Erin Young's point of view
"Erin, bilisan mo!" Bulong ni Riri. Nandito kami ngayon sa likod ng mga halaman kung saan natatanaw ang isang restaurant. Nag i-stalk kami. Ini-stalk namin ang ex nya na si Mark-ang umamin daw sakanya na beki ito. Ewan ko ba dito kay Riri, may boyfriend na nga't lahat. haaay, oo boyfriend na nya si Ken.
"Bakit ba kasi kailangan pa natin maging stalker, kung pwede naman tayo pumunta doon at sabihin nating coincidence lang ang lahat!" Naiintriga rin kasi ako talaga at isa pa, mainit sa pwesto namin.
"Malay mo umiba sila ng lugar, right? Saka gusto ko lang malaman kung sino ang boyfriend nitong si Mark. Curious lang ako, I don't want to make things complicated." Boyfriend daw?
"Pano mo naman nalaman na nandito sila?"
"I know everything. Even their deepest secrets? Hindi makakaligtas sakin." Kinindatan nya ako pagkatapos nya iyong sabihin. Iba talaga itong si Riri, madaming asset kaya madaming alam.
Uminom muna ako ng shake habang sya ay naka yuko parin na parang baliw na kina-career ang pag i-stalk. Kung minsan talaga ay parang naka drugs si Riri.
"Erin! Erin! Andito na sila! At ayun yung jowa n--" Hindi na naituloy ni Riri ang sasabihin nya. Nanlaki bigla ang mga mata nya. Naintriga tuloy ako. Bakit ba kasi ganun nalang ka o.a ang ekspresyon ng mukha nya?
Tinignan ko si Mark gamit ang telescope ni Riri, tawa uto ng tawa sa kausap nito. Huh, he really revealed his true self. He seems gay. As I turned to see who's the guy he's dating,,
Teka, anong ginagawa ni Ivan dito? At kasama nya pa si Mark! Tawang-tawa si Ivan sa pakikipag-usap niya kay Mark. Sinubuan nya ng pagkain si Mark at nagtawanan ulit sila! Pinunasan pa nga ni Ivan si Mark sa gilid ng labi nito dahil siguro may dumi na naiwan doon.
Hindi ko na kinaya ang nakikita ko at tumalikod na ako. Umalis ako sa pinag tataguan namin.
Si Mark? At- at si Ivan?! Ang sinasabi ni Riri na boyfriend ngayon ni Mark ay si Ivan?! Anong nangyari? Akala ko ba ako lang? Pinapa-asa nya lang ba ako all this time? Pinag lalaruan lang ako ni Ivan nayon! Dahil may galit parin sya sakin sa ginawa ko sa kanya noon sa resto! Ang tanga-tanga ko dahil naniwala ako sakanya! He's the greatest liar ever! Ang galing nya umarte! Napaniwala nya akong totoo ang nararamdaman nya! WAAAA! ayoko na mag-isip pa! ayoko na...
Sa kakatakbo ko, hindi ko namalayan ang isang malaking bato at natisod ako. Ang lampa lampa ko talaga kahit kelan!
"Erin?" Si Ivan?!
"Bakit kailangan mo saking gawin to? Kung galit ka sakin, hindi mo na sana ako pinaasa. Sabagay, tanga kase ako! Kasi naniwala ako sayo! Ang galing galing mo umarte! Pero bakit ikaaw pa? Bakit ikaw pa hah?!"
Madiing sabi ko sakanya habang pinipigil ko ang mga luha sa mata ko. Tumakbo na ulit ako dahil ayoko na syang makita pa!
"Erin, I'm sorry.."
Just like that? 'Sorry'? He didn't even denied it!
BINABASA MO ANG
Love Trap
RomancePaano kapag nalaman mo na ang lahat pala ng nangyayari sa paligid mo ay planado? Lalo na at malapit kana sa taong nag plano nito? Paano kapag nalaman mo na isang trap lang ang lahat? Ano ang gagawin mo? Lalo na kung nahuhulog ka na sa trap naiyo...