EPILOGUE

790 19 5
                                    


EPILOGUE



"Daddy!"



Sa sigaw ni Lancy, parang nabingi ako, at isang tao lang ang nakikita ko. Ang luha ni Dylan, ang malamig nitong tingin ngunit sa likod no'n ay isang malambot na emosyon.

Napasinghap ako ng may dugo itong inubo. Halos kumawala sa dibdib ko ang aking puso sa pinaghalong takot at kaba.

Umiling-iling ako at hinawakan ang kan'yang mukha, "Please.. breath.. breath dylan! damn it!.. please.." kasabay ng pagsalita ko ay ang pag agos ng aking mga luha.

Hinawakan nito ang tagiliran na ngayon ay nagdudugo na, patuloy parin ang pagputok ng baril pero si Dylan lang ang nasa isip ko ngayon. Mula sa pagkakatayo namin ay napaluhod ito sa aking harap.

Hindi parin matanggal ang aking paningin sa kan'yang mga mata ganoon din s'ya. Para bang sinasabi ng mga tingin na, iyon na ang huli n'yang hininga at gusto n'yang ako ang huling makita n'ya.

Sumikdo ang puso ko, lumuhod ako para magkapantay kami, "Dylan.. I please make make me feel this, I don't want to see you like this.. please.. nasasaktan ako." patuloy parin ang pag agos ng luha sa aking mga pisngi.

Umangat ang braso niya at tinakpan ang mga mata ko gamit ang isa niyang kamay na lalong nagpaiyak sa akin. Ang isang braso niya ay yumakap sa akin, tanging pag hinga lang niya ang nanaig sa aming dalawa.


Huli na ba? Para ibalik ang dati?


"Pagbalik ko, gusto ko humihinga ka pa, hindi mo ko pwedeng iwan-- kami ng mga anak mo." lakas loob kong sinabi at inalalayan ito sa pagsandal sa pader. Hinarap ko ang kambal.

"Bantayan n'yo si Daddy, okay?"

"Yes, mommy." sabay nitong sambit, kita sa mga mata nito ang takot kaya hinalikan ko silang pareho sa noo. "I'll be back."

Tumalikod ako at hinarap si Angel na ngayon ay walang malay, siguro ay nahimatay. Sasama-sama tapos mahina rin pala. Tsk.

Tinanggal ko ang Blusang suot at pinunit para utali sa balang tinamaan kay Dylan. Nakapikit na ito pero alam kong buhay pa s'ya. Bago umalis ay hinalikan ko muna ito sa labi, naramdaman ko ang pagtugon nito, senyales na buhay pa nga ito. Pero may isa pang ibig sabihin iyon... I can feel it.

"Ingat mommy.. comeback safe." paalala ni Lancy.

Tumango lamang ako at umalis na, kailangan kong harapin si Aizen. Ipapakita ko sa kan'ya ang Dating Gangster na nilalait n'ya kani-kanina lang.

Kanina ay may nakita akong lalaki, hindi ako pwedeng magkamali, alam kong s'ya ang photographer ni Angel, pero ang hindi ko malaman ay bakit andirito s'ya? I want to hear his side, later.

Bumaba ako mula sa second floor at doon na nakarinig ng malalakas na putukan. Nagtago ako sa likod ng poste at dinukot sa bulsa ng nakahilata ng lalaki ang kan'yang baril. Bigla akong napangiti.

"Napakatagal nang panahon nung huli kitang hawakan." saad ko sa baril at kinasa iyon.

Tumayo ako at dahan-dahang umikot sa mga kalaban. Bilib din ako sa lalaking photographer na 'yon, nagawa n'yang labanan ang lahat ng ito.

I aim my gun at the first target.

Bang!

One down.

Marry That RUDE GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon