21

513 16 2
                                    


3rd Person's POV



Maagang nagising si Yancy dahil sa lamig, bigla nalang umuulan, 6:05 pa lang ng umaga nang magising ito at bumangon sana para magtimpla ng kape. Halos mahulog ang puso nito nang makita si Harvey na halos mamaluktot sa lamig ang katawan.

"A-andito pa rin s'ya?" bulong nito sa sarili.

Nagising ito ng madaling araw, akala n'ya aalis na ito kapag hindi nakatulog ng maayos pero hindi! Talagang matigas ang bungo ni harvey! 

Yakap-yakap nito ang sarili at nanginginig na, kumaripas nang lakad si mitch pabalik sa kwarto n'ya at kumuha ng kumot pati unan at binalikan si Harvey.

"Ano ba naman kasi ang nasa kukote mo at di ka manlang kumatok!" naiinis nitong sabi habang nilalagyan ng unan at kumot si Harvey na tulog pa rin.

Ang kagabi nitong malamig na pakikisama ay parang uminit nang makita ang mukha ni Harvey. He's really something.

Kagabi ay ipinasok ni Yancy lahat ng pwedeng maging dagilan para matulog dito si Harvey, isa na doon ang Sofa. Akala n'ya wala na ito pagsapit nang madaling araw pero nagkamali s'ya.

Tumayo na ito at dumiretso sa C.R para maligo, pagkatapos ay nagsuot muna ng Roba at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape, pero laking gulat nito nang makita ang bulto ni Harvey doon, umiinom ito ng kape.

Ngumiti ito nang mapansin ang presensya ni Yancy.

"Good Morning My Wife"

'My Wife?' Sounds good to her heart but not on her Mind.

Automatic na bumalik sa pagiging Cold ang aura ni Yancy, naglakad ito papalapit sa kay harvey at tinaasan ng kilay.

"Bakit andito ka pa?"

Uminom muna si harvey nang kape saka kumuha ng panibagong tasa para lagyan nang kape na iniabot kay Yancy.

"Drink it while its hot." aniya na para bang wala lang sa kan'ya ang pagsusungut ni Yancy.

"Why would I? Hindi ko naman sinabing ipagtimpla mo ako, hindi ako nainom ng kape, gatas ang gusto ko" yancy said as she rolled her on him.

Tumango-tango lang si harvey ngunit bakas sa mukha nito na nadisappoint ito sa sarili. Actually kaninang 5:00 pa s'ya nang madaling araw nagising dahil sa lamig, nagtimpla ito ng kape para mahimas-masan, naisip n'yang ipagtimpla nang kape si Mitch pero baka di na naman n'ya inumin kaya tumawag ito sa sekretarya ng Daddy n'ya para magpabili sa Starbucks.

Nasiraan ang kotse mga sekretarya n'ya kaya tinakbo n'ya ang daan kahit na malakas ang ulan at hindi na nakakatulong ang payong dahil basa na s'ya.

Around 5:50am na s'ya naka balik, nagpalit ito ng damit na baon n'ya pero hindi naging sapat para mapainit ang katawan, naramdaman n'yang bumukas ang pinto ni Mitch kaya nagkunwari itong tulog, kaya ganoon nalang isa walang bahala ni Harvey ang pagtataray ni Mitch dahil may malambot parin itong side na ayaw ipakita sa kan'ya.

"Ikaw ba ang naglagay ng unan at--"

"No. Hindi. Ikaw mismo kumuha n'yan, di mo na tanda?" putol ni Mitch.

Patagong ngumisi si Harvey. 'Liar'

Sa halip na makipag bangayan, iniba na ni harvey ang usapan.

"Pupunta tayo sa market, be ready." this will be like his first time to be with mitch. Dahil nung mga bata sila ay lagi nang magkasamang mamili sa Market ang dalawa.

Marry That RUDE GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon