Fishy

80 1 0
                                    

Masayang-masaya ngayon si Boots dahil dala na niya ang ibong Adarna na magpapanumbalik sa katawan ni Tulome na naging bato.

Pagpasok ni Boots sa pinto ng barangay hall nakita niya si Tulome na bato parin. Dahil hindi pa nga ito nagagamot.

“Tulome ito na ang Ibong Adarna” sabi ni Boots

Hinawakan naman siya ni Kapitan sa balikat at “Gawin mo na”.

“Ang alin po, gagawin ko wala nga kayong sinasabi?”

“Sorry naman, Talk to the bird” tumingin ang kapitan sa baba

“Anung bird?”

“Ayan oh!” tinuro ni Kapitan ang ibong adarna.

“Ha ha ha akala ko pa naman kung anu na” inilapag ni Boots ang Birding Adarna sa desk. “Hey Beautiful birdy paano gagaling ang kaibigan ko?” tanong ni Boots na may  saya sa labi.

“Hiwain mo ang iyong kaliwang palad ng isang punyal at patakan ito ng lemon at lagyan ng kauting paminta kapag may dugo na at ipatak mo iyon habang sumayaw ng cha-cha”

“Pe-pe-“ natigilan si Boots sa pagsasalita nung magsalita ulit ang ibon.

“Talk back and you’re dead! F*ck!” the bird said with an authority.

Natahimik nalamang si Boots at ginawa ang sinabi ng Ibong Galit. Angry Bird. Ayon sa alamat ang ibong Adarna ay kalahi ng mga angry birds kaya’t namana nito ang katangian ng kanilang lahi na magagalitin.

“Oh men walang punyal!” nagpapanic na sigaw ni Boots. “Tama ang bag pack” pag katingin niya don sa bag pack ay swerteng hindi ito naging bato.

“Bag pack bilis punyal!”

“Sige!” sabi ni bag pack at may lumabas na parang hologram at may cursor na tinuturo ang mga gamit na lumalabas.

“Ito ba ang punyal?” tanong ni bag pack habang nakaturo ang cursor sa hotdog

“Bwisit ka akin na nga yan” at kinuha na agad ni Boots ang punyal.

Inilahad ni Boots ang kanyang kaliwang palad at sabay nilagyan muna ito ng alcohol upang hindi matetanus pag katapos ay hiniwa niya ang kanyang palad na parang kamatis. Hindi pa man natatapos ang paghiwa ay tagas na agad ang mapulang dugo sa kanyang palad “AHHHHHHH! Sakit!” sigaw ni Boots

“Akin na ang lemon dali” utos ni Boots na may otoridad

At inabot iyon ng tindera ng lemon sa palengke. Sabay hiniwa rin niya ang lemon at marahang pinatak sa kanyang palad na may hiwa kitang-kita ang sakit na nararanasan ni Boots, ang bawat hapdi talagang bumabakat sa kanyang mukha. “P-paminta” halatang iniinda lang niya ang sakit.

Pinatak na niya ang dugo sa noon i Tulome at sumayaw ng cha-cha. Sabay kinantahan naman ito ng Ibong Adarna.

“Charap charap charap charap

Charap mag cha-cha

Charap charap charap charap

Cha-cha-cha”

Todo sayaw naman si Boots. Todo perform marahil narin sa kagustuhan niyang bumalik ang kaibigan.

Dahan-dahang natipak ang piraso ng bato at lumitaw na ang katawang tao ni Tulome. Namangha lahat nang nakakita sa nagyayari.

“Tulome” may tumulong kaunting luha sa mata ni Boots at mahigpit na sinalubong ng yakap ang kaibigan. “Tulome”

Wala paring malay si Tulome at tila namumutla ito.

Ang Huling PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon