Ngayo’y marahan na lamang nag lalakad sina Tulome at Boots. Si Boot ay hinang-hina na at nakakapit na ito sa lalaylayan ng kulay lilang bag ni Tulome. Si Tulome naman bagsak na ang dalawang braso sa pagod at gutom.
“Boot, Wala na tayong pagkain”
Tumingin ng masama si Boots kay Tulome at iniikot nito ang dila sa kaniyang labi.
“Boots maghunos tili ka wag mo akong gawing Chibog” sabay sampal nito kay Boots ng napaka lutong. Mas malutong pa sa kinain mong chicharon kahapon. At sa sobrang lutong napasigaw sa sakit si Boots.
“Aray!! Patawad Tulome hindi ko maawat ang aking sarili” sabay kamot nito sa kaniyang pisnging mabalahibo kung saan siya sinampal ni Tulome ng crunchy.
“Hindi okey lang iyon. Pero wala na tayong makakain dito sa desyertong mabato”
“Oo nga mamatay na yata ako” sabay bagsak ni Boots sa mabuhangin na lugar.
“Boots gising!” inaalog-alog niya si Boots ngunit tila nawalan ito ng malay tao.
Binuhat ni Tulome si Boots upang ililim sa Malaking bato. “Diyan ka muna Boots babalik ako pangako kaibigan”
Kitang-kita sa mga mata ni Tulome ngayon ang sigasig. Kahit gutom na rin siya at nanghihina at sinuong niya ang disyerto upang makahanap siya ng makakain nilang dalawang magkaibigan.
Hindi niya alintana ang dalawang araw na nakatapat sa kanyang pagod na katawan.
Namahinga muna si Tulome sa isang lilim ng bato pero may di nanamang inaasahang kalaban ang dumating
“Huwaaaaa” hiyaw ng halimaw. Na tila isang malaking alakdan na gawa sa metal.
Agad na tumayo si Tulome at hinugot ang mahaba, matalas at matigas niyang Espada at umakmang makikipaglaban.
“Who are you?!” sigaw ni Tulome sa halimaw
“Huwaaa” hindi man lang nagsalita ang halimaw kaya naman uunahan na ito ni Tulome pero.
“Cut!! Shitness and Fuckness. Sino iyang extrang yan! Kitang nagshooshooting tayo! Bastos” sigaw ng lalaking nakaupo sa isang maliit na silya.
Lumapit ang tila assistant na bading ng lalaking nakaupo sa maliit na silya “Ay koya mamaya pa po ang mga extra. Excited lang?”
“Anung ibig ninyong sabihin?” tanong ni Tulome
“Ay shunga ka Pogi ka pa naman. Di mo ba nakikita na nag shooshooting kami”
Tumingin si Tulome sa paligid at napagtanto niya na may isang shooting nga ng pelikula.
“Ay pasensya na”
“Ay hindi okey lang iyon gusto mo bang maging extra? Sayang gwapo mo at mataas naman ang sweldo eh ” sabi ng maligalig na bading sabay hawak nito sa mala Arnold Swatzineger (I’m not sure sa spelling) ni Tulome.
Nanlaki ang mata ni Tulome at tila umunat ang labi nito at bumuo nang isang malawak na pekeng ngiti tila nandidiri “S-sige sige” walang anu-anu ay pumayag na siya. Kailangan niyang kumita ng pera upang ipang bili ng pagkain nilang magkaibigan.
~~
Samantala sa kinalulugaran ni Boots.
“Ahh ang sakit ng ulo ko” tumingin sa paligid si Boots habang nakahawak sa kaniyang ulo.
“Tulomeee!” sigaw niya dahil hinahanap niya ang kaniyang kaibigan.
“Tulomeee! Nasaan ka wag mo akong pagtripan” kitang-kita na ang takot sa mata ni Boots
BINABASA MO ANG
Ang Huling Pantasya
Fantasy(Comedy) Samahan si Tulome at ang Kaniyang mga kaibigan na harapin ang mga kalaban, lipulin ang kadiliman, kasuklaman ang kasamaan at durugin si Mang Cheupeto. Tuklasin ang kasayahan at kahiwagaan ng kanyang pag-lalakbay. Eto ang “Ang Huling Pantasy...