Makita kang muli

77 2 1
                                    

“Tulome!” isang sigaw ang nagpalingon ng ulo nina Tulome at Boots.

Abot tanaw ng kanilang mata ang isang babaeng nakasuot ng pang Cinderella. Gulat na gulat ang dalawa sa kanilang nakita.

“Rohilda?!” agad na tumakbo palapit si Tulome upang siguruhin kung si Rohilda nga ba ang babae. Hindi nga siya nagkamali, si Rohilda nga. Ang nabihag na si Rohilda ay bumalik na.

“Tulome…” Hindi maipinta ang mukha ni Boots. Lahat ay bigla, walang nakakalam kung bakit napunta rito si Rohilda.

“Rohilda, ikaw nga” at isang mahigpit na yakap mula kay Tulome ang ibinalot sa katawan ni Rohilda. Marungis ang itsura nito marahil sa may pinagdaanan itong mahirap.

“Tulome” Tila dalawang ilog na rumaragasa ang mata ni Rohilda dahil sa pag-iyak. Punong-puno ng pananabik ang kanyang nadarama. Hindi nila akalain na sa ganitong tagpo ay muli silang magkikita.

“Wag ka ng umiyak, nagpuputik na yung mukha mo. Tara na umuwi na tayo. Pagod na ako, pagod na ang dalawang binti ko upang magalugad ko ang buong mundo matagpuan ka lang. Ngalay na ang bisig ko sa pakikipaglaban. Rohilda tara na.” At bigla nalamang tumulo ang luha sa mata ni Tulome. Luha ng saya na walang kahit anu mang bagay ang papalit nun.

“Tulome, hindi pwede. Kailangan mo pang talulin si Cheupeto. Kailangan niyang maglaho dito sa mundo upang hindi na tayo muling gambalain pa.” Sabay hiwalay sa pag-yakap.

Mangiyak-ngiyak naman si Boots sa dramang kanyang nakita. Halos hindi maipinta ang mukha ni Boots dahil nagmukha na itong abstract.

“Rohilda akala namin di ka nanamin makikita ni Tulome. Anu? sagutin mo na siya. It’s been 20 years na crush lang ang turingan niyo. Siguro time na para subukan ang next level.” Sabay ngiti ni Boots kay Rohilda.

Isang malalim na singhot muna ang binuwelo ni Rohilda bago magsalita “Alam mo Boots matagal ko na ring iniisip yan…” sabay harap kay Tulome “sa 20 years mong pangliligaw sa’kin Tulome. Masaya kitang tinatanggap bilang Boyfriend ko.” Kilig, nginig, hiyaw, sigaw, singaw hindi malaman kung anung ekspresyon ang papakita ni Tulome.

Tulala lang si Tulome. Parang isang kulangot na tumigas paglipas ng panahon.

“Teka Tulome anung gagawin mo? Bakit hawak mo yang Ipad?” tanong ni Rohilda nang biglang kumuha ng Ipad si Tulome sa kabila ng pag ‘oo’ ni Rohilda.

“Hindi ko alam kung anung, emosyon ang ipapakita ko kaya sa tulong ng mga emoticons. Ipapakita ko sa’yo.”

“Ayiieee! ang sweet mo naman…” at biglang may kinuha si Rohilda mula sa kaniyang bulsa. “Kaya bilang ganti picture tayo at look-up. Change status na rin ako para mainggit ang mga taga FB para lahat makilandi narin.”

“Wait sama ako diyan, sayang kulay ko! Pinkish pink pa naman.” Sabi ni Boots

Nagdikit-dikit ang tatlo sabay. “1…2…3…Say Wattpad!”

Diretso muli sa paglalakbay sina Tulome, Boots at ngayon si Rohilda na kapiling muli nila.

“Rohilda este Vhabezx (babes yan uso kasi ang jejemon kaya para update ginaya ko na)”

“Anu yon? Vabes?” tanong ni Rohilda

“Wrong spelling ka, V-H-A-B-E-Z-X dapat.”

“Ang art naman. Nahawa ka na ng sinasabi nilang CHANGE”

“May tatanong lang ako Vhabezx…” sabay hawak sa kamay ni Rohilda “Pa’no ka ba napunta dito? I mean pa’no mo kami nakita?” tanong ni Tulome

“Syempre may mata ako.” Sabay tawa na rin ni Boots pagkasagot ni Rohilda.

“Hindi, paano ka nakalaya sa kamay ni Cheupetong Inang na’yan?” muling tanong ni Tulome habang nakain ng Ice cream. Isang palaisipan parin kung saan nanggaling ang Ice cream dahil hanggang ngayon wala pang nakakaalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Huling PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon