Chapter Thirteen

33 1 0
                                    

Almost three years na ang lumipas nung umalis ako ng bansa. Bumalik ako ngayon dahil may family reunion kami. Kasama ko ang parents ko at nagpapahinga kami dahil sa jetlag. Mamayang gabi na kasi ang reunion, sa bahay ni Tita Anna..

Nagulat ako dahil may biglang nag text... si Donna.

"Hi there Erin, nakauwi kana ba?"

"Gusto na kita makita! Nakita kita sa cover ng Gainsbourg magazine. Ganda mo ah!"

"So boring! Let's go shopping?"

Sunud-sunod na text nya. Na stress naman ako sapinag sasabi nya. Masakit pa ang ulo ko at gustong gusto ko munang magpahinga. Lalo na at lagi akong puyat sa mga pictorial.

Isa na akong model ngayon sa isang sikat na modeling agency sa buong asia. It is called "The Faces in Asia" bibihira lang ang nakakapasok doon dahil istrikto sa pagpili ang mga staff. And I'm lucky my portfolio impressed them. May maganda talagang naidudulot ang pagkakaroon ng magandang mukha dahil nagka gusto saakin ang isang staff noong nag screening. Pasok agad ako at kinabukasan ay isinabak ako sa runway kungsaan maraming nakapansin saakin and then my luck went on. That's why fame is all over me right now. In case you're wondering, hindi ko naman in-entertain ang lalaking iyon. He just wants to help. And I needed that help of him.

***

Sa party, masaya ako at lahat pala ng kamag-anak namin ay friendly. Nakita ko si Tita Anna, sya ang may pakana ng party naito. Pagka tapos ay nakita ko naman ang kamag-anak ko na parang medjo pamilyar sakin?

"Erin!" Sabi nya at tumango lang ako.

"Ang ganda mo talaga. Hindi mo na ako naaalala?"

"Ah, sorry?"

"Nandun din ako dati sa party ni Donna. Kamusta na kayo ni Ivan? Your super hot boy. Getting strong?" Nakangiting sabi nya.

"Ah, can I excuse myself for a minute? I'm really hungry. Haven't got a chance to eat earlier." Sabi ko nalang at umalis ako sa harap nya. Ayoko na maungkat ang nakaraan. Getting strong? No we're not. Not ever. Pumunta nalang ako sa isa sa mga table doon at kumain.

"Hija, buti naisama mo si Ivan!" Narinig kong sabi ni Tita Anna.

"Opo, Ma. Kasi 'tong si Ivan, inaya pa ako sa kanila kaya kami na late. Hihi."

ahh, siguro kapangalan lang.

'"Hi Tita!"

"Minchie, ito nga pala si Josh Ivan Scott, nobyo ng anak ko."

"Oh my gosh, Ivan? You mean, the owner of Scott Corporation Ivan?" Gulat na gulat na nausal ni Tita Minchie

"Exactly! He's the man."

Tama ba ang narinig ko? Si Ivan nga ba yon? He's successful then. But, what really caught my attention is, girlfriend nya ang relative ko?!

"Impressive. At such a young age, I guess you already achieved all your goals in life."

"Almost." Maikling sagot nito.

"Of course dahil hindi pa kami nag papakasal." Tumatawang sabi ng girl. Hindi ko sila makita dahil nakatalikod ako sakanila.

"Kailan nga pala kayo nagka kilala?"

"Two years ago po nagkakilala po kami sa Meester Academy." Sabi pa ni Ivan. Edi ganon pala. Totoo nga. Kasi kung minahal nya ako noon hindi sya papansin ng ibang babae. I thought I know him. And again, I'm wrong.

"Erin, anak! Halika dito at gusto ka makilala ng mga pinsan mo!" Nanlaki ang mata ko sa narinig na pagsigaw ni Mama. Obvious na napatingin saakin ang iba. Alam ko narin na narinig iyon nila Ivan. Shit! Dali-dali akong pumunta sa puwesto nila Mama at hindi na alintana ang tinging ipinukol saakin ng grupo.

Love TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon