Chapter Five

56 3 0
                                    

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit dahil sakin kaya masungit ang Ivan nayun. Nagulat ako ng biglang nag bell.

May usapan kami ni Ivan na panuorin ko daw sya sa soccer field pagkatapos ng klase. Pupunta rin doon si Riri para suportahan ang ka-M.U nya na si Ken. Haayy. panahon nga naman ang bilis, sobrang bilis!

Naka-upo kami ni Riri sa isa sa mga bench sa gild ng soccerfield at maraming estudyante ang nanunuod ngayon. May nag chi-cheer kay Ken, pero mas marami ang nag chi-cheer kay Ivan.

"Go number 20!" Sigawan ang mga babae lalo na ng maka score si number 20 - si Ivan. Nagulat ako ng kumaway sya sakin!

"Oh.my.gosh! Kinawayan ako ni Ivan!" Sabi ng girl sa likod ko.

"Duh, ako kaya ang kinawayan nya!"

"Stop daydreaming alright? It's absolutely me."

Naku! kung alam lang nila, psh. ang galing-galing maglaro ni Ivan! Ang cool nya at bagay na bagay sakanya ang soccer.

Habang tumatakbo sya ay bigla nalang akong nakaramdam ng kilabot. Nag slow motion ang tingin ko sakanya na para bang may sparks sa paligid nya. I can't understand why?

"GO! JOSH IVAN SCOTT!"

Nagulat ako sa sarili ko dahil sa pagsigaw ko, Nanaig ang boses ko sa buong audience at tumingin ang lahat sakin. Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Para akong na hypnotize!

"GO! JOSH IVAN SCOTT! NUMBER 20!"

Dahil sa ginawa ko, nag sigawan ng number 20 ang mga audience. Tumingin sakin si Ivan ng maka puntos ulit sya at nag flying kiss sakin at kumindat! With a wide smile pa! Shocks! Ngayon ko lang sya nakita na ginawa yon! Feeling ko matutunaw na ko ngayon! Pwede narin ako kainin ng lupa sa oras nato!

"You see that? Nag flying kiss sya sakin! Ha!"

Nawala ang ngiti ko ng marinig nanaman ang mga babae sa likuran ko.

Tinignan ko si Riri at nagulat ako sa ekspresyon ng mukha nya. Sahalip na mang-asar ito katulad ng lagi nyang ginagawa ay nakatahimik lang sya at seryoso sa iniisip.

Bakit kaya? Kung minsan talaga ang wierd nya. Hindi ko na sya inintindi pa at nanuod nalang ako ng game.














Pagka tapos ng game, tumatakbo palapit sakin si Ivan. Nanalo sila. Tilian naman yung mga girl sa likod ko at sila daw ang pupuntahan ni Ivan. Napa ngisi ako, he's really that attractive huh.

"Hey," Nakangiting sabi nya ng makalapit sakin. Stop it, hindi talaga ako sanay ng nakangiti sya. He has that overflowing charm I can't deny!

"Oh bakit?" Sabi nya at nawala yung ngiti nya.

"W-wala, ang galing mo kanina ah!"


"Syempre, nag cheer ka kasi,"

Kelan pa rin sya natutong bumanat? Napangiti ako sa sinabi nya. Bigla naman sya umiwas ng tingin nung tinitigan ko sya. Weird!

"Oh, towel." Sabi ko at inabot sakanya yung towel. Kinuha nya naman yon at pinunasan ang pawis nya. Ang gwapo nya talaga! Yung tipong ayaw mo nangg ialis ang paningin mo sakanya dahil napaka gwapo nya?

"Matutunaw ako."

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nya. Hindi naman sya nakatingin sakin pero alam nya parin na nakatitig ako sakanya?

"Sa susunod kasi wag masyadong obvious para hindi ka nabibisto," Bigla nyang pinisil ang dalawang pisngi ko,

"Aray! Ikaw talagang Ivan ka!"

Ng bitiwan nya ako ay hahampasin ko sana sya para makaganti, pero naka ilag sya! Ng tumakbo sya ay hinabol ko kaagad sya. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko parin sya maabutan! Ang bilis nya talaga tumakbo!




"You can't catch me!" Natatawang sabi nya. Sahqlip na mainis ay natawa rin ako,



"Try me!" Tawa nalang ako ng tawa at huminto ako kakatakbo, kahit pinag titinginan kami ay wala kaming pakelam, humahalakhak naman si Ivan sa harap. Kahit para kaming mga baliw ay okay lang dahil masaya naman.




Nang mapagod kami ay umupo kami sa damuhan.








"Ang bait mo ngayon."  Nakangising sabi ko sakanya, curious lang kasi ako.

"Dati tinatanong mo kung bakit ang sungit ko, ano ba talaga? It's me." Nakataas pa ang kilay na sabi nya.

"Nag-iba ka kasi, parang ibang Ivan ang kaharap ko ngayon."



Nagbigay lang sya ng nagtatakang mukha. Na para bang ang weird ng mga sinasabi ko, nag patuloy ako,

"Dati kasi ang sungit sungit mo, ngayon mabait at sweet ka na?"



"San ka ba kasi mas comfortable?"

"Eh? Ikaw yan, di naman ako. At saka pag ba sinabi ko gagawin mo? Saka ayoko makelam sa personality ng may personality."

Totoo naman eh, minsan talaga, weird ang mga tao sa paligid ko.




"Kung alam ko lang, sana hindi na ako pumayag. I should've trusted myself for doing this. I was wrong,"

Naka tingin lang sya sa langit at seryoso ang mukha. Ano nanaman ang pinag sasabi nya? Hindi ko na talaga mapigilan magtaka sa mga weird na nangyayari sa paligid ko.

"What do you mean?" Tumingin lang sya sakin ng seryoso. Nag-iwas din sya ng tingin pagkaraan ng ilang sandali.







"Uh, nothing."

Love TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon