Erin Young's point of view
"Bakit kasi brinake mo kung mahal mo pa?" Sabi ko kay Riri.
Brinake nya si Ken ng walang dahilan. This time, naka tulala lang sya pero makikita mo sa mukha nya ang sakit na nararamdaman nya.. Hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako....
"Wag mong ibabasura ang isang taong pinahahalagahan ka ng sobra dahil may mga basurerong nabubuhay sa mga tinatapon ng iba. C'mon Riri, you can't live without Love , Sis."
Lumakas ang loob ko sa pagsasabi kg mga ganitong bagay. In love eh..
"People say you can't live without love. But in my case, I think oxygen is more important." Pilit syang ngumiti. Bakit ba biglang nagbago ang pananaw ni Riri sa love..
"Nakuu! Wag kang nag se-senti jan a! Dati, ikaw ang nag a-advice sakin. Alalahanin mo lang ang mga in-advice mo sa akin and try to do it, yourself." Dugtong ko pa.
"Thank you, Erin, and I'm.... I'm sorry,"
"Bakit nag so- sorry ka? Para saan?"
"Basta. in-advance ko lang. Pag dating ng oras."
"Hmp. Bahala ka nga!" Sumuko na ako na alamin ang sinasabi nya. Para talaga kasing naka drugs sya minsan.
"Punta ka sa favorite spot natin sa Resto next week. May sasabihin ako...... kami." Malungkot na sabi nya.
Napaisip naman ako dun. Sasabihin na nya kaya ang dahilan ng pag be-break nila ni Ken? O, kung bakit kaya ang weird nya minsan (katulad ngayon)
At isa pa! Bakit 'Kami' ?
"Bakit hindi pa ngayon?" Nakakunot noong tanong ko sakanya.
"Don't you think it's the perfect date? 10th monthsary nyo ni Ivan,"
***
Riri Montecer's point of view
Late na ako makakauwi ngayon dahil marami akong tinapos sa school. Naglalakad ako sa hallway ng mabitawan ko ang mga libro ko dahil sa hilo. Pa bagsak na ako, ngunit may naka salo sakin....
"Hey, are you alright?" Tanong ni Ken.
"A-ah y-yeah, I can manage." Sabi ko at sinubukang makawala sa pag kakahawak nya. Kinuha naman nya ang mga nalaglag kong libro ng hindi parin ako binibitawan.
"Hatid na kita, Hon."
Kahit ganoon ko sya ipagtabuyan ay parang hindi parin sya nagagalit sakin. At naaawa ako dahil hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay nya, kaya mabuti pa ay lumayo nalang ako sakanya dahil ayokong maging unfair...
"Hindi na kailangan, Ho- ,I mean Ken. At pwede ba, wag mo na akong guluhin. Wag mo na akong lapitan. Diba sabi ko naman sayo, kalimutan mo na ako! Isipin mo, Wala nang Riri Montecer na dumating sa buhay mo! Na hindi ako totoo!" Huminto ako at nagpatuloy din...
"Ken, pwede bang kalimutan mo na ako? Na para bang hindi tayo magkakilala.. Ayoko lang ipag patuloy pa .. Alam naman natin na hindi rin to mag wo-work. Ayoko lang na parehas tayong masaktan pag nagtagal pa ito.. Sa 10 months na pinagsamahan natin, Kalimutan mo nalang.... please? Ken..."
Nakatitig lang sya sakin at nangungusap ang mga mata. Bakas sa mukha nya ang matinding sakit na nararamdaman nya. Alam kong mahal na mahal nya ako, kaya pinapalaya ko na sya para hindi na masaktan pa. Bakit? Hindi lang naman sya ang nahihirapan. Ang puso ko, tutol na tutol sa mga pinagsasa sabi ko. Alam kong ang tanga ko para pakawalan sya. Pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko, marahil ganto rin ang gagawin nyo..
BINABASA MO ANG
Love Trap
RomancePaano kapag nalaman mo na ang lahat pala ng nangyayari sa paligid mo ay planado? Lalo na at malapit kana sa taong nag plano nito? Paano kapag nalaman mo na isang trap lang ang lahat? Ano ang gagawin mo? Lalo na kung nahuhulog ka na sa trap naiyo...