18

528 17 0
                                    


3rd Persons POV


Pagkatapos ng hindi inaasahang pangyayari sa gym, inihatid muna ni Harvey si kissandra sa clinic para magpahinga.

"Bakit kasi hindi mo pinalo yung bola? Natamaan ka tuloy" sermon ni harvey kay kissandra na nakahiga at nakapikit, may pasa ito sa gilid ng ilong n'ya.

Sa sobrang gulat ni harvey kanina ay nasigawan n'ya si Yancy which is pagsisisigan n'ya sa buong buhay n'ya, kanina bago maglaban gusto n'yang i-cheer si Yancy, nainggit ito kay Jaiz na ngumiti si yancy sa pinsan n'ya.

Dapat sa kan'ya lang nangiti si yancy like how they used to laugh with each other noong high school pa sila. Pero paano? Kani-kanina lang nasigawan na nga n'ya, panigurado masama ang loob sa kan'ya ni yancy. Bwiset!

"I'm sorry, namanhid kasi ang braso ko" pagsisinungaling ni kissandra, dahil sinadya n'ya talaga mangyari ito.

"Its okay, next time umilag ka, ayan tuloy--"

"I'm jealous"

Tinignan ni harvey si Kissandra, this is not the kissandra he loved before, una palang ng yakapin n'ya kanina ay may mali na talaga.

"Bakit? Saan ka magseselos?"

Nagmulat nang mata si kissandra at tinignan s'ya, galit, galit ang makikita sa mata ni kissandra.

"Sa haba ng oras nang laro, your eyes is only set to Yancy. Hindi ka manlang nagcheer kanina sa akin. You're my boyfriend right?"

Bigla itong natigilan, Sila parin pala muntik na n'yang makalimutan they are still in a Relationship.

"I'm.. I'm sorry"



PAGKATAPOS ng pangyayari sa gym, dumiretso si Yancy sa Field ng Campus kung saan tahimik at iilan lang ang estudyante dahil class hours iyon.

Umupo ito sa bench at tumingin sa kawalan. Bakit bigla nalang itong nakaramdam ng Sakit? Sakit dahil nasigawan s'ya ni Harvey. Is it normal to be hurt?

Ganito rin ba ang pakiramdam ng mga aplikante na sinisigawan n'ya sa office n'ya?

Nabigla ito ng tamaan na naman s'ya ng bola hindi sa balikat kundi sa braso na nag gising sa nasasaktang halimaw sa katawan n'ya.

This day sucks!

"Sorry--"

"Mawawala ba ang pasa sa braso ko kapag nag sorry kayo?! Ha!" sigaw nito. Her unlucky day is not yet finish, dahil mukhang palaban ang babaeng sinigawan n'ya.

"Hoy! Nagso-sorry na yung tao sayo ah!" sigaw nito pabalik.

Kinuha ni Yancy ang bola na nasatabi n'ya, "Alam mo bang pili lang ang oras at araw ng pagtanggap ko ng SORRY?"

Malakas nitong hinampas ang bola, halos ipunin n'ya lahat ng emosyon n'ya doon at sa sobrang lakas halos mapaatras ang babaeng tinamaan ng bola.

"Oopps. Sorry" sarkastikong sabi ni yancy na mukhang wala sa loob n'ya ang pag so-sorry.

"Araaaaaay! Tangina ka!" Sigaw nito na halatang gigil na gigil at galit na galit kay Yancy.

Nagtaas kilay lang itong sumagot,"Now tell me, napagaling ba ng sorry ko ang nangyari sa mukha mo?, plus.." huminto ito at tinignan ang babae mula ulo hanggang paa

Marry That RUDE GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon