Noong huling panahon, ang kaharian ng ADOVO version 4.5 ay napasailalim sa kamay ni Mang Cheupeto isang itim na salamangkero mula sa Hilagang Kanluran bkl. 23, lot. 42312 and 33.33 degree north of west sa Mt.Tulele ang ADOVO version 4.5. Siya ang pinakakatakutan sa buong Isla ng Kili-Chili dahil sa kanyang anyong mala-demonyo na may tatlo't kalahating sungay sa kanyang panga, limang gintong hikaw sa itaas ng kaniyang maitim na gilagid at pitong talampakang tangkad. Siya'y walang awa kung pumaslang gamit ang kanyang bastong gawa sa bungo ng kanyang alagang dragong si Barney.
Ngunit sa kadiliman ng kahariang sinakop ni Mang Cheupeto ay isang mandirigmang nagkasuot ng Gintong baluti na may espadang nakasukbit sa kanang beywang na ginamit ni Flavio at isang gintong barbell na nakasabit sa kabilang baywang ang lumitaw galling sa paglalakbay.
"Cheupeto! Sa ngalan ng aking panginoon, ikaw ay luluhod sa aking harapan at isusuko ang kahariang iyong sinakop" Sigaw ng mandirigma
At biglang nag ring ang cellphone ng mandirigman at kinuha niya ito sa loob ng kanyang kulay lilang bagpack upang sagutin kung sino iyong tumatawag sa kanyang cellphone. "Hello, who are you?" sabi ng mandirigma. "Muhahahaha" at isang tawa ng tila halimaw ang kanyang narinig at muli niya itong tinanong.
"Who are you men?" tanong ng mandirigma tila nahihiwagaan sa kanyang kausap
At muling nag salita ang boses halimaw "Kamusta Crush mo?"
"F*ck you! anung ginawa mo sa Crush ko? Sino ka ba?" galit na galit na nasabi ng mandirigma
"Tulong, Tulomeeeeee" at isang sigaw ng babae ang kanyang narinig mula sa kabilang linya.
"Rohilda? Hindeee" napasigaw ang lalaking nag-ngangalang Tulome
"Hahaha siya ba? Siya ang Crush mo?" muling sambit ng halimaw na boses
"Ibalik mo si Rohilda, punyetang sinu kaman" at biglang naputol ang linya.
Ibinato ni Tulome ang kanyang cellphone papuntang kanyang backpack.
"Yum yum yum yum delicioso" bangkit ng kulay lilang bagpack nung napasok na ang Cellphone ni Tulome.
Napaluhod sa lusak si Tulome dahil sa kayang nalaman at nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nakakalungkot dahil tila wala siyang magawa sa mga nangyayari, ang nais lamang niya ay iligtas ang kaharian ngunit nadamay pati ang kanyang Crush.
Binunot ni Tulome ang espadang ginamit ni Flavio at itinarak sa lupa at bigla-bigla nakaramdam siya ng matinding lakas at marahan siyang tumayo mula sa kaniyang pag-kakaluhod. At itinaas niya ang kayang kanang kamay na may hawak na esapada at sumigaw ng malakas "HAAAAA!" bigla siyang nag-liwanag tila nag-lalagablab ang enerhiya mula sa kaniyang katawan.
"Magaling, magaling" Biglang may nag salita mula sa kawalan at ito'y ang halimaw na boses na kausap ni Tulome mula sa cellphone.
"Lumabas ka harapin mo ko, BADING ka" sigaw ni Tulome sa kawalan habang linga siya ng linga sa paligid upang hanapin ang nag-sasalita
At bigla-biglang may lumabas na itim na Apoy mula sa abong lupa at lumitaw ang isang pitong talampakang halimaw at may hawak na Ipad Mini at may nakasuksok na baston mula sa kanyang kaliwang beywang.
"Ikaw nga Cheupeto, humandaka HAAAA!" tumakbo si Tulome upang sugurin si Cheupeto ngunit bigla siyang natigilan.
Bumukas ang Screen ng Ipad Mini at lumitaw ang isang video call mula sa apps na We Chat
"Tulome, tulong" isang sambit ng magandang babae na mula sa screen ng Ipad Mini ang nagsalita at mukhang nanghihina ito.
"Rohilda, antayin mo ako." At biglang iwinasiwas ni Tulome ang espada kay Cheupeto at itoy mala-kidlat sa tulin ngunit, Nailagan lamang iyong ni Cheupeto at isang malakas na hampas ng kanyang Baston ang ibinigay kay Tulome.
Malapit nang tumama ang baston sa kanyang mukha ngunit gawa pa niyang kunin ang barbell at umatras ng kaunti. Ipinuwesto niya ang kanyang kaliwang kamay sa baywang at ang kanang kamay nama'y itinaas ang barbell sabay sigaw "CAPTAIN BARBELL" at isang nakakabulag na liwanag ang sumabog sa barbell at pag-katapos isang payat na lalaki na naka-kulay dilaw ang lumabas na may gintong initial sa kanyang didib na CB Comics sans ang font style.
Hindi pa man tapos ang pagpapalit anyo ni Tulome ay isang malakas na hataw ang kanyang naramdaman sa tagiliran at ito'y kanyang ikinaluhod. Dahil di pa tapos ang transpormasyon wala pa siyang suot na pambaba at habang siya'y nakaluhod isang malakas na palo ang naramdaman niya sa kanyang ulo at ito'y ikinawala niya ng malay.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pantasya
Fantasía(Comedy) Samahan si Tulome at ang Kaniyang mga kaibigan na harapin ang mga kalaban, lipulin ang kadiliman, kasuklaman ang kasamaan at durugin si Mang Cheupeto. Tuklasin ang kasayahan at kahiwagaan ng kanyang pag-lalakbay. Eto ang “Ang Huling Pantasy...