Nagising ako sanhi nang pagsakit ng ulo ko. Napansin ko na mayroong kumot na naka yapos saakin nang ito ay unti-unting nalaglag papunta saaking hita nang maupo ako bigla. Pinagmasdan ko ang aking paligid dahil hindi pamilyar sakin ang mga nakikita ko. Sigurado ako na hindi ito sa school dahil nakapunta na ako roon sa infirmary dati. At lalong hindi ito kila Riri dahil kabisado ko na akong nawat sulok at disenyo ng kanilang bahay.
Muli kong itinaas ang kumot upang balutin ang sarili ko bunsod nang lamig na dulot ng aircon sa silid. Napa dapo ang aking mga mata sa mesa sa gilid ng kama dahil mayroon doong papel. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasaad.Hey, pag nagising ka punta ka sa sala ng bahay.
-Ivan
Si Ivan? Kumunot ang noo ko nang mapuno nang katanungan ang isip ko. Bakit nga ba ako nandito? Tila hindi ko na maalala ang mga nangyari.
Tinignan ko sa ilalim ng kumot kung andoon at kumpleto pa ba ang mga damit ko at nakahinga ako nang maluwag nang kumpleto ang mga ito. Isa pang pala isipan ay kung nasaan nga ba ang sala ng bahay nila?
Dali dali akong bumangon upang masagot ang mga tanong ko. Nakuha ko pang mag ayos ng sarili dahil nakita ko ang bag ko sa sofa malapit sa kama. You'll never know. Mainam nang handa.
Naloka ako sa isiping iyon at dahil doon ay lumabas na nga ako ng silid.
Kita ko kaagad ang pool sa ibaba ng bahay dahil ang pinto ng kwartong pinanggalingan ko ay katabi ng dingding na salamin mula sa second floor.
Hindi maikakaila ang karangyaan nang pamilya ni Ivan. Napapaisip nalang tuloy ako kung ano pa ba ang wala kay Ivan. He really seems to have it all.Napawi ang isip ko doon nang biglang kumulo ang aking tiyan. Bumaba na ako at nakita ko naman agad ang sala ng bahay.
Sa isa sa mga sofa ay nakahiga si Ivan. Again, he's reading a book. Is it really possible for a man to have it all?
Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumitig sakanya. He's so peaceful to look at I just want to look at him for a long time. The atmosphere is so peaceful. I'm slowly feeling at home in this house."Gising kana pala." Namula ang mga pisngi ko nang mahuli niya akong nakatitig sakanya. Tumango lang ako bilang pag sang ayon.
"Are you alright?" Nag aalalang tanong niya.
"I'm fine." Maikling sagot ko.
"Dinner na tayo?" Namula ang aking pisngi sa isipin na hinintay niya pa talaga akong magising upang saluhan siya sa hapunan. Hindi ako sanay sa ganitong kilos ni Ivan. He's rough most of the time. And this is the other side of him I wouldn't want to miss.
Nilagyan niya ako ng pagkain sa plato. Pilit man akong tumanggi ay wala parin akong nagawa. Ang sabi lamang niya ay kailangan kong magpahinga at huwag kumilos nang kumilos.
"Sino kasama mo dito sa bahay?"
"Sila Manang. Nasa business trip parents ko." Is he always alone? Hindi ko na itinanong pa at ayoko namang sabihin niya na nanghihimasok ako sa buhay niya.
"Why am I here?" Tanong ko sakaniya ngunit nag lihis lang siya ng tingin. Hindi sinasadyang napansin ko ang munting sugat sa gilid ng kaniyang kilay.
"Napano ka?" Sunod na tanong ko.
"Pwede ba kumain ka nalang?" Masungit na sagot niya. Hindi naman na ako nangulit pa at kumain nalang.
Pag tapos namin kumain ay napatingin ako sa labas dahil biglang bumuhos ang ulan.
"Paano akong makakauwi nyan." Mahinang usal ko. Gabi na at wala naman akong masasakyan dito. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako kay Ivan. At lalong hindi naman ako pwedeng magpasundo kay Kuya Chace dahil ano nalang ang iisipin nito kapag nalaman na nasa bahay ako ng lalaki.
"Stay here." Diretso ang tingin na sabi saakin ni Ivan. "Don't worry. I won't do anything bad." Dagdag pa niya.
"Magpapatila nalang muna ako ng ulan." Wala naman na akong choice kundi ang magpatila ng ulan dahil hindi rin naman ako makakauwi sa ganitong panahon. Sana lang ay tumila kaagad ang ulan.
Nakaramdam na rin ako ng pagod dahil sa maghapon kong ginawa. Buti nalang at sabado na bukas kaya hindi ko kailangan magmadali.Umupo kami ni Ivan sa sofa kung saan siya nakahiga kanina. Nasa magkabilang dulo kami niyon. Napa singhap ako nang biglang kumidlat at kumulog nang malakas. Kitang kita iyon dahil salamin ang dingding ng bahay nila Ivan.
Napatayo ako at nataranta nang may sumunod nanamang nakagigimbal na ugong na sanhi ng kulog. Ito pa naman ang kinatatakot ko dahil nung bata ako ay may nakita akong isang lalaki na tinamaan ng kidlat habang nasa bahay bakasyunan kami ng aking lola. Muli nanaman iyong namutawi sa aking isipan.
Walang sabi sabi ay nag tungo ako sa silid kung saan ako nag mula kanina. Bawat pag kulog at pag kidlat ay siya namang pag kabog nang malakas nang aking dibdib. Hinarangan ko ng kurtina ang pintuan papunta sa veranda ng kuwarto at naupo ako sa gilid ng kama pagkatapos.
Maya maya ay nawalan ng power ang bahay at sobrang dilim ng silid. Lalong namutawi ang takot saakin nang tanging kidlat lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Hindi ko na namalayan na pumasok na pala sa silid si Ivan at tinabihan ako.
"It's alright, sweetheart. Sit here." Sabi nya na pilit akong pinakakalma.
"T-thank y-you, I-Ivan."
"Shh, calm down now. I'm right here." Nang yakapin niya ako ay tila ba natoon doon ang lahat ng atensyon ko. Amoy na moy ko din ang mabangong katawan ni Ivan na tila lalo akong pina kalma. Nagulat ako sa sarili ko dahil doon. Just a hug and I'm alright? It can't be.
Right now, his arms are the only safe place for me.can't blame you
for thinking that you never really knew me at all
i tried to deny you
but nothing ever made me feel so wrong
i thought i was protecting you
from everything that i go through
but i know that we got lost along the way
Nagulat ako ng kumanta siya. Tila siya anghel na pinatutulog ako sa kaniyang pagkanta. Inihiga niya ako ngunit hindi siya bumitiw ng yakap saakin. Hinahagod hagod niya ang aking buhok na lalong nagpaantok saakin. I'm really tired and I feel so comfortable in his arms.
here i am with all my heart
i hope you understand
i know i let you down
but i'm never gonna make that mistake again
you brought me closer to who i really am
come take my hand
i want the world to see
what you mean to me...
BINABASA MO ANG
Love Trap
RomancePaano kapag nalaman mo na ang lahat pala ng nangyayari sa paligid mo ay planado? Lalo na at malapit kana sa taong nag plano nito? Paano kapag nalaman mo na isang trap lang ang lahat? Ano ang gagawin mo? Lalo na kung nahuhulog ka na sa trap naiyo...