Chapter Nineteen

25 1 0
                                    

Nandito na kami ng pamilya ko at si Donna sa airport.. Kailangan ko lang tatagan ang sarili ko dahil kanina pa sila iyak ng iyak..

"Ano ba, hindi pa ako patay, a." Natatawang sabi ko. Natawa naman sila sakin.

"Basta anak. Mag iingat ka doon ha?" Sabi ni mommy.

"Opo mi." Niyakap niya ako, I almost don't want to leave.

"Erin! Ma mimiss kita, sis! Wag kana kasi tumuloy! Bahala ka tatandang dalaga kana dun." Umiiyak na sabi ni Donna. Inakbayan naman sya ni Kuya Chace. Natawa ako..

"Oo na Donna. I have to do this. Wag nga kayong PDA" Sabi ko saka naman sila tumawa.. Wala si Trev dito dahil nagkasakit yung girlfriend.. Yeah, may girlfriend na sya yung college lover nya. Dito lang pala sa pinas nag aral yon akala ko naman di talaga marunong mag tagalog..

Palingon lingon ako sa bawat sulok ng airport.. Hinahanap ko sya. Simula kasi nung Wednesday na umalis siya ay hindi na sya nag pakita.. Unti-unting kinurot ang puso ko.

"Wag mo ng asahan yun, sis. Kung ako din ang nasa kalagayan nya hindi na kita sisiputin dito no! Alangan namang ihatid ka pa nun pagkatapos ng ginawa mo. Kung ako yon isusumpa na kita. Haha" Nalungkot naman ako sa sinabi ni Donna. Tama naman sya eh.. But this is just the first. Hindi pa nga ako nakakaalis nagkakaganito na ko..

"Uy, joke lang." Dagdag pa ni Donna..

"I know. Sige alis na ako, I'll be late." At tinalikuran ko na sila.. Naririnig ko ang mga paalam nila.. Saka palang tumulo ang luha ko. Napaka gaga ko kasi. I deserve this. I don't deserve to be happy. Sumulyap ako ulit, baka sakaling makita ko sya.. Pero katulad ng dati ay wala.

"Wala sya."

******

Pababa na ang eroplano.. Ngunit wala akong ginawa kundi ang umiyak buong byahe. Baliw na ba talaga ako? Kung kelan hindi na ako pwedeng bumalik saka naman gusto ko ng wag tumuloy.Nakakainis talaga. Napaka tanga ko talaga. I leave everyone behind.. Tama nga si Ivan wala nalang akong ginawa kundi ang tumakas.

Lumapag na ang eroplano at unti-unti nang nawawalan ng tao sa loob. Gusto kong ibalik ako ulit ng eroplanong ito sa Pilipinas.

Ng ako nalang ang natitirang tao ay wala na akong nagawa kundi ang kunin ang mga gamit ko. This very plane will be the last trace of my hometown. I'm gonna turn the page of my life when I get down. A new chapter in my life. A new beginning.

Nasa hagdanan na ako ng mapansin ko ang mga petals ng bulaklak sa ground.. Naka form ang mga ito ng

'LOVE YOU
ERIN YOUNG'

Wait. Is that my name? Ako ba talaga yon? Bigla naman may mga tao na may hawak na tarpaulin ang sumulpot, saying:

'CAN'T LIVE WITHOUT YOU, Mosh.'

"Oh my God! Ako nga iyon!" Napahawak ako sa bibig ko na nakaawang. Tila gustong kumawala ng puso ko sa sobrang pag kabog.

Napa talon ako ng biglang may camera na nag flash. I'm used to it, but still, I'm not used to it. Nakagat ko ang labi ko upang pigilan ang mga emosyon ko na nais kumawala. I searched for Ivan and I did not fail to see him. He's dashing, he's so gorgeous there's no need to search for him.

' Lean on lean on beside me

Set our set our minds free

Leave everything behind

Live life beyond expectation, expectation

Our destination is one step ahead

Temptation is out of my head

There's no one else but you

Nothing compares to you..

I can't help it. I cried then. Iyon ang kantang gusto kong kantahin kapag may mag po propose sakin. He really know me. Wait. Is this a proposal?!

"Oh my God!" Totoo ba ito? Am I dreaming? Ito na ba talaga? Halo halong emosyon ang rason ng aking luha. Napapa talon narin ako sa hindi ko malamang dahilan!

Relax and listen to this song
 I'm singing,

This is it..

' Are you ready?

Will you marry me?

I'm proposing seriously

It's been many years now

It's time to move on

Without doubt

No hesitation..'



Sobra na ito.. Hindi ko na kinakaya!

Biglang may inabot na bouquet of roses sakin ang flight attendant.. Wag mong sabihing kanina pa sa eroplano ito? Natatawa ako na ewan. Kaya pala hindi nagpakita si Ivan sakin. He's planning this and he surely doesn't want to lose me again.

"So..." Napa baling ako sa pinanggalingan ng boses. Napakagwapo! Lalo akong humagulgol.. All of this stuff? Riri's right, I keep pushing everyone away. Pero hindi papatinag doon si Ivan. How many times did I push him away? Pero nandito parin sya.

"Are you ready? Will you marry me?"

And that's it! Para akong sasabog! Through good times and bad, he's there for me, always.. I just love this guy! So much. How can I say no to this beautiful offer? There's no time being stupid.

"Of course!! I Do! I Will! YES!" Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Oh God! Finally!" Sinuot nya ang singsing sa daliri ko. Hindi nya nga masuot ng mabuti dahil nanginginig siya na ewan. Para bang gusto niyang lumundag sa sobrang kasiyahan, just like me.

"YEEEESSS!" Sigaw nya at nag palakpakan ang mga tao at lalong dumami ang flash ng camera!

And then he kissed me. Nag paubaya ako sa mga halik nya. Wala akong pakialam kung public man ito. Pero ang buong atensyon ko ay ang nakaka lasing nyang halik. Nakaka lunod.. Mahal na mahal ko sya. Sawakas nangyari din ito. Finally this is the end.. Us together. We're engaged!

"Finally I got you, Erin.. Let's end it here. I can't live without you again. You're my world. Just marry me.. I love you so much.." He said between our kiss.. Nagulat ako ng bigla nya akong binuhat..

"San tayo pupunta?" Ayoko pa sana syang tumigil. Sana hindi na ito matapos pa.. Pero ngumiti sya ng makahulugan.. Full of love and yet a playful smile.. Then he said:

"To our honeymoon, Sweetheart."

Love TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon