob ko dahil nandito naman na ako itutuloy tuloy ko na. Siguro naman pagkatapos nito ay hindi ko na makikita ang lalaking ito. At hindi niya rin naman ako kilala. Better use this time to know him.
Inabot ko ang ID niya na nakita ko sa mga gamit niya sa lamesa.

"So you are Josh Ivan Scott, 19 years old and a student of Meester Academy." He must be rich. Meester Academy is a well-known school for wealthy people around the country. Which is also my school by the way, although I will not mark my family as "that" rich. Napansin kong iba ang itsura ng ID niya ngunit sa iisang eskuwelahan lang naman kami nag aaral kaya't kinuha ko sa pouch ko ang saakin para ikumpara.

"I know, and you don't need to say it one by one. You're not a hired killer or somethin', right?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Hindi sa pagmamayabang ngunit hindi rin naman mapagkakamalang mamamatay tao ang itsura ko. In fact marami ngang nagsasabing maganda ako. And to be mistaken as a criminal, that I can't take.
Kinuha ko ang baso na may lamang kung ano sa harapan niya at ibinuhos sakanya. Yes, I'm a nice person but it depends on how you treat me. If you treat me like shit then you won't expect me to play angel in your face.

"What the?! Who are you to--?! F*ck!" Gulat na gulat na usal niya. Napatayo siya bigla at doon ko nalaman na ang tangkad pala talaga niya. Medyo nag alinlangan ako na baka kung ano ang gawin nya sakin.

"That's for your boastful attitude." Tumalikod na ako kaagad at naglakad papunta kay Riri upang makatakas sa kung ano mang pwedeng mangyari.

"Oh, by the way, I tried to introduce myself earlier but it seems like you don't deserve it." Pahabol na sabi ko upang mag mukha akong hindi natatakot sakanya. Yes I kinda feel like I overreacted. What if he's just joking? There's no turning back now. The damage has been done.

Hinila ko na si Riri dahil tila na estatwa ito sa kinatatayuan nito.

"Erin! Sabi ko you have to get the guy!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"I know. I know. Huwag ka nang maingay just go with it!" Pabulong na sabi ko sakanya.

"Seriously? What about the dare? So you'll be single for the rest of your life?" Natatawang sabi nalamang ni Riri.

"Kung di lang talaga kita kaibigan naku!" Nasa sasakyan na kami ng bigla nyang hinigit ang braso ko.

"At Erin Young, Ano ito?"  Nakakalokong ngumiti sya. Kinuha niya sa kamay ko ang ID na hawak ko. Nagulat ako dahil hindi ko mukha ang nandoon. At lalong hindi ko pangalan. Naalala ko na baka napag palit ko iyon kanina noong ikinumpara ko ang ID ng lalaking iyon saakin kamamadali ko. Well that means-

"Yes, Erin. Magkikita pa kayo!" Just as I thought. Kung akala ko ay ligtas na ako dahil hindi naman ako kilala ng lalaki ay nagkamali ako. Naiisip ko palamang na magkikita kaming muli ay nanlalambot na ako.

I'm doomed!

Love TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon