Pusong Bato 1.2

105 1 0
                                    

Tumigil sa pag takbo ang dalawa nung makakita sila ng isang karinderia. Sa gitna ng kagubatan.

“Tulome kumain muna tayo at ako’y gutom na” pagmamakaawa ni Boots. Dahil nag-aalab na ang kaniyang sikmura sa gutom.

“Wala tayong dalang pera Boots, Nabankrupt ang negosyo ko diba?” pagpapaliwanag ni Tulome na ngayo’y walang ni pusing upang pambili ng pagkain.

Tinanggal ni Tulome ang kulay lila niyang bag pack para may kuhanin sa loob nito.

“Boots sayo nalang ‘to.  Last kong pagkain” pagmamahal sa kaibigan ang namumutawi sa nag-aalab na  sikmura ni Boots ang inialay ni Tulome (di ko gets).

“Si-sigurado ka ba Tulome na saakin nalang itong SO LUCKY CRACKERS” may ngiting pagkakasabi ni Boots at kaunting nangilid ang luha. Marahil na touch ito sa ginawa ng kaibigan.

“Oo sayo na iyan” sabay abot ni Tulome.

“Salamat tulome” at sabay yakap nito sa kaibigan. Ngunit may biglang matandang babaeng ermitaña ang dumating sa kinatatayuan nila Boots at Tulome.

“Mga iho pwede bang makahingi ng makakain?” sabi ng hinang-hina na ermitaña. Kaawa-awa ang itsura nito, punong-puno ng dungis ang buo niyang katawan at nagdodormitoryo ang maalinsangang amoy ng ermitaña.

“A-a lola pasensya na po gipit din po kami” sabi ni Tulome na talaga namang gipit na gipit ang situwasyon sa mga oras na ito.

Lumapit si Boots sa tainga ni Tulome upang bulungan “Anu ka ba Tulome hindi mo ba nababasa o napapanuod man lang?”

“Ang alin?” pagtataka ni Tulome

“Malay mo etong si Tanda eh fairy god grandmother pala” paliwanag ni Boots

“Ay oo nga no. Di ba sa ermitaño ko rin nakuha tong barbell at espada” lumitaw ang ngiti ni Tulome. Tila may naisip na edeya ang dalawa.

“Oh anu deal ha, Akin naman yung reward nitong ermitaña” Bulong ni Boots sa tainga ni Tulome.

“Okey okey”

“Ah Lola eto” inabot ni Boots ang natitirang pagkain nila. “Para ho sa inyo yan”

“Salamat iho” Nasilayan ang ngiti ng matanda at kinain ang ‘SO LUCKY CRACKERS’. Gutom na gutom ito. Hinahabol ang bawat kagat at nilalasap.

Pero biglang. “Ahhh ekk ekk T-tu Behhg”

“Anu ho lola?” tanong ni Tulome

“Tu-tu beg” Hirap na pagsasalita ng matanda

“A-ano ho? Tuleg?” hindi masyadong maintindihan ni Tulome ang sinasabi ng matanda kaya’t salitang tuleg ang kaniyang naintindihan.

Ang Huling PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon