Chapter Sixteen

38 1 0
                                    

[ A/N: please try nyong basahin habang nag p-play ng malungkot na kanta. Thanks! :) ]

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak dahil sa nakikita kong kalagayan ni Riri. Ang sabi ni Ivan, nung umalis daw dati ako sa resto sumikip ang dibdib at nahirapang huminga si Riri kaya dinala nya sa hospital. Sabi ng doktor ni Riri ay matagal na daw alam ni Riri na may sakit syang cancer at hindi na malulunasan pa..

"Riri, nandito si Erin." Sabi ni Ivan. Tumingin sakin si Riri at halatang nagulat sya. Sabi ng doktor ay hindi na nakakapag salita si Riri. Kung maaari nga daw ay wag kaming iiyak sa harap nya. But how the hell can I control myself from crying? Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa nakikita kong kalagayan nya! How could a very kind person be like this? Ang kaibigan kong parte ng buhay ko.. 

I walk closer to her. Nag iba na ang katawan nya. Ni hindi mo nga iisipin na sya si Riri Montecer, ang Miss body Beautiful ng Meester Academy. Halos wala ng laman ang kamay nya. Buto't balat nalang sya. Ni hindi ko sya pwedeng hawakan dahil pag hahawakan sya para syang binubugbog sa sakit.. Hindi ko na alam kung anong iaakto ko sa harap nya. I'm hurt seeing her like that.

"Riri bakit hindi mo sinabi sakin to?" Umiiyak na tanong ko. Alam kong hindi na sya makakapagsalita pero nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang malaman na may sakit pala sya.

Lalo pa akong naiyak ng may i abot saking voice recorder si Riri. Umiiyak din sya pero hindi nya maigalaw mabuti yung katawan nya. Habang inaabot nya sakin yung recorder, nanginginig ang mga kamay nya na para bang ang bigat bigat ng hawak nya. Napapikit nalang ako sa nakita. Never in my mind did I think she'll be like this.

"Erin, Ni-record nya yan nung malakas lakas pa sya. Ang sabi nya, pag nagkita kayo ibibigay nya yan sayo.."  Ivan said sadly..

Sinimulan kong pakinggan ang voice redord..

' Hi, Erin! '    Masiglang sabi ni Riri sa record. Naluha ako lalo dahil na miss ko yung masiglang pagtawag nya sa pangalan ko.. na kahit kelan ay hindi na nya magagawa pa ngayon..

' Salamat dahil dinalaw mo ako dito sa ospital. '  masayang sabi nya.

' Don't be sad, Erin! Alam mong ayokong nalulungkot ka.. Ang bestfriend ko. '

"Ano ba Riri." Tumingin ako sakanya. She smiled. Naka ngiti sya pero hindi ko nakikita na masaya sya. Hirap na hirap na sya sa kalagayan nya but I can see her fighting it.

' Yung sakit ko na to matagal na. And don't blame yourself for not knowing. because I did my best to hide it from you.. We all know that I can't run away from this. Kaya sana wag kana umasa. Dahil ako mismo hindi na ako umaasa... '

"Bakit nakakaya mong sabihin ang mga ganitong bagay? Lumaban ka! Lumaban ka Riri!! Kilala kita. I know you can do this. Please Riri. Lumaban ka."  Pano nya natanggap na hindi na sya gagaling? Bakit wala na syang lakas ng loob? Bakit.. Bakit ang bilis nya sumuko...

' Erin, gusto kong mapasaya kita kahit wala na ko. Gusto kong masaya ka lagi. Dahil kapag wala na ko, wala na akong magagawa pa. Kaya habang maaga pa tinulungan na kitang makita ang mag papasaya sayo... habang buhay. Dahil wala namang ibang gagawa non sayo, hindi ka friendly, ako lang ang kaibigan mo, you push everyone away from you. At si Ivan lang ang kakilala ko na masasabayan ka sa lahat. Si Ivan lang ang kakilala kong hindi marunong sumuko hanggat hindi nakukuha ang gusto. So, you know. Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko.'    Her voice broke. Umiiyak narin ang boses sa record.

"Riri matagal na kitang pinatawad. Salamat sa ginawa mo para sakin. Ako parin ang inalala mo. I'm so lucky I've found a person like you. I'm so lucky you're my best friend." Sa sakit na nararamdaman nya ako parin ang inalala nya. I am stupid. Dahil ako pa may gana magalit sakanya noon! And that I lost so many years not taking care of her!

' I'm so happy even though I'm slowly disappearing in this world, I've made my friend happy.. '    Huminto sya at nag salita ulit..

' Lumalaban lang ako dahil gusto kong marinig na napatawad mo na ko sa mga kasalanan ko sayo Erin... '   Nabigla ako sa sinabi nya.. Ibig nyang sabihin hinihintay nya nalang na mapatawad ko sya..

' Salamat dahil nakilala ko si Ken dahil sainyo. Biruin mo yon? Mamamatay na ako naranasan ko pa ma inlove? But that's life.. It's either ikaw yung iiwan o ikaw yung mang iiwan. pero hindi ko naman to ginusto ehh.. I'm so sorry.. Please say sorry to Ken for me.. '   Naramdaman ko ang sobrang kalungkutan nya. Sobrang hirap nito para sakanya. And all I can do is to listen to her.. and cry with her..

' Masaya talaga ako dahil nakilala ko kayong lahat. Pero sana kahit wala na ako wag nyo akong kakalimutan.. sana.. s-sana.. kahit wala na ako maalala nyo na minsan may Riri Montecer din na dumaan sa kabanata ng buhay nyo..

... yung kasabay nyo mag lunch, sa mall, sa panonood ng soccer, sa sine, at sa mga panahon na nagkasama-sama tayo. Sa gulo, sa lungkot at saya ng buhay natin.. Sana wag nyo akong kakalimutan katulad ng hindi ko paglimot sainyo even if I'm leaving, in my heart all of you will remain...'

"Riri naman eh! Wag naman ganyan!" Hindi ko talaga matanggap ang lahat. Patuloy ang pag landas ng mga luha sa mukha ko.

' Erin, kung hindi mo matanggap ang mga nangyayari, hindi ako magiging masaya.. I'm just an ordinary friend that soon you'll forget. You may bother for my absence.  But in my heart, I'll keep you forever.. '    Tinitigan ko sya. Sadness filled her face.. I can't help but hug her.. maybe I can't take away all her sadness pero gusto kong maramdaman nya na may kasama sya sa laban nya..

' I'm tired, Erin. Please forgive me. and let me go.. '       halatang pagod na sya sa boses niya.. Tinignan ko ulit sya. Naawa ako sakanya dahil hirap na hirap na sya. Lumapit ako sakanya at hinalikan ko sya sa noo.

' Matagal na kitang napatawad. Salamat sa lahat ng ginawa mo. Salamat sayo. I owe you everything in my life. I thank you with all my heart. You are my angel, Riri. You are my savior, you are my guardian, you're my bestfriend, you're my sister and I love you so much..

You may rest now, Riri. You'll always be remembered.. I love you, sweetdreams...'

Love TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon