YANCY's POV
Minulat ko ang mga mata ko nang tamaan nang sinag ng araw ang mata ko. Arrg! Ang sakit nang ulo ko! Asar! Hindi na nga ulit ako iinom! Psh!
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nasa kwarto ako, panigirado dinala ako ako ni Aizen dito.
*Sniff*sniff*
Bumangon ako sa pagkakahiga, sa pagkakatanda ko lumipat na si Aizen ng Kwarto n'ya, andito ba s'ya? Amoy Sopas, nagutom tuloy ako.
Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina.
"Aizen--" oh god! Why... why is he here!
Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang likod ni Harvey na abala sa pagluluto, Topless ito at naka suot ng Apron. Bakit ang dito s'ya?!
"Hey, you're awake, come here! Nagluto--"
"Mukha ba akong tulog? Ah yes... nananaginip ata ako" sana nga panaginip lang. Please! Ipinikit ko ang mata ko saka bumilang. 1...2...3...4...
"Hindi ka na nanaginip. I'm really--"
"BAKIT ANDITO KA?! SINONG NAGPAPUNTA SAYO DITO!" singhal ko. Baka akala n'ya maayos kaming dalawa! No! Pagkatapos ng nangyari sa school? Huh! Lalo ko lang s'yang kinaiinisan. I hate him.
Kumunot ang noo nitong nakatingin sa akin, at s'ya pa ang may ganang kunutan ako ng noo?! Aba! Kapag ako inutusan na naman n'ya di na ako tatablan n'yan, nasa teritoryo ko s'ya, kapag di ako nakapagpigil lahat mga kutsilyo sa kusino tatagos talaga sa katawan n'ya.
"You're My Wife, that's why I'm here in---"
Nag gesture ako na tumigil s'ya. Tama ba yung narinig ko?
"Hahahaha! Pati ba naman dito? Makikipaglokohan ka sa'kin? Well, natawa ako mga Benteng tawa, umalis ka na." ang aga-aga maninira s'ya ng Araw ko.
Naglakad ako papunta sa CR para maghilamos at mag toothbrush, pagkatapos ay lumabas ako ng CR.
"Bakit andito ka pa?" takang tanong ko. Naka T-shirt na s'ya at mukhang Ready narin yung sopas na niluto n'ya, I'm starving and I want to eat it pero ayoko baka may lason.
Tumayo ito at may iniabot na papel sa akin, hindi ko sana tatanggapin pero kinuba at binasa ko parin.
"W-we're Married?!"
Oh my.. No! No! No! "Ano 'to? Panibagong pakulo na naman ng pamilya mo?!" I'm mad, I'm so mad to myself.
I'm not dumb. Nabasa ko ang isang Marriage Contract at may pirma ko iyon, ang hindi ko lang matanggap ay nakuha ako mga Sylvester ng ganoon kadali! At kailan ako pumirma?! Wala akong matandaan! Bwiset!
"Look, hindi ko inaasahan 'to, kani-kanina lang ako tinawagan ni Daddy para puntahan ka, I thought nagkaroon kayo ng maayos na usapan about this? But I think I was wrong."
"Yeah! Mali ka talaga! Hindi ako tanga para pumayag na magpakasal sa kagaya mo!" inis na sabi ko.
"Hey! What's going on here?" tanong ni Aizen na kadarating lang at may dalang plastic bag.
"And who are you?" dagdag nito habang nakatingin kay Harvey na mukhang nagtitimpi na ata ng inis habang nakatingin sa akin.
Bakit? Naiinis s'ya sakin? Sige lang! Kasi ako kinamumuhian ko sila nang pamilya n'ya! Mga Weak!
BINABASA MO ANG
Marry That RUDE Girl
RomanceI was raised not to be RUDE. But you made me like this. "Mitch the QUEEN BEEtch." COMPLETED.