Mountain Dew

96 2 0
                                    

“Eto na Boots” nakatingala ang dalawa habang tinitignan ang tuktok ng Mount Bundok, na ayon sa alamat ay ito ang pinagsimulan ng mga alamat. Medyo magulo pero magulo talaga.

“Tama” seryosong tinig ng boses ni Boots ang maririnig tila desididong matawid ang Mount Bundok.

Agad-agad na tumakbo ang dalawang magkaibigan paayak ng bundok. Ilang oras pa ang lumipas pero parang wala pa sila sa kalahati dahil sa taas ng bundok. “Mukhang aabutan tayo ng gabi dito Tulome”.

“Tama ka at mayroon akong nararamdamang kakaiba” diretso ang tingin ni Tulome sa paligid, matalas ang bawat tingin, tila may hinahanap sa paligid.

“Anu yun?” tanong ni Boots kung anu yung nararamdaman ni Tulome dahil bigla bigla nalang kasi ay nagbago ang itsura nito, pinapawisan ng maigi at namumula.

“Boots…” tila nagpipigil na nagsasalita si Tulome.

Humawak naman si Boots sa kamay ni Tulome. “Anu iyon? Anung nangyayari sa ‘yo Tulome? Sabihin mo!” inaalog alog pa ni Boots ang kamay ni Tulome.

“Boots saan bany-”

At bigla-bigla ay may di kaaya-ayang ang kanilang narinig.

*PRUTT*

“Hoy Tulome narinig mo ba ‘yun?” kinakabahan na si Boots. Wala parin siyang tapang kahit na siya si Kapitan Tawas.

Hindi nagsalita si Tulome bagkus ay tumakbo ito. “Huy Tulome iiwan mo nanaman ba ak-“ natigil si Boots sa pagsasalita ng makaamoy ng mabaho. Mukhang alam na ni Boots ang nangyari sa kaibigan niya kayat “Ha ha ha ha Tae mo na yan Ha ha” halos di maipinta ang mukha ni Boots sa pagtawa.

Hawak ni Boots ang Ipad 3 kayat naisipan niyang Videohan si Tulome habang alam mo na. “Hoy kokotosan kita wag mo kong Videohan” tila naasar si Tulome “Patapusin mo muna ako…Pag talaga naging viral yang video ko gagawin kitang adobong Unggoy”.

Tuwang-tuwa nanaman si Boots sa kaniyang ginagawa pero nagtigil rin nung matapos si Tulome sa kanyang personal na ginawa.

Muling naglakad ang magkaibigan paakyat ng bundok. Pero may bigla silang nakitang isang nilalang na lumilipad.

“Oh! see that? It’s a bird” sabi ni Tulome habang nakaturo ang index finger sa kalangitan.

“No, it’s plane” pagkotra naman ni Boots.

At dahan-dahan bumaba ang kanilang tinutukoy. Isa pala itong gawa sa bakal na tao. Kulay pula’t ginto ang kulay at may maliwanag na triangle sa dibdib nito.

“Wow! Aztig pre” bilib na bilib si Boots.

“Ayos, Idol ko ‘to nung bata pa ako. Power ranger men” at nagkipag apir pa kay Boots tila astig na astig ang dalawa sa kanilang nakita.

Ang Huling PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon