33

519 12 0
                                    

MTRG 33



MUGTO ang mata at walang tulog na nakatingin si Yancy sa garden mula sa kan'yang kwarto. Nagbabaka sakaling dumating si harvey.

Nakita n'ya ang anak na nakadungaw sa bakod at parang may hinahanap. Halos maiyak na naman ito ng biglang magsalita ang anak.

"Tito Harvey! Yuhoo! Where are you? Let's play! I'll teach you how to smile!"

Sumikdo ang puso n'ya sa nakikita, kaya binaba n'ya ang anak sa hardin, nakita n'ya ang lungkot sa mga mata nito kaya niyakap n'ya ito.

"I miss tito harvey. I tried to call him but it seems like... his phone is dead." malungkot nitong sabi.

Walang ibang masabi si Yancy kundi ang paulit-ulit na sorry sa anak. Hanggang sa tumawag sa kan'ya si Angel, pinapupunta s'ya sa airport, nagbabakasakaling andoon ito kaya mabilis s'yang nag-ayos ng sarili, bago makalabas ng bahay ay nasalubong pa n'ya si Aizen bitbit ang isang anak na si Train, nagpaalam lang s'ya na may lalakarin hindi na inintay ang sagot ni Aizen at tumungo na sa airport na nasabi ni angel.


MAHIGIT isang oras ng paikot-ikot si Yancy sa Airport ngunit nabigo itong makita si Harvey. Buti nalang ay hindi s'ya nakikilala ng ibang tao dahil sa nakatakip na tela sa mukha n'ya at salaming suot. Dalawang oras na ang nakakalipas at napagdesisyonan na n'yang tumigil.

Naisip n'yang pumunga sa park kung saan sila huling pumunta pero wala, nagtanong na ito sa nga police stations pero nabigo lamang s'ya. Pumunta s'ya sa Condo Unit na tinutuluyan nila dati pero wala.

Halos mawalan na ito ng pag-asa nang may isang lugar itong maalala.

Sa Paradise Resort n'ya. Wala sa sariling sumakay ito ng sasakyan at tinawagan ang chopper.



NAKARATING si Yancy sa Isla bandang Six na nang gabi. Malapit ng magdilim. Dali-dali s'yang pumunta sa Bahay na pinagtuluyan nila noon, pag-pasok ay dumiretso sa itaas sa terrace.

"Wala s'ya dito..."

Makailang beses nitong tinawag anh pangalan ni Harvey pero walang nagpapakita sa kan'ya. Pinagtitinginan nalang siya ng mga dayuhan roon.

"Nasaan ka ba?" maluha-luha nitong tanong.

Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa may isang bulto ng lalaki itong nakita. Nakaupo sa gilid ng dalampasigan, hawak ang gitara.

Doon na tumulo ang luha n'ya, habang papalapit ay namumukhaan na nitong si harvey nga ang lalaking nakatalikod. Pinigilan n'ya ang humikbi para hindi s'ya nito makita.

Umupo muna ito sa buhangin, mula sa pwesto n'ya ay makikita nang malinawan si harvey na may maliit na litratong tinitignan. Napansin n'yang iniipit ang litrato sa bato at umayos ng upo para magpatugtog ng gitara. Pilit n'yang inaaninag kung ano ang picture pero hindi n'ya magawa. Kaya sa sandaling oras ay nakinig nalang muna ito ng tugtog.

Mahina s'yang napangiti ng patugtugin nito ang kantang "RUDE". Maraghil ay s'ya ang pinapatungkolan ng kanta nito.

Pagkatapos ng Chorus ay nagpalit ang tunog, "PHOTOGRAPH" naman.

Tumingin s'ya sa binata na ngayon ay nakatingin sa papalubog na araw. Patuloy lang ang tugtog ng gitara hanggang sa magdilim na at napagpasyahan na ni Harvey na itigil ang pag gitara.

Na alarma si yancy na baka umalis ito at hindi na n'ya makita kaya nilapitan na n'ya ito. Habang papalapit ay nakita n'ya pang hinalikan ni Harvey ang litrato na inilabas n'ya kanina kaya napuno ng kuryosidad na nagmadali at inagaw ni Yancy ang litratong hawak ni Harvey.

Nanigas ito sa kinatatayuan ng makitang litrato nilang dalawa iyon, magkasama at nakangiti. Tama nga ang sinabi ni angel, may litrato nga si Harvey na itinatabi.

Nakayukong tumayo ang binata at hindi s'ya hinaharap.

"Dylan--- teka!"

Mabilis itong tumakbo pagkahablot kay yancy ng hawak nitong litrato. Muli itong napaiyak habang hinahabol si Harvey pero sadyang mabilis ito at mabagal naman si yancy idagdag pa ang mabigat nitong nararamdaman, hanggang sa nawala na ang lalaki sa kan'yang paningin.

Luhaan itong bumalik sa Bahay kung saan sila noon nag stay. Mukhang naubusan na ito ng pag-asa.

Kasalanan ko 'to... kasalanan ko...

Dumiretso ito sa taas, sa terrace at laking gulat n'ya ng makita si harvey doon, malayo ang tingin. Agad n'ya itong pinuntahan at niyakap sa likod.

"Bakit mo ako tinakbuhan? Bakit ka umiiwas! Galit ka ba? S-sorry na.." she said between her sobs. Mahigpit ang pagkakayakap n'ya rito pero mukhang wala lang ito kay harvey ng tanggalin nito ang yakap n'ya at umalis ng hindi manlang s'ya pinapansin.

Hindi matigil ang pagluha sa kan'yang mata, nasasaktan s'ya dahil wala itong emosyon, hindi n'ya mabasa si harvey, ni hindi manlang ito nagsalita o nakipag usap sa kanya.

Totoo nga.. totoo nga lahat ng sinabi ni angel.

Patuloy lang ito sa pag-iyak hanggang sa may maramdamab itong tumabi sa kan'ya ng upo nang makita s'ya ay niyakap na s'ya nito kaya vinawian n'ya rin ito ng yakap.

She miss this feeling. Feeling to be hugged by him.

"Sorry dylan.. sorry... I'm sorry, please patawarin mo ako... sorry, sorry..."

kinalas nito ang yakap n'ya, pinunasan ni harvey ang mga luha sa kan'yang mga mata pagkatapos ay may iniabot na papel.

'I'm sorry, natakot lang ako na baka pag nakita mo pa ako.. tuluyan na kayong umalis sa pilipinas, gusto ko pa kasing makita kayo sa sandaling oras ng pagiging malaya ko. Tama ka.. wala akong kwenta.. hindi ko kayang makapag salita, hindi ko kayo naprotektahan, hindi ako makangiti sa anak mo.. ilang araw nalang lalala na ang sakit ko sa utak, mababaliw na ako kaya pumayag na akong pumuntang Mental Hospital next week.

I'm sorry, wala akong kwenta, sana... hayaan mong pagmasdan ko kayong mag-ina kahit sa malayuan manlang bago ako ma-confine.

Mitch... Patawarin mo sana ako.. Wala rin kasing kasiguraduhan na magtatagal pa ako sa mundong 'to.. ang huling kahilingan ko lang naman ay makita ka..'

Hindi na tinapos pa ni Yancy ang nakasulat, pinunit n'ya ito kasabay ng pagtulo ng luha n'ya.

"H-hindi totoo 'yan..." tumingin ito sa nga mata ni Harvey

"Dylan, hindi ko kaya pagnawala ka.. please 'wag mo kong iwanan.. lalaban ka pa diba? Magpapagaling ka pa! Dont leave me please.. 'wag mo kaming iwan ng anak mo... h-hindi ko kaya..." yumakap siya kay harvey, naramdaman n'yang nagsusulat itong muli sa papel. Nang matapos ay kinuha niya at binasa iyon.

'Its too late, wala na akong magagawa, hayaan mong maging ama si Aizen ng mga anak ko, they deserves a healthy dad and not me..'

Umiling iling itong pinagpapalo ang dibdib ni harvey. "How could you say that! Inaantay ka ng mga anak mo! Magpapagaling ka pa... wag mo kaming iwan.. please.."

Harvey cupped her face and kissed her lips by the way he kiss her, yancy can feel the love he has for her.

Binuhat s'ya nito papunta sa kwarto. As she lay on the bed, they both continued kissing each other passionately. Halatang uhaw na uhaw sa pagmamahal ng isa't-isa.

Yancy was panting and catching her breath as they stopped. Hindi na napansin ni Yancy na parehas na silang walang saplot.

Before Harvey kiss her again, she whisper and said..

"I Love you, Dylan.."

Hindi n'ya alam kung namamalikmata lang s'ya, pero.. nakita n'yang mahina itong ngumiti. He kissed her again as she kissed him back passionately full of Love and Miss.

Yes, she finaly admit that she miss this guy and loves this guy.

And the rest of the night became one of the best day that Yancy will never ever forget.


Marry That RUDE GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon