Matinding Rebelasyon

67 2 0
                                    

“Pahinga muna tayo?” tanong ni Tulome sa mga kasamahan

“Sure medyo tired na din ako eh” sabi ni Pinocchio na ngayon ay hingal na hingal, dahil na rin sa patpatin nitong katawan.

“Woo ang init, Tulome Ihi lang ako”

“Sige tol” sabi ni Tulome na nakaupo sa isang sinulid na upuan.

Naglakad na palayo si Boots upang ilabas ang tawag ni kalikasan habang sina Pinocchio naman at Tulome ay…

“Boy Puppet kain muna tayo, eto nag take-out ako sa Mcdo”

“Sige” mukhang takam na takam na takam si Pinocchio sa alok ni Tulome

Ngayon ay masayang pabalik na si Boots. Pasipol-sipol pa habang pabalik ngunit nabigla siya sa kanyang nadatnan.

“OW EM GEE!” sigaw ni Boots

“OY Boots kain tayo” Agad na lumapit si Boots dahil sa alok ni Tulome.

“Asan na pagkain ko?” tanong ni Boots habang hinahalungkat ni Tulome ang kanyang kulay lilang bag pack.

“OW SHT” humarap si Tulome na gulat na gulat “wala eh hindi ko makita”

Sarap na sarap naman si Pinocchio sa pagkain ng Super Big Mac niya.

“Ahh hindi ok lang” sabi ni Boots na parang garalgal ang boses na paiyak na.

“Sigurado ka?” tanong ni Tulome. Sabay tingin naman ni Tulome kay Pinocchio at nag-gesture na umalis muna.

“AY oo, gutom lang naman ako eh at saka ok lang ‘yun kahit masarap kinakain niyo. Ok lang sakin amoyin ko kinakain niyo nakakabusog naman eh”

“So-so-sorry” sabay sumabay ng sorry sorry ng Super Junior si Tulome. Pagkatapos ay

“Sorry talaga Boots”

Hindi na napigilan pa ang bugso ng damdamin na nararamdaman ni Boots at inilabas na ito ng kanyang mata sa pamamagitan ng isang maalat na luha.

“Hindi mo man lang ba ako inisip ha?” sabay dabog sa dibdib ni Tulome “Ha? Siya na ba ang tunay mong kaibigan ngayon?”

“Boots” nagmamakaawa ang mga mata ni Tulome

“Wag mo akong tawaging Boots!” Sigaw ni Boots habang tumutulo ang kanyang luha sa mabalahibo nitong pisngi.

“Eh kung hindi Boots tatawag ko sa’yo eh ano?”

Tumalikod si Boots at inawat ito ni Tulome sa pamamagitan ng paghawak sa kwan. Dun sa balikat ni Boots “Ano ang tatawag ko sa’yo sabihin mo?!” napasigaw narin si Tulome tila hindi na niya naawat pa ang namumuyos na emosyon.

“Hindi ko alam, Sige Boots nalang ulit ang itawag mo sa’kin wala akong maisip na magandang name!” pagdadabog ni Boots na umupo sa isang nakatumbang katawan ng puno.

“Name lang ba ha?” sabay may kinuhang isang libro si Tulome sa bag niya at hinagis ito kay Boots na ngayon patuloy parin ang pagbaha ng luha.

“Pa-para saan ‘to?’ nakatungo si Boots sa sahig kung saan lumagpak ang hinagis na libro ni Tulome.

Tumalikod si Tulome at aakmang aalis na. Dinampot ni Boots ang isang libro at binasa ang title nito.

Tumakbo si Boots papunta sa nakatalikod na si Tulome at niyakap ‘to mula sa likod. Medyo Gay ang eksena, patnubay ng ina ang kailangan.

Patuloy parin ang bagsak ng luha, ngayon ay mas malakas na ito. Mala gripo na ang tulo ng luha ni Boots. Samatalang si Tulome ay nabigla sa pagyakap.

Ang Huling PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon