22

572 20 2
                                    


YANCY's POV



Makalipas ang isang oras, huminto ang Helicopter sa isang isla. "Time check, 7:34pm, exact arrival here in Paradise Resort, welcome to Palawan." saad ng piloto.

Inalalayan akong bumaba ni Dylan, pagbaba ko ay may jacket na bumalot sa katawan ko.

"Nilalamig ka na. Let's go inside" saad nito at hinila na nga ako papasok sa Resort.

Sunalubong kami nang mga tauhan ng Resort at mas lalo pang dumami nang makita ako.

Nagbigay ako nang signal na 'wag kaming batiin kaya nag-bow lang ang mga ito.

"Wow, bago sa'kin 'to ah. I've been here before pero hindi katulad ngayon na halos lahat na ata nang staff sinalubong ako." Ikaw? Tss. Baka ako.

Mukhang wala talaga s'yang ideya. Mas okay na rin, may bibiglain ako mamaya.

"Good Evening Madam, Good Evening Sir, Welcome to Paradise Resort. Here's the Key card for your Room" salubong nang Resort Manager sa amin at iniabot kay Dylan ang isang card.

"Let's go wifey." saad nito kasabay nang pag akbay sa akin.

"Don't call me that kind of endearment in public places." baka di ko kayanin at mahimatay nalang ako. tsk!

Tahimik lang kaming naglalakad, habang ako ipinapalibot ang tingin sa Resort kung maayos pa ba at mukhang okay naman at maayos pangangalaga ng Mga tauhan dito.

"Parang kanina pa nag-gagala ang mata mo, ngayon ka lang ba nakapunta dito?" basag n'ya sa katahimikan.

Sa gilid kasi kami nang resort naglalakad katabi ng dagat, mukhang alam ko na kung saan kami pupunta.

"Well... Ang Ganda dito" pagiiba ko.

I heard him chuckled. "You're right, I've been staying here before noong may Business trip kami dito sa palawan, siguro 3 days palang talagang napamahal na agad ako dito, I really salute the owner of this Resort, ang galing n'yang pumili nang lugar, plus the fact that these resort is already competing with other resorts around the world? Amazing right?"

"Yeah." I said with a smirk. "You really admire the owner of these resort huh?"

"Yes. Super. Sa accomodation palang panalo na pati sa mga tauhan n'ya, actually matagal ko nang binabalak na makipag partner sa may-ari nito kaso hindi naman s'ya pumapayag. Tsk! Pero that didn't change My Love for this Resort"

I rolled my eyes. "Dami mong alam." kumento ko na ikinatawa lang n'ya.

Huminto kami sa harap nang isang Bahay.

"Pasok na tayo"

Halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang malaman kung saan kami papasok. NO way.. I can't..

"Hey! Tara na!" hinila nito ang kamay ko pero nanatili akong nakatayo at nakatingin sa bahay.

"B-bakit dito?"

"Ahmm, may problema ba? Akala ko kasi magugustuhan mo, nag-iisa lang ito sa Resort plus, maganda ang View nito kapag nasa terrace ka na at mas peaceful kasi malayo sa maraming tao."

Tinignan ko s'ya,"Wala ka talagang alam ano?"

"Huh? Anong wala? Eh mukhang--"

"Tara na sa loob. Its cold here outside."

Marry That RUDE GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon