"Erin, sasali kaba sa Academy's ball?" Tanong sakin ni Riri.
"Wala akong balak, wala naman kasi akong partner. Anong gagawin ko dun." Pagka sabi ko niyon ay nag iba ang mood nya.
"Eh? Last year na natin dito, so we need to enjoy every single day here! Nights included!" Natawa naman ako sa sinabi nya, tutal, tama nga naman sya. Pag graduate namin ay hindi na namin ma gagawa ang mga bagay na katulad ng pagpunta sa ball.
"Fine. Kelan ba yon?"
"Next week! And we need to search for our beautiful gown!" Pagkasabi nya non ay
nag punta kami sa mall para humanap ng perfect gown. And the day goes fast.----------
"Hoy, Erin." Alam ko na kung sino ang tumawag sakin. Ang yabang talaga!
"Oh, bakit?"
"Dalhin mo ito sa room ko." Inabot nya sakin ang isang bouquet of White roses. Kanino kaya nya ibibigay ang mga to? HUY! Erin! Wag mo ipakita na nag seselos ka! Nang tinignan ko sya, nakangiti sya ng bahagya at sinabi,
"Wag mong tatangkain basahin yung letter jan! Kundi, patay ka sakin!" Umalis na sya pagka sabi non. Maraming naka tingin sakin dahil nasa hallway ako. Tumitirik pa ang mata ng iba pag tumitingin din ako sa kanila. nakatingin ang lahat sa hawak kong pumpon ng bulaklak. Wag kayong assuming! Akala ko din sakin eh
"Pare-parehas lang tayong assuming." Mahinang sabi ko.Pumunta ko sa soccerfield na dala parin ang bulaklak. Inaamin ko na nag se selos ako sa pag bibigyan nya nito, napaka swerte ng girl kung nagkataon. Buti pa sya makakatanggap na nito. At kay Ivan pa galing. Siguro ay iimbitahan sya ni Ivan sa Ball. She must be very lucky, I never received gift from a guy before. Well, except for my brother. Kanina ko pa tinitiis na wag basahin ang letter pero hindi ko na talaga matiis.....
Hoy, Erin!
Sabi ko sayo wag mong basahin ang letter. Pero dahil alam kong makulit ka at babasahin mo ito.
May gusto ako sabihin sayo, pero hindi pa ko sigurado.
Nagsimula ito ng makita kita sa resto. Iba ang naramdaman ko ng mga sandaling yon. Hindi ko alam na lalapit ka sakin, so I take my chances.
Lalo pang lumakas ang nakakairitang pakiramdam kong ito simula ng natulog ka sa bahay ko.
Hindi ko alam kung pano, naguguluhan din ako sa sarili ko. Gusto ko, lagi kitang kasama, kahit madalas tayo mag-away, masaya ko pag kasama ka. And I like to see your smile. Pag napapangiti kita sa mga sinasabi ko, sumasaya ako dahil sawakas napangiti din kita at hindi ka naiinis sakin. Hindi ako madalas ngumingiti pero natututo ako dahil sayo. Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil hindi pa ko sigurado nung una, hindi pa rin naman ako sigurado ngayon pero gusto kong malaman mo..
Erin Young, mahal kita. yata.
- Josh Ivan Scott
P.S mahal kita! yata lang ahh?!
"Ha?" Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko! Bakit? naguguluhan ako! Kaya pala weird sya minsan. Pero bakit nya sinulat? Nato-torpe ba sya?
"O-oy, Erin." Nagulat ako dahil biglang may nag salita. Si Ivan! Sitting right here beside me!
"A-ano to?" Nabubulol na ko shocks!
"All I've written there is true, Erin." Nanlalaki ang mata ko sakanya! Shocks! Hindi ko na alam ang iisipin ko! Si Ivan?! The number one cutie and the hottest guy in the Meester Academy, telling me he likes me? Just. How? Why?
BINABASA MO ANG
Love Trap
RomancePaano kapag nalaman mo na ang lahat pala ng nangyayari sa paligid mo ay planado? Lalo na at malapit kana sa taong nag plano nito? Paano kapag nalaman mo na isang trap lang ang lahat? Ano ang gagawin mo? Lalo na kung nahuhulog ka na sa trap naiyo...