"Erin, ano balita?"
Nakangiting tanong ni Riri, hindi man lang nya tinanong kung san ako natulog? Pero ok lang pala, para hindi na nya ko kulitin.
"Ok lang, anong balita ba gusto mo malaman?"
"Psh. Wag ka nga mag maang-maangan jan! Di ba nga dun ka natulog sa bahay ng no.1 hottest campus cutie na si Josh Ivan Scott! Kwento na dali!"
Paano nya nalaman? Gosh! Kung alam nya sino pa nakakaalam?
"Pano mo nalaman?"
"Haay, Kasi nga, diba kahapon, nung bumalik ka sa room, pinauna mo na kami ni Ken sa soccer field! Tapos tinamaan ka ng bola, tas natumba ka. Tapos edi binugbog ni Ivan yung nakatama ng bola sayo! Tapos sarado na ang clinic kaya sa bahay ka nalang nya dinala!"
Ano?! Inaway pa ni Ivan yung naka tama sakin ng bola?! Kaya pala may sugat sya sa bandang gilid ng mata!? Oh my? Why did he do that?!
"Uy! natulala ka na jan?"
Biglang tumunog yung cellphone ko at hindi naka register ang number ng tumatawag.
"Ako to!" sabi kaagad ni Ivan, kumunot ang noo ko dahil sa kasungitan niya. Bumalik nanaman ang kasungitan nya!
"Kailangan ko ng tiga bit-bit mamaya. Kaya pumunta ka sa National Book Store at exactly 4pm. Do not be late, okay? I don't like to wait anyone."
Pinatay niya kaagad ang tawag pagkasabi niya niyon. Umiral nanaman ang pagka spoiled brat niya! May lakad pa kami mamaya ni Riri! A-attend kami sa cosplay at manonood pa kami ng consert ni Katy Perry mamayang 8pm.
"Who's that, Erin?"
"Si Ivan! Inuutusan nanaman nya ko."
Natawa si Riri sa sinabi ko. Naintindihan niya naman at wag na daw ako um-attend ng cosplay. Kung aabot daw ako sa consert dun na lang daw. Hindi ko papalagpasin ang consert ni Katy Perry, haller!
Sa paglipas ng oras ay nag 4pm na at pumunta na ko sa national book store. Wala pa sya, kaya nag-ikut-ikot muna ako at nagbasa ng libro.
"Girl! Tignan mo, ang gwapo nya!" Narinig kong bulong ng isang babae sa gilid ko.
"Oo nga. Ang hot nya, ah!" Bulong na tugon naman ng kasama nito. Napatingin ako sa pinagbubulungan nila dahil na curious ako at gusto ko rin maka silay ng gwapo. LoL tsismosa lang?
"Hey, bakit ang bagal mo? Come over here." Paglingon ko ay iyon kaagad ang narinig ko. Okay sige, sya na nga ang hot at gwapo. Am I lucky? I guess not.
Narinig ko ang bulung bulungan ng mga tao. Kung lingunin din si Ivan ay para itong celebrity. He is the number one hottest cutie ng Meester Academy kung saan nandoon ang mga wealthy and gorgeous people.
Pero kung anu-ano ang naririnig ko tungkol sakin. Na hindi daw kami bagay, ang plain ko daw samantalang si Ivan, nasa kanya na ang lahat. Porque hindi ako naka makeup ay plain na agad? Haayyy.. Bakit ganon ang mga tao? Pag gwapo ang lalaki hinahangaan, pag naman maganda ang babae sinisiraan? Haayy, okay ganoon na nga talaga ngayon. Masyadong judgemental ang mga tao. Ibinaling ko nalang sa iba ang pag-iisip ko. I should seriously take a make over. I should seriously be conscious about what I look. I'm goddamn 18!
"What are you thinking?" Napatingin pa ako kay Ivan na nagsalita. By the way, why would I do that? Is it for him, so I could fit?
"Wala." Maikling sagot ko sakaniya. Nag iwas nalang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay nababasa niya ang lahat ng iniisip ko. Kinuha ko ang libro ni James Patterson na Kiss the girls sa harap ko. I have this one. Which is really good.
BINABASA MO ANG
Love Trap
RomancePaano kapag nalaman mo na ang lahat pala ng nangyayari sa paligid mo ay planado? Lalo na at malapit kana sa taong nag plano nito? Paano kapag nalaman mo na isang trap lang ang lahat? Ano ang gagawin mo? Lalo na kung nahuhulog ka na sa trap naiyo...