23

489 22 2
                                    


3rd PERSON's POV




Tahimik na nagbabasa nang Novel si Jaiz sa Lulkzurious Vén Cuisine nang may lumapit sa kan'ya.

"Nasaan si Harvey?" bungad nito.

Kunot-noong humarap si jaiz sa nagtanong, tinanggal nito ang Salamin na suot at ibinaba ang hawak na libro.

"Tanungan ba ako nang nawawalang Hayop? Tsk." sarkastikong sagot nito.

Siguro nga nagpaubaya na s'ya. Wala narin namang patutunguhan kung lalaban pa s'ya sa eh, he likes Yancy pero alam n'ya sa sarili nung una palang na kahit kailan hindi n'ya nagawang palitan ang pinsan nitong si harvey sa puso ni Yancy. At bilang pinsan ni Harvey, magpapaubaya s'ya dahil hindi pwedeng dahil sa babae magtatapos ang pagsasama nila nang maayos bilang magpinsan.

"Sagutin mo nalang ako pwede ba?!" iritadong sagot ng babae.

"Hindi ko alam! Kaya pwede ba kissandra, 'wag kang istorbo! Tsk! Nasa Bed Scene na yung binabasa ko oh!" reklamo ni jaiz habang naka turo ito sa chapter ng libro.

Binigyan naman s'ya nang nandidiring reaksyon ni kissandra,"Kadiri ka. D'yan ka na nga!"

Tumayo ito at iniwan na si Jaiz sa lamesa na nagpatuloy na ulit magbasa.

'Hindi pa tayo break, harvey. Hindi pa.' bulong ni kissandra sa sarili.

SAMANTALA, kikay na kikay kung pumorma si Angel sa loob nang department store, halos lahat nang madadaanan n'yang tao ay napapatingin sa kan'ya.

Namimili ito nang mga bago n'yang damit dahil nilagyan na naman ng kanyang Ama ang Bank Account n'ya at dahil Bunso, sobrang na-spoiled si Angel nang ama.

Tahimik itong namimili nang may lalaking mapadpad sa kinalalagyan n'ya.

Matangkad, maputi, matangos ang ilong, makinis ang mukha at may kissable lips. Naka V-neck t-shrit ito at Pants, naka shades ito pero masasabi mong gwapo talaga kahit saang anggulo, at kung makatingin si angel sa lalaki ay akala mo susunggaban na n'ya anytime.

Walang pag-aalinlangan n'yang Nilapitan ito at kinalabit. Nakasanayan na n'ya ang mangalabit nang ibang tao na hindi n'ya kilala basta magustuhan n'ya, hindi manlang inisip kung masama o mabuti ba yung taong 'yon. Gan'yan katigas ang ulo ni Angel.

"Hi!" bati nito nang harapin s'ya. Kahit kailan, hindi ito na-snob nang kahit sinong lalaki dahil sa ganda at sexy na taglay n'ya kaya naman malakas ang loob n'ya sa gwapong kaharap n'ya. S'ya na kaya si Mr. Right? Ayie!

Tinanggal nito ang salaming suot, halos mapanganga si Angel sa kulay nang mga matang bumungad sa kan'ya. He's Blue-Eyes completed the word PERFECTION to him. Lalo itong nagpa-gwapo sa kan'ya-- 'yon nga lang, na-snob si Angel.

Nagsuot ulit ito nang Salamin at nilagpasan lang s'ya. Halos lumuwa ang mata nito sa ginawang pag-snob sa kan'ya nang binata. What was that?

"Hmp! Gwapo nga, mukhang panget naman ugali!" pagtataray nito, at ibinalik nalang ang atensyon sa mga damit na pinapamili n'ya. Nang matapos ay pumunta na ito sa Cashier para magbayad.

"23,864 pesos po ma'am lahat."

"Here." abot ni angel ng Card n'ya.

--

Mag-isang lumabas nang Mall si Angel, ang Mall na pag mamay-ari ni Yancy Mitch Villamoon.

Hindi nito alintana ang malakas na hangin na sumasalubong sa kan'ya, basta tulak lang sa Push cart na dala n'ya kung saan nakalagay ang mga pinamili. Hindi parin talaga maganda ang panahon, makulimlim din dito at mukhang uulan nang malakas anytime.

Marry That RUDE GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon