Chapter Eleven

30 1 0
                                    

Riri Montecer's point of view

Habang tumatagal ang pagsasama ni Erin at Ivan ay lalo ring lumalaki ang kasalanan ko sa bestfriend ko. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito, kaya gumagawa na ako ng paraan para magkahiwalay si Erin at Ivan. Naaalala ko pa ang lahat ng maging kami ni Ivan. Hindi nya ipinapakita na mahal nya ako, pero sinasabi nya na gusto nya ako. Hindi ko alam kung seryoso na ba sya ngayon. Pero malabo yata magseryoso ang isang katulad nya dahil para sakanya laruan lang ang mga babae.

Alam kong unti-unti nang nahuhulog si Erin kay Ivan. At na gi-guilty ako dahil sa kagustuhan kong magka love life na si Erin ay isinangkot ko pa si Ivan. basta. Gagawa ako ng paraan para maialis si Erin sa bitag ni Ivan...

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah."   

Lumingon ako at nakita ang naka ngiting mukha ni Ken. Napangiti narin ako..

"Hi Hon, I'm just, thinking something. Oh, wag mo nalang ako intindihin." Sabi ko sakanya.

"Thinking about Erin and Ivan's thing again?" Malambing na sabi nya at niyakap ako mula sa likod.

"Oo, na gi-guilty kasi ako."

"Alam mo Hon, wag mo nang isipin yon. Masaya naman na silang dalawa, right? At mahal naman ni Ivan si Erin. Thanks to you."

"Pano mo naman nasabi na mahal nga ni Ivan si Erin? Magaling lang talaga um-acting yung si Ivan." Duda talaga kasi ako kay Ivan.



"Well, everyone who knows Ivan can tell. Dati, yung si Ivan, hindi ngumingiti at hindi namamansin ng mga tao sa paligid nya. But now? Haha He's changed. So different from the old one. Pasalamat nalang at dumating si Erin sa kanya. And you can see if someone's really inlove by the looks in their eyes. The happiness love gives you, unexplainable."           Pagpapaliwanag ni Ken.

"Don't be guilty, honey. You did the right thing to do," Malambing na sabi nya sakin. Na realize ko naman ang mga sinabi ni Ken. Mabuti pa nga at wag ko na pakielaman sila Erin at Ivan. I am very thankfull na nakilala ko si Ken. And it is because of Erin.  How funny we are. Aren't we? At si Ken?

Wala na.

Wala na akong hihilingin kundi si Kenneth Reid nalang. Ang Hon ko. Habang buhay..

"Thank you Hon. I wish na always tayo magkasama. But you know I can't. Kahit gustong-gusto ko." Naiyak na ako dahil sa nasabi ko. Humarap ako sakanya at pinunasan nya ang mga luha ko. Nararamdaman ko din ang sakit na nararamdaman nya...

"I'm just right here, Hon. Always."

***

Erin Young's point of view

Nakaupo ako ngayon sa buhanginan malapit sa dagat. Payapa lang ang lahat dito at napakaganda talaga pagmasdan ng mga agos sa dagat. Andito ako ngayon para makita ang sunset.


"Bakit mag-isa ka dito?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Ivan at naupo na sa tabi ko.



"Gusto ko panuorin ang sunset. ikaw?" Tanong ko sakanya.

"Gusto kong manuod ng sunset kasama ka." Mahinahon lang ang pag-uusap namin ngayon. Kasabay ng mahinahong daloy ng mga alon sa dagat. 

May kinuha sya mula sa bulsa nya..

"Here." Inabot nya sakin yung cellphone accesory na gawa sa shell.

"Alam kong none sense yan pero gusto ko lagi mo akong maalala pag nakita mo yan."

Hindi sya nakatingin sakin pero alam kong nahihiya na sya sa mga pinagsasabi nya. Ang cute nya talaga. Kasing cute nya yung ibinigay nya sakin na accesory na may palawit na shell, isang malaki at isang maliit at hindi sila mapaghiwalay. napangiti ako dahil halata na sya ang gumawa nito.

"Thank you, Ivan." Nakangiting sabi ko at umasog pa ako palapit sakanya at inihilig ang ulo sa dibdib nya habang naka akbay naman sya sakin. Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Bakit sobrang romantic pag si Ivan ang kasama ko...

Yeah, it is because we love each other more than lovers can do...

Love TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon