26

571 21 4
                                    



YANCY's POV



"HELLO Aizen?"

[Yow, Bakit?]

"Can you do a Favor?"

[Sure, what's that?]

"Pwede bang ikaw muna ang pumunta sa Meeting ko d'yan? I can't make it there, malapit na ang Graduation."

Saglit na nagkaroon nang katahimikan sa kabilang linya, what was that? Tatanggihan ba nito--

[Sure, sure!]

"Okay, I'll email you the things to do and Files that should be presented there." pagkasabi ko ay pinatay ko na ang tawag at humarap sa Laptop, ayokong mag-aksaya nang panahon. I send the files to Aizen.

Sumandal ako sa upuan pagkatapos. Hindi ko parin makalimutan yung sinabi nang secretary ko kanina. Bwiset.

'Im so sorry Ma'am Yancy, pero sabi nang investigator ay mali daw ang info na naibigay n'ya sa inyo. Hindi Sylvester ang kumuha nang Investors n'yo. Sinabi nito na nakausap daw n'ya ang isa sa mga investors na nawala at sinabi nitong, may mas malaking kumpanya silang nilapitan.'

Hinilot ko ang Sentido ko at humarap sa Reviewer ko, malapit na ang Final Exam, kailangan kong mag review, pero paano ako makakapag review kung ganito ang bubungad sa umaga ko?!

Akala ko ba magaling ang investigator na 'yon?! Bwiset! Mababawasan ang populasyon ngayong araw na 'to.

Tinawagan ko ang Dark Society na sinalihan ko noon, kahit papaano ay may Contact parin ako sa kanila.

[Yes, boss Yancy? Long time no see!]

"He's name is Jun Reyu. Kill him." utos ko at pinatay na ang tawag.

Tumayo ako at lumabas nang kwarto.

Tumambad sa'kin ang lalaking nakabaluktot ang sarili sa Sofa na pilit pinagkakasiya ang mahahabang binti nito. Mukhang nilalamig din ito dahil yakap nito ang sarili.

Nilagpasan ko ito pero nahinto rin ako nang maalala ang sinabi nang secretary ko. Wala silang kasalanan sa akin. Wala silang kinalaman.

Hinarap ko ang natutulog na si Dylan, I felt guilty all of a sudden, kung ano-anong pinagsasabi ko sa kan'ya kahapon, nag-lock pa ako nang kwarto sa isiping doon din s'ya matutulog kinagabihan. Pero kasi ang inaasahan ko ay doon s'ya sa sarili n'yang unit o di kaya naman ay kay kissandra ito tutuloy. That bitch, pinagmukha pa akong sinungaling kay Dylan. May araw rin sa'kin 'yon.

Umalis na ako sa sala at dumiretso sa Restroom para maligo, pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para gumawa nang agahan.

Abala ako sa pavtitimpla nang Fresh Milk, when someone snake his arms around my waist, hindi na ako mag-iisip kung sino 'to, his scent is already giving me the answer, and my heart is already shouting his name for pete's sake!

Not to mention the heart beat. Why so Fast?! Wait for me! Psh.

"Let me go. May ginagawa ako." malamig kong utos. Napapikit lang ako nang mas lalo pa n'yang hinigpitan ang yakap, he rested his chin above my shoulder, his warm breath touching my skin is really not so good. Nakukuryente ang buong katawan ko na may halong kiliti, Jesus! Kailangan kong makalayo sa lalaking 'to!

"I'm sorry.. I'm sorry for what my family did to you, I went to see father last night, sabi n'ya wala daw s'yang kinalaman sa nangyayari, but I don't know if I should believe him." kumalas ito nang yakap at iginiya ako paharap sa kan'ya.

Marry That RUDE GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon