Nasa school na ako at konti palang ang tao. Nakadukdok ako ngayon sa library habang iniisip ang mga maaari kong gawin kay Riri dahil siya ang may pakana nang pag bago ng oras sa aking cellphone. Natutulog pa nga si Kuya Chace noong umalis ako sa bahay, sa lahat pa naman ng taong kilala ko ay iyon ang tipo na laging early sa kanyang mga appointments. Ngayon tuloy ay ako ang pinaka maaga at inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog kaiisip nang mga nangyari noong nakaraan sa resto.
"Hi!" Nagulat ako nang may nag salita sa gilid ko. Nag angat ako ng tingin upang tignan kung sino iyon.
"Uh, hi." Pag uulit nito. Hindi nga ako nagkakamali na ako ang kinakausap niya. Cute din ang lalaking ito. He might be popular around here. Chinito ito, gwapo, maputi at matangkad.
"Hello. Do I know you?" Tanong ko sakaniya.
"I don't think so, but let me introduce myself. Ako si Kenneth Ty. Ken for short." Sa apelyido palamang nito ay hindi ako nagkamali kung bakit ito chinito.
"Erin Young. Do you need something?" Hindi nawawala ang ngiti nito na pinaki-kita ang mga mapuputing ngipin at ang dalawang dimples sa magkabilang gilid ng mga labi.
"Wala naman. I just wanna be friends. You looked kinda pissed a moment ago. You alright?" Tumango ako sakaniya. Still, I don't know what his deal is. Tumayo na ako upang umalis dahil na iilang ako. Hindi kasi ako sanay na makipag usap nalang basta basta sa hindi ko kilala.
"Where are you going?" Nabahiran ng lungkot ang gwapong mukha nito.
"Sa DQ. Wanna tag along?" Inimbita ko nalang siya dahil mukhang kailangang kailangan niya nang kausap. Tutal ay maaga pa naman at matagal pa naman ang oras bago ang klase ko.
"Sure! I love their ice creams! Pangpa wala ng stress." Excited na sabi niya. Ngayon ay hindi na ako sigurado kung malungkot ba siya o hindi. Kanina lang ay parang iiyak na siya ngunit ngayong dahil sa ice cream ay parang bata ito sa saya. He's kinda cute actually.
Pagkatapos naming bumili ay naupo kami sa bench na naroon. Tahimik lamang kami ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay nag kuwento na ito.
"I was there. Nakita ko sya. Matagal nang may nagsasabi sakin na nakikita nila si Alex na may kasamang iba, pero hindi ko pinaniwalaan. Then, kanina pumunta ako sa sinasabi nila, to know if it's true. Mostly to shut them up because I know my girl. But she was there. Kissing someone else."
This scene seems familiar. Pareho sila ng pinag dadaanan ni Riri sa ngayon. I know now kung bakit siya malungkot kanina. And he's hiding it behind his bitter sweet smile.
"You love her right? But what made you think na pumunta dito kanina? Nag dududa ka na sakaniya?"
"Oo I loved her pero nawala rin iyon. She was slowly making me regret to love her. Iba pala siya sa akala kong siya. She's different. But I accepted her still. Hoping that I can help her improve. Pero nakita ko nga sya kanina. It's so wrong, all of this. I feel so stupid for believing in her. For believing she'll change."
"Oh," Hindi ko alam ang sasabihin ko sakaniya. Naaawa ako dahil sa nangyari sakanya. He's not stupid. He just chose to believe in her. Well, you can't change someone unless they're willing to.
"Hey, bakit maaga ka sa library?" Pag iiba niya nang usapan. Naiintindihan ko siya. Maaaring ayaw na niyang pag usapan pa iyon upang hindi na siya masaktan muli. At least nailabas niya iyon. Siguro ay tama na iyon para sakaniya at hindi na niya gustong pag-usapan pang muli.
"I just got pranked by my friend. Binago niya ang oras sa cellphone ko." Natawa siya doon. At sa unang pagkakataon, natawa narin ako sa ginawang iyon ni Riri. Maybe talking to a stranger is not that bad after all. Lalo na kung matutulungan mo siya sa pamamagitan nang pagkausap sakaniya. I feel at ease talking to him.
BINABASA MO ANG
Love Trap
RomancePaano kapag nalaman mo na ang lahat pala ng nangyayari sa paligid mo ay planado? Lalo na at malapit kana sa taong nag plano nito? Paano kapag nalaman mo na isang trap lang ang lahat? Ano ang gagawin mo? Lalo na kung nahuhulog ka na sa trap naiyo...