Nagtigil sa pag-lalakad ang tatlo sa gubat nang makakita sila ng isang kwebang may dalawang daanan. Isa sa kaliwa at isa sa nama’y sa kanan. Ang kaliwang daanan ay may karatulang nakalagay na 'WAG KANG DADAAN NAKAKATAWA' at ang kanang daaan nama’y 'SHORT CUT'
“Ano, Tarzan saan ba ang tamang lagusan?” tanong ni Tulome
“Tarzan di alam. Dahil Tarzan hindi na nag-gagala” sagot ni Tarzan kay Tulome
“Panu na ito?” tanong ni Boots sa dalawa nitong kasamahan
“Tuk-tukan kaya kita dyan Boots. Bakit eto pang si Tarzan ang iyong pinili? marami naman diyan ha.” naka-kunot na noong sabi ni Tulome
Nag kibit balikat na lamang si Boot at tumingin ng masama kay Tarzan. May bigla namang dinukot si Tarzan mula sa kanyang bahag. Isang Iphone 5.
“Anung gagawin natin diyan ha? Aamuyin namin ganun?” patukoy ni Tulome sa Iphone ni Tarzan
“Tarzan gamit GPS (Global Positioning System) para hindi ligaw” pagmamalaki ni Tarzan sa kanyang idea.
Bubuksan pa lamang ni Tarzan ang Iphone niya ngunit may narinig silang kaluskos.
“Tiks ti tiks tiks” Basta ganyan ang tunog ng kaluskos. Or just search for the whisking sound.
Lumingon-lingon ang tatlo sa upang hanapin kung sino o kung ano ang nag mamasid sa kanila. At nakita nila ang isang kulay kahel na lobo (isang uri ng aso) na may bandanang asul sa kaniyang ulo hanggang mata at asul rin na gloves.
“S-swiper?” nagulat si Boots sa kaniyang nakita. Tila isa nanamang kagimbal-gimbal na nilalang ang dumating.
“Swiper?. Boots sino si Swiper? Bakit parang takot na takot ka?” Pag-tatanong ni Tulome
“Siya ang nagnanaka-“ mag-sasalita pa sana si Tarzan ngunit tinakpan na ito ni Tulome ng kaniyang kamay at sabay sabing “Shhh, manahik ka nga taong unggoy”.
Inuga-uga ni Tulome si Boots sa balikat at dahil tila natulala ito. “Boots, sumagot ka”.
Patuloy na umaaligid si Swiper sa kanila kahit kitang-kita na siya.
“Ayaw mong sumagot ha?” kunot noong sabi ni Tulome habang iniyuyugyog si Boots
“Pak” isang malakas na kotos sa ulo ang ibinigay ni Tulome kay Boots at bigla a itong natauhan
“Aray” sabay kamot ni Boots sa tinamaang parte ng kaniyang ulo.
“S-siya ang mortal na kaaway ni Dora. Pero bago muna ako mag-explain kailangan niyo muna akong gayahin.” Sabi ni Boots
“Ok sige anung gagawin namin?” sabi ni Tulome at sabay tango na lang ni Tarzan
“Hold up your right hand in a gesture that means stops and say…” ginawa ni Boots ang sinabi niya at sabay dugtong paniya “Swiper! No swiping!. tatlong beses taltong beses yung Swiper No Swiping”
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pantasya
Fantasy(Comedy) Samahan si Tulome at ang Kaniyang mga kaibigan na harapin ang mga kalaban, lipulin ang kadiliman, kasuklaman ang kasamaan at durugin si Mang Cheupeto. Tuklasin ang kasayahan at kahiwagaan ng kanyang pag-lalakbay. Eto ang “Ang Huling Pantasy...